XVII. Mommy wouldn't lie

1279 Words
XVII. Mommy wouldn't lie "Ali—" "Anong sabi mo, Ma?!" Sa labing pitong taon, ngayon ko lang nakitang nagkaganito ang anak ko. Dali dali ko itong pinuntahan at umambang tutulungang makatayo mula sa pagkakaluhod nitong dahilan ng panghihina sa narinig pero itinulak lang nito ang mga kamay ko. "Anak.. anak magpapaliwanag si Mommy." nagawa kong hawakan ang mukha nito ng ilang segundo pero agad niya rin iyong pinagtutulakan palayo sakanya. Pinalalayo niya ako na parang isa ako sa pinakakinamumuhian niyang tao. "Makinig ka sa akin," pumapalahaw na ako sa pag-iyak. Ito ang pinakakinatatakot kong mangyari. "No! Leave! Leave, please. Leave me!" singhal nito pero hindi ako nagpagapi. Ilang beses ko siyang sinubukang hawakan pero lahat ng iyon sinasalag niya lang at mas itinutulak lang akong palayo. "Ali, please..." hindi ko na mapigilang hindi humikbi. Lahat ng mga kinalimutan kong sakit ay nagmistulang bumalik, nadagdagan nga lang dahil sa mismong anak ko na mismo ang mayroong galit sa akin. "I trusted you, Ma! Akala ko tayo ang kakampi rito!" sigaw niya noong tuluyan na siyang makatayo habang naiwan ako sa pagkaluhod. "M-Magkakampi... tayo, anak—" "LIAR! You lied!!" iyon ang naging huli niyang pagsigaw bago tumakbong muli paalis doon. "Alesseo..." Sa sobrang bigat ng pakiramdam ko ngayon, hindi ko man lang magawang makatayo. Agad kong naramdaman ang mga kamay sa likuran ko na siyang umalalay sa akin. "Tanya! Tanya, what happened?" hindi ko na nasagot ang nagising na pala naming si Josiah. Nanatiling ang paghikbi ko lang ang rinig sa buong kwartong iyon. Maya maya pa ay dumalo na rin doon sila Direk AJ kasama si Alice at Baste, pati iilang staff ng Styrax. "B-Baste, please. Si Ali," nag-aalala ko pang sabi. Mabuti na lang at agad niya ring nakuha iyon at tuluyan nang umalis sa lugar para sundan ang anak ko. Pinagtulungan nila akong paupuin sa kama, pinalibutan nila ako roon habang ako hindi na halos makahinga sa sobrang pag-iiyak. Nalaman na niya! Nalaman na ni Ali ang totoo. Ngayon, ano na ang gagawin ko? Tama siya, nagsinungaling ako sakanya. Nagsinungaling ako kahit iyon ang rule naming mag-ina. Kahit ipinangako namin sa isa't isa noon na walang magtatago dahil kaming dalawa lang ang magkakampi. Hindi ko ata kakayanin. Hindi ko ata matatanggap na tuluyang lumayo ang loob sa akin ng anak ko dahil sa pangyayaring ito. "Tanya, ano ba talaga ang nangyari?" pang-ilang ulit na tanong na iyon ng Direktor na nasa tabi pero ganoon pa rin ang ginawa ko. Hindi ko pa rin ito sinagot. "Sir Jo?" si Alice naman ang bumaling kay Josiah na parang gulat na gulat din sa mga nangyayari. "I.. really don't know. I fall asleep, nagising na lang ako sinisigawan na ni Ali si Tanya." Pumalahaw muli ako ng iyak, naaalalang muli ang nangyari pati ang mga salitang sinabi sa akin ng anak. Sinungaling ako pero para sakanya rin naman ang mga iyon. Noong nasa unang baitang pa lamang si Ali, alam kong hindi niya rin maiintindihan ang lahat. Alam kong malaki ang kasalanan ko, hindi ko ibinigay sakanya ang karapatan niyang magkaroon ng buong pamilya. I told him that his father left us. Hindi na nga lang ako nagbanggit ng kung ano pang impormasyon tungkol sa ama niya. Iniwan naman talaga kami ng ama niya, hindi ako nagsinungaling sa bagay na iyon. "Tanya.. be strong, alright? Kung ano man ang conflict ninyo ni Ali, you can fix that in no time." sabi ni Direk habang patuloy ang paghagod sa likod ko. I hope so, too. Napagdesisyon ng lahat ang bumalik na sa Maynila ngayong hapon kahit kinabukasan pa dapat. Kaya lumaki lang lalo ang pag-asa kong makakausap ko ang anak. Hindi kasi katulad dito, sa bahay ay makakausap ko ito ng masinsinan. Mas malaki ang pag-asang pakikingnan ako ng anak ko. Nang nagsimulang maghanda ang lahat para sa pag-alis ay bumalik din si Ali sa kwarto naming dalawa pero wala ako ni isang salitang nakuha rito. Walang pagbabago. Tuwing nilalapitan ko siya ay itinataboy niya lang ako. Tuwing kakausapin ko siya ay tatalikuran niya lang ako. Dumapo na lang ang mga palad ko sa bibig nang basta na lang nitong kinuha ang mga gamit niya sa kwarto at umalis. Nakahanda na raw kasi ang sasakyan, pero malaki rin ang hinuha kong hindi iyon sasakay sa kotse ni Josiah. Nang makababa ako, hindi nga ako nagkamali. "Kuya Baste, sainyo ako." namataan kong sumulyap muna sa akin si Baste maging si Direk AJ bago tanguan si Ali. He hates me. Kinamumuhian ako ng anak ko. "Direk, m-may extra pa bang upuan—" "Hindi. Wala na. Tara na, Kuya." matitigas ang pagkakasabi noon ng anak ko. Nag-aalangan man ay sinunod na lang siya ng mga taong naroon. Halos mabuwal naman ako sa kinatatayuan ko. Sa labing pitong taon, ni minsan ay hindi kami naging magkaaway ng anak ko. Ni wala kaming hindi napagkasunduan.. ito ang unang beses. Akala ko, natapos ko nang pagdaanan ang lahat ng masasakit na bagay na pupwedeng mangyari. Hindi pa pala ako tapos. Hindi na ata ako lulubayan ng sakit. Sumabay ako kay Josiah pauwi pero nanatili lang kaming tahimik. Wala ni gustong magsalita at alam ko pinakikiramdaman niya lang rin ako. But I chose to speak. Gusto ko lang mabawasan ang sakit, gusto ko lang pagaanin ang loob ko. "Kasalanan.. ko ito, nagsinungaling ako sa anak ko. He hates me now!" tahimik lang ang lalaki pero alam kong nakikinig siya. "Hindi ko kaya, Josiah. Hindi ko kayang galit sa akin ang anak ko. Hindi ko k-kaya." Bumuhos na ang luha ko doon kaya hindi ko na kinayang magsalita. Sobrang sakit ng katotoohanan na mismong anak ko ang galit na sa akin. Sinong magulang ang gugustuhing kamuhian ng sarili niyang anak? Naubos ang tatlong oras sa byahe ng walang nagsalita. Kung hindi naman ako papalahaw ng iyak ay wala kang maririnig ma ingay sa sasakyan. Nang makarating sa tapat ng condo, ay doon lang nito nagawang magsalita. "I'm sorry, Tanya. Alam kong ako ang dahilan kung bakit galit sa'yo si Ali," anito na nagpatigil sa akin patuloy na pagbaba ng sasakyan. Alam niyang siya ang dahilan? "Kung hindi ko biniglang sabihin sakanya na liligawan kita, sana hindi nangyari 'to. I should've respected Ali." Nakahinga ako ng maluwag. Iyon pala ang rason na alam nito, akala ko naman ay may naalala na siya mula sa sigawang iyon. Nginitian ko na lang ang lalaki at nagpaalam na papasok na, kailangan kong magmadali. Gustong gusto ko nang makausap ang anak. Wala akong sinayang na oras, halos takbuhin ko pa ang entrance ng condo paakyat sa unit namin. "Anak," bungad ko iyon matapos mapasok. Sakto naman ang naging paglabas nito sa kwarto niya kaya nabalingan niya ako ng tingin. "'Nak, I'm really sorry. Ngayon ko lang ulit nakita si Josiah and I was about to tell you pero gusto ko munang m-malaman kung bakit niya tayo iniwan noon. Baby, hindi ako—" kusa akong napahinto sa malalamig na titig ng anak. His eyes were very much familiar, ang mga titig na iyon ang kaparehang titig na nakita ko noong nagpasya si Josiah na iwan kaming mag-ina. Doon pa lang natakot na ako. Hindi iyon ang normal na kilos ng anak ko. Ganoon ba siya... sobrang kagalit? "Pupunta po ako kila Leo, I'll stay there for the mean time." nanlalaki ang mga mata ko, doon ko pa lang napansin ang hawak nitong bag. May kalakihan iyon, magtatagal siya? Iiwan niya ako rito? "Anak, 'wag mo namang iwan si Mommy—" "My mommy wouldn't lie to me," pinal na sabi nito bago tumuloy sa pag-alis sa lugar. Tuluyang pag-abandona sa aking dapat ay kakampi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD