CASSANDRA Nang sumunod na araw naging maayos na ang kaniyang pakiramdam.Nawala na ang kirot sa kanyang ulo at balakang.At isang araw naring hindi siya pinapansin ni Savan.Hindi rin ito natulog sa kanilang silid.Kaya naman nabagabag siya.Sa ikinikilos nito. Naniwala pa naman siya sa sinabi ni Yasmine na sobra itong nag alala ng mahulog siya sa kabayo at mawalan ng malay.Subalit mula ng mamulatan niya ito sa kanyanh kwarto hindi na siya nito kinausap at pinuntahan. Kailangan niya itong makausap para malaman niya kung may nagawa ba siyang masama na dahilan para ikagalit nito. Isang malamin na buntong hininga ang pinakawalan niya bago.Lumabas ng kaniyang silid.Kakausapin niya si Savan sa ayaw at sa gusto nito. Pag labas niya ng kaniyang silid husto namang lumabas si Savan sa isang pinto.B

