CAPITULUM SINGKO

1044 Words
Leigh Risha Hawthorn Ngayong araw ay muli kaming nagtungo ni daddy sa kapitbahay namin na may two-storey house upang bumisita kay Lolo. Napag-alaman ko na close pala si daddy dito at 'yon ang dahilan kung bakit nagpagawa ito ng bahay kaharap sa amin. Pagkapasok pa lang namin ni daddy sa loob ay humahaba na agad ang leeg ko sa kakalinga sa paligid. May hinahanap kasi ako. Nasa'n na kaya ang lalakeng 'yon? Nabaling lang ulit ang tingin ko sa direksyon nina Daddy nang tawagin ako ng Lolo ni Aizen. "Ija, si Aizen ba ang hanap mo? Nandoon siya sa kuwarto niya. Nagkukulong. Hahaha. Puntahan mo kung gusto mo." Ngumiti pa ito sa akin. Paano niya kaya nalaman? May sidekick power ba talaga siya? Waah! Parang gusto ko na tulog kaibiganin din siya para maturuan niya ko katulad ng ginagawa niya. Samantala, nanlaki bigla ang mata ko ng maunawaan ko ngayon lang ang ibigsabihin niya sa kanyang sinabi. "Lolo, bakit nagkukulong si Aizen? Nadepress ba siya dahil sa naging asal ko noong nakaraang araw? Hala! Lolo, baka nagbigti na siya. Kailangan na 'tin siyang puntahan agad sa kuwarto niya!" Naglakad ako patungo sa kusina, pero bumalik din ako kaagad dahil sa second floor nga pala ang kuwarto ni Aizen. Ngumiti ulit sa akin si Lolo at tumango sa akin. "Lakad na. Huwag kang mag-alala. Hindi naman siya magpapatiwakal. Nasa kanang bahagi, sa dulo ng hallway ang kuwarto niya." Tumango nalang ako kay Lolo at naglakad na papunta sa second floor. Nadaanan ko pa ang isang mabalbon at matabang pusa na kulay puti. Nakaupo ito sa gilid ng hallway pagkaliko na pagkaliko mo pa lang. Ang ganda nga ng mata niya eh. Magkaiba ang kulay. Isang green at isang blue. Magkano kaya ang bili nila sa pusa na 'yon? Hahaha. Huminto ako sa pinakadulong kuwarto. Kakatok na sana ako para tawagin si Aizen, pero napansin kong bukas ang doorknob ng pintuan. Gusto ko sanang tawagin muna si Aizen bago pumasok sa kuwarto niya, pero naisip ko na baka pagtabuyan niya lang ako paalis at magsarado ng pinto niya. Mahirap na at baka magsuicide talaga siya eh. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip muna sa loob bago maingat na pumasok sa kuwarto ng walang ingay. Nakita ko siyang may hawak na isang pencil at isang sketch pad habang nakasandal at bahagyang nakahiga sa kanyang kama. Hindi niya ko napansin dahil parang busy na busy siya sa kanyang ginagawa. "Pst, Aizen." This time, tinawag ko na siya dahil hindi na niya ko mapapagtabuyan palayo. Nakapasok na kasi ako ng tuluyan sa kuwarto niya. Hahaha. Napalingon siya sa direksyon ko at agad na nagsalubong ang dalawang kilay niya pagkakita sa akin. "What are you doing here in my room? Don't you know that I don't want anyone to enter here without my permission?" Hala! Naka-english accent pa siya. Kailangan ba mag-english din ako? "I don't understand you. Please speak in tagalog. Hehe." Nagpeace sign ako sa kanya at naglakad patungo sa kanyang direksyon. "Joke lang. Hindi naman ako bobo. Hahaha. Ano nga pala ang ginagawa mo?" Umupo pa ko sa tabi niya. Friends na kami simula kahapon. Hahaha. "Get out." Tumingin ako sa kanya. "Bakit pinapaalis mo ko? Hindi pa ba tayo friend?" "I said get out." "Narinig ko nga kanina eh. Bakit muna?" Hinilot niya ang kanyang noo bago muling tumingin sa akin na may pilyong ngiti na sa kanyang labi. "Ayaw mo talagang umalis?" "Ay, marunong ka pala mag-tagalog?" Ngumiti ako ng malawak sa kanya. Tinungkod niya ang kanyang dalawang kamay at umayos ng kanyang pagkakaupo. Muli siyang humarap sa akin. "Hindi mo ba alam na may babaeng nagmumulto dito?" Umiling ako sa kanya at ngumiti. "Hindi. Ngayon pa lang kasi ako nakapunta dito. Hahaha." Sumimangot siya sa naging tugon ko. "My point is nagpapakita ang multo na 'yon sa mga babaeng katulad mo." "Really? May dugo ba sila sa mukha?" Parang nagkislapan ang dalawang mata ko dahil sa narinig. Makakakita ako ng dugo? Waah! Ang suwerte ko naman ngayong araw! "You're not afraid to ghost?" Bumalik sa pagiging poker face ang mukha niya. "Takot," nakangiti kong tugon. "So, bakit ayaw mong umalis kahit alam mong may multo dito?" "Gusto ko kasi makakita ng dugo." Nakangiti pa rin ako ng malawak sa kanya. Napailing siya sa naging sagot ko. Bumuntong hininga siya ng malalim at tumahimik. Natahimik na rin ako dahil ngayon ko lang napansin na ang lapit pala namin sa isa't-isa. Nasilayan ko tuloy ng malapitan ang mukha niya. He have pointed nose, cherry lips, pinkish cheeks, long eye lashes at malaking panga. Mukha pala talaga siyang koreano o 'yung lalake na nababasa ko sa mga libro. Hahaha. Napakurap-kurap ako ng aking mata ng muling mabaling sa akin ang paningin niya. Nag-iba pa ang timpla ng mukha niya habang nakatingin sa labi ko. Nahihiya akong ngumiti sa kanya habang pasimple na pinunasan ang laway na tumulo na naman sa gilid ng labi ko. Pahamak talaga ang laway na 'to. Umiwas ako ng tingin ng makaramdam ng init ang magkabilang pisngi ko. Bumalik lang ang paningin ko sa kanya ng maramdaman ang dalawang niyang kamay na bigla na lang hinawakan ang dalawang braso ko. "Ayaw mo talaga umalis?" Tinitigan niya pa ko sa aking mga mata. Bigla akong kinabahan sa kakaibang titig niya kaya nawala ang ngiti sa labi ko. "A-Aizen, h-hindi kana nakakatuwa." Nauutal na rin ako habang nakatingin sa kanya. Bigla niya kong tinulak pahiga sa kama at pumaibabaw pa siya sa akin. Gusto kong magtitili dahil sa bilis ng pangyayari, pero parang nagkaroon ng kung ano ang lalamunan ko dahil hindi ako makapagsalita. Ni hindi ko na nga rin maibuka ang bibig ko. "Baby, hindi mo naman agad sinabi na gusto mo pala ng ganito?" Parang nakalock na sa akin ang paningin niya. He even bite his lower lips while staring at me. Mas lalo akong nakaramdam ng kaba. Ang kabog ng puso ko ay halos hindi ko na marinig dahil sa lakas. Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Nanlaki ang mata ko ng makakita ako ng malaking gagamba sa gilid ng kama. "Gagamba!" Dahil sa takot at taranta ko, nasipa ko ang sikmura niya. Umalis siya sa pagkakaibabaw sa akin at namimilipit na humiga sa kama. "F*ck! Get out, Leigh Risha Hawthorn!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD