CAPITULUM DIYES

1029 Words
Leigh Risha Hawthorn Ilang araw na ang lumipas simula nang ayusin ko ang castle card na nasira ko sa bahay nina Aizen. Simula rin ng masira ko 'yon ay hindi na nagpapakita ulit sa akin si Aizen kahit na alam ko nasa sariling kuwarto lang naman siya at buong hapon na nagkukulong. Hindi siya nalabas sa tuwing nasa bahay nila ko. Naisip ko nga. . . Naghahanda kaya siya para kulamin ako o gawan ako ng isang spell na makakapagpabago ng anyo ko? Waah! Sa tuwing naiisip ko ang tungkol dito ay hindi ko talaga maiwasan na kilabutan. Dahil sa sobrang pag-iisip ko sa ginagawa ni Aizen ay madalas ko na rin tuloy siyang mapaginipan at lalo akong napapasigaw gabi-gabi dahil sa panaginip na 'yon. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko. Kailangan ko na talagang matapos ang castle para matapos na ang problema ko kay Aizen. "Hija, mas mabuti siguro kung magpahinga kana muna ngayong araw?" Napalingon ako sa Lolo ni Aizen na kadarating lang galing kusina. Umiling ako sa kanya at ngumiti. "Hindi na po. Malapit ko na rin naman ito matapos." Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mata ngunit binalewala ko lamang ito at pinagpatuloy ang ginagawa ko. "Pero, kailangan mo ring magpahinga. Baka matapos mo nga 'yan, pero ikaw naman ang natapos." Bahagya akong natawa sa sinabi niya subalit umiling pa rin ako. Yumuko ako at huminto muna saglit sa ginagawa ko nang maalala akong isang bagay. "Kailangan ko na po itong matapos agad..." Lumingon ako sa direksyon niya at nabigay ako sa kanya ng isang ngiti bago pinagpatuloy ang pananalita ko. "Malapit na po kasi matapos ang bakasyon. Hindi ko po alam kung kailan kami babalik sa lugar namin." Hindi siya sumagot sa 'kin kaya nakaramdam ako ng pagkailang, pero pagkalipas din ng ilang minuto ay ngumiti siya sa akin. "Gano'n ba? Halos mawala na sa isipan ko na nagbabakasyon lang pala kayo." Napakamot ako sa aking ulo dahil sa sinabi niya. Hindi na ko nagulat. Ilan taon na kaya siya? Talagang makakalimutin na ang isang tao kapag tumanda na. Nalungkoy ako bigla, pero pinigilan kong umiyak sa harapan niya. Balang araw ay ang mga magulang ko naman ang makakalimot kapag matanda na sila. Waah! Baka kapag nagtagal, pati sarili nilang anak ay makalimutan na rin nila. "Leigh, bakit ka umiiyak?" Muli akong napatingin kay Lolo dahil sa sinabi niya. Kinapa ko ang sarili kong pisngi at nalaman ko na lumuluha na nga ko. Muli akong napakamot ng ulo habang pinupunasan ang luha ko. Hindi ko alam na lumabas na pala ang luha sa mga mata ko. Ngumiti ako kay Lolo para hindi na siya mag-alala pa. "Ayos lang po ako. Napuwing lang. Hehe." May gusto pa sana akong sabihin kay Lolo, pero hindi ko matuloy ang gusto kong sabihin dahil patuloy sa pagbagsak ang mga luha ko. "Hala. Bakit hindi siya tumitigil? May sira na yata ang mata ko." Nakakaramdam na ko ng inis dahil ayaw ko naman talagang umiyak lalo na sa harapan ng ibang tao. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Lolo. "Tahan na, hija. Hindi naman mas'yadong bato ang puso ni Aizen. Mapapatawad ka rin niya at magkakaayos din kayo bago ka umalis sa lugar na 'to." Naguluhan ako sa sinabi ni Lolo. Bakit kaya napasok si Aizen sa usapan? Hindi naman siya ang dahilan ng pag-iyak ko eh. Hindi naman siya... Nang kumalas si Lolo sa pagkayakap sa 'kin ay agad ko siyang hinarap na magkasalubong ang dalawang kilay ko. "Po? Bakit napasama si Aizen sa usapan, Lolo? Naiiyak po ako dahil naiisip ko na magiging makalimutin na rin ang mga magulang ko balang araw. Baka magaya po siya sa inyo." Napaiyak ako ulit sa nasabi ko. Samantala, si Lolo ay natigilan sa sinabi ko at napaisip. Maya-maya ay bigla siyang tumawa ng mahina. Waah! Ganya na ba umakto ang mga matatanda? "Ibang klase talaga ang nasa isipan mo. Hindi mo pa siguro nauunawaan sa sarili mo. Ipagpatuloy mo na lang ang castle. Huwag kang mag-alala dahil mapapatawad ka rin ng apo ko." Ngumiti pa siya sa 'kin bago niya ko iniwan. Mas lalo akong naguluhan sa sinabi niya. Mas lalo tuloy nagkaroon ng buhol na sinulid sa utak ko. Katulad ng sinabi ni Lolo ay pinagpatuloy ko na nga lang ang pagbuo ng castle. Kailangan kong madaliin ang paggawa nito ngayong araw para makauwi kaagad ako ngayong araw sa amin. Mas maganda kung madalas akong makita nina Mom and Dad para hindi nila mabilis makalimutan ang mukha ko. Pinagpatuloy ko ang paggawa at mas binilisan ko ang paggawa ko kumpara kanina. Muntikan na kong mapatalon sa gulat nang biglang sumulpot si Lolo sa likuran ko. Bumalik pala siya. "Saan mo nga pala gagamitin 'yang dala mong pintura?" Tinuro niya ang mga pintura na nasa gilid ko. Muntikan ko nang makalimutan ang tungkol dito! Ngumiti ako kay Lolo at saka pinagpatuloy ang ginagawa ko. Kahit nangangalay na ko ay nilalagyan ko pa rin ng ingat ang ginagawa ko. Baka kasi magkamali ako ng isang beses at masira kaagad ang ginagawa ko. Pakiramdam ko nga ay magkakaroon na ko ng rayuma pagkatapos kong gawin ang castle card na 'to, pero hindi ako p'wedeng umangal dahil ako naman ang may kasalanan kaya ito nasira. "Ang tungkol po ba sa pintura? May balak po akong gawin d'yan, pero hindi ko na muna sasabihin sa inyo." Lumingon ako sandali sa direksyon ni Lolo at nakita ko ang nagtataka niyang mukha. Napakagat ako sa ibabang labi ko. Hindi ko nga pala ito bahay. Baka mas lalo silng magalit kapag may ginawa akong bagay na hindi nila gusto. "Hehe. Isa rin po kasi akong painter, hindi ba? Hmm, gusto ko lang lagyan ng design ng kahit konti lang ang ginagawa kong castle." Tumango-tango si Lolo sa sinabi ko. "Gano'n ba? Sige aalis na muna ako. Kapag nagutom ka ay magpunta kana lang sa kusina. Paalam." Nakangiti lang akong tumango kay Lolo. Pagkatapos ay iniwan na niya ko ulit. Nang maiwan na ko ulit mag-isa ay lumingon ako sa mga pintura na dala ko at bumuntong hininga ng malalim. Ayos lang kaya sa kanya na may baguhin ako kahit kaonti sa castle card niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD