Jyle Aizen Martins
Lumingon ako sa direksyon ni Risha. Nagtataka pa rin ako hanggang ngayon kung bakit ang saya-saya niya habang nakain ng isang malaking candy cone. Ngayon lang ba siya nakakain niyan?
"Bakit, Aizen? Gusto mo rin ba nito? Dapat bumili ka rin ng para sa 'yo. Hahaha." Nakaharap sa akin si Risha habang dinidilaan niya ang malaking candy cone.
Hindi ko maiwasan mapatitig sa pagdila niya. Para akong nanonood ng commercial tungkol sa pagkain. Napapalunok ako ng sarili kong laway.
"Aizen?"
Umiwas ako ng tingin nang makita ako ang nakakunot na niyang noo.
"What are you talking about? I hate sweets."
"Totoo ba, Aizen? Bakit kanina ka pa nakatingin sa 'kin? Ah! Alam ko na. May dumi 'yong mukha ko no? Hindi mo lang sinasabi para tahimik mo kong mapagtawanan. Pati ng mga tao na nasa paligid na 'tin. Ang sama mo, Aizen!"
Tumalikod sa akin si Risha at pasimple niyang pinunasan ang kanyang mukha. Hinawakan ko ang sarili kong bibig dahil hindi ko maiwasan na mapangiti sa pinagsasabi niya. Nang humarap siya sa 'kin ay binalik ko sa poker face ang mukha ko.
"Tss. You have a lot of imagination inside your brain. Maupo kana nga lang d'yan sa buhangin."
"Nagsasabi lang naman ako ng totoo, Aizen." Sumimangot si Risha at saka sinunod ang sinabi ko sa kanya. Umupo siya sa buhangin.
Nabaling sa ibang direksyon ang paningin niya. Sa pagkakataon na 'yon ay pasimple akong sumulyap sa kanya.
I think I grow to like seeing her face?
I don't know why. Med'yo panatag na ang kalooban ko sa tuwing kasama ko siya. I still don't like her attitude, but I grow to respect that side of her.
Isa pa, sa tuwing kasama ko siya ay parang napupunta ako sa ibang mundo kung saan parang kaming dalawa lang ang nabubuhay.
This feeling is new to me. Parang nasanay na lang ako na kasama ko siya at nangungulit sa 'kin.
Sa tuwing kasama ko siya, parang may nangyayari ring kakaiba sa loob ng sistema ko.
That's why, I feel like something is mystery inside of me.
"Aizen, narinig mo ba kung anong oras daw ang fireworks display?"
Kinurap-kurap ko ang mata ko dahil hindi ko namalayan na bumalik na pala sa 'kin ang paningin niya. Parang nasanay na rin ako na sa tuwing nakikita ko ang malapad niyang ngiti ay napapa-poker face na lang ako.
"Firework display? Saan mo naman nakuha ang balita na 'yan?" Kunot-noo akong tumingin sa kanya, pero nang magsalubong ang aming mga mata ay bigla akong napaiwas ng tingin.
Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko. Sa tuwing magkakasalubong ang aming mga mata ay biglang bumibilis ang t***k ng puso ko. Parang may kuryente na pilit kaming pinagkokonekta.
I think there is really something wrong with me.
"Aizen? Sabi na nga ba at kanina ka pa wala sa sarili eh. Hindi mo ba narinig ang sinabi ng babaeng may hawak na mega phone kanina? Sa sobrang lakas ng pagkakasabi niya, ikaw lang ang hindi nakarinig."
I did saw a woman holding a mega phone before, but I did not bother to listen to her because my mind is cloudy while taking a glance to Risha.
"W-Well, we need to go home now. Baka hinahanap kana ng magulang mo."
Wala naman akong pakialam sa ganda ng fireworks. Nagiging tunay na maganda lang naman ang bagay na 'yon kung ang nanonood no'n ay ang dalawang taong nagmamahalan. Sa kaso ko, hindi naman ako nagkakagusto sa kahit sino kaya malabo rin ang tiyansa na may kasama ako habang nanonoood ng fireworks.
Tumitig ako sa direksyon ni Risha. Siya ang kasama ko kung sakali man na maisipan kong manood, pero magiging masaya ako?
Iniling ko ang aking ulo. Kung anu-ano na yata ang naiisip ko.
"Hindi! Huwag muna tayo umuwi, Aizen. Gusto ko mapanood ang fireworks."
Napabuntong hininga ako ng malalim dahil sa sinabi ni Risha.
"Bakit mo naman gustong manood?"
"Kailangan ba may dahilan ako kung gusto kong manood?"
Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko dahil sa sinabi ni Risha. Kailangan nga ba? Hindi ako agad nakasagot sa kanya dahil parang naubusan ako bigla ng isasagot.
Habang nagpatuloy ang pananahimik ko ay nagsalita ulit si Risha.
"Gusto ko mapanood ang fireworks kasama ka kasi parang masaya 'yon."
Muli akong lumingon kay Risha kasabay ang tuluyan na paglubog ng araw at pagsapit ng gabi.
Hindi ko na mas'yado nakikita ang mukha niya, pero hindi ko maintindihan ang dahilan kung bakit bumibilis na naman ang t***k ng puso ko.
Siguro hindi pala ang mukha niya ang dahilan kung bakit bumibilis ang t***k ng puso ko ngayon.
"W-What are you talking about?"
Pakiramdam ko ay mananatili ang mahabang katahimikan sa pagitan namin kung hindi ako magsasalita kaya nagsalita na lang ako.
"Bakit, Aizen? Maganda naman talaga manood ng fireworks display ng may kasama, 'di ba?"
Para na kong hindi mapakali sa kinauupuan ko. Habang kausap ko siya ay parang nakalimutan ko na rin na may kapansanan na nga pala ko.
Tinakpan ko ang bibig ko gamit ang kanan kong kamay dahil hindi na talaga mapigilan lumabas ng ngiti ko.
Straight to the point siya kung magsalita. Bakit parang ako lang ang hindi mapakali sa aming dalawa?
"Tama naman ang sinabi mo. Tss. Fine. Mamaya na tayo uuwi." Yumuko ako habang pinagdidikit ko ang aing dalawang palad.
Pakiramdam ko ang nilalagnat na rin ang dalawang pisngi ko. P'wede ba 'yon?
"Aizen, salamat."
Napaangat ako ng tingin ko. Tumingin ako sa kanya at kasabay no'n ang pagputok ng unang fireworks. Hindi namin alam na nagsisimula na pala.
Parang may sariling isip ang katawan ko at nakikisabay ang damdamin na nangingibabaw sa akin ngayon.
Itinukod ko ang dalawa kong kamay sa wheelchair ko at pinilit kong tumayo. Naramdaman yata ni Risha ang ginawa ko kaya napalingon siya sa 'kin. Sa paglingon ni Rishay ay yumuko ako sa kanya. Sapat lang para magkalapit ang mga mukha namin.
Hindi ko nakontrol ang sunod na nangyari. Pinikit ko ang aking mga mata at hinalikan ko siya.