Leigh Risha Howthorn
Nakatulala ako sa labas ng bahay namin habang nakatingin sa kulay asul na kalangitan.
Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko nitong nagdaang mga araw.
Bakit kaya bumibilis ang t***k ng puso ko sa tuwing nakikita ko si Aizen? Hindi naman ako ganito sa kaniya nang una.
Siguro ay may nakain lang ako at naging gano'n ako sa kaniya. Hindi tuloy ako makapunta sa kanila. Isang malalim na buntong hininga ang napakawalan ko.
Ngayon ko lang naramdaman ang boring ng bakasyon. Wala akong magawa sa amin at wala rin akong gana para magpinta.
Sina Dad, Mom at Rhay ay nasa loob lang ng bahay. Hindi ko alam kung ano ang pinagkaka-abalahan nila. Lumabas ako dahil sobrang init sa loob kahit naka-aircon na.
Nakarinig ako ng ingay ng wheelchair palapit sa inuupuan kong wooden chair sa tapat ng pintuan ng bahay namin. Inangat ko ang paningin ko at nakita ko si Aizen palapit sa aking direksiyon.
Bigla akong hindi mapakali nang makita ko siya. Pakiramdam ko ay may naghahabulang paru-paro sa loob ng sistema ko.
May sakit na nga siguro ako.
"Hey, what's up?"
Umiwas ako ng tingin sa kaniya at nagkunwari akong walang narinig. Nagkunwari rin akong hindi ko siya nakita.
Nagpalumbaba ako at itinuon ang aking paningin sa painting na ginawa namin ni Dad nang nakaraang araw.
"Don't try to fool me like you didn't hear and see anything. Tss."
Napakamot ako sa aking ulo. Akala ko ay makakalusot ako sa kaniya, pero hindi pala.
Binalingan ko siya ng tingin, pero hindi ko sinalubong ang mga titig niya. Ngumiti ako sa kaniya at nag-peace sign.
"Peace. Hindi naman ako nagkukunwari," mahina akong tumawa.
"Really? So why did you look to other direction and act as if you didn't hear me?"
Napatayo ako sa inuupuan ko. Nataranta ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kaniya. Paano ako sasagot kung hindi ko rin naman talaga alam ang sagot sa katanungan niya?
Pakiramdam ko ay mas lalong dumoble ang t***k ng puso ko.
"Kasi. . ."
"May ginawa ka bang kasalanan na hindi ko dapat malaman?"
"Oy, wala no!"
Tuluyan na kong napatingin sa mga mata niya. Muntikan pa kong mapaatras dahil nakita ko na naman ang ngiti niya habang mapang-asar na nakatingin sa akin.
"N-Niloloko mo lang ba ko?" pasimple akong umiwas ng tingin sa kaniya pagkatapos kong magsalita.
Nakaramdam kasi ako bigla ng pagkailang. Kailan pa tumawa si Aizen? Tapos na kaya ang menstruation niya? Sabagay, hindi naman siya babae para magkaroon ng regla at maging masungit lagi.
"About the other day-"
"Waah! Naalala ko. May gagawin nga pala kami ng kapatid ko ngayong araw."
Kinagat ko ang aking ibabang labi dahil sa pagsisinungaling. Hindi ko alam bakit parang ayaw kong marinig ang susunod na nais sabihin ni Aizen.
Parang may ayaw akong marinig.
"At ano naman ang balak n'yong gawin ngayon?"
"Ah. . . Eh. . . Nakalimutan ko. Tatanungin ko pa siya." Tumawa ako ng mahina at muling nag-iwas ng tingin pagkatapos kong pasadahan sandali ng tingin si Aizen.
"Really?"
"Oo. Sige. Good bye muna!"
Mabilis akong naglakad papasok ng aming bahay at hindi na hinintay ang sagot ni Aizen. Pagkapasok ko ay agad kong hinawakan ang aking dibdib.
May sakit ba ko? Bakit ang bilis na naman ng t***k ng puso ko?
Waah! Kaya ayaw kong makita ngayon si Aizen e. Hindi maganda ang kalagayan ko sa tuwing nakikita ko siya.
"Pinakulam na kaya ako ng taong 'yon?"
"Ate, what's your bubbling about? You need to do something for your brain to work properly."
Lumingon ako sa kapatid ko na dumaan sa aking harapan. Tumingin siya sa 'kin at umiling-iling pa. May hawak siyang bottle spray at pagkatapos niyang magsalita ay hindi na niya ulit ako binalingan ng tingin.
Napanguso ako dahil sa sinabi niya.
"Hey! Ate mo ko, hindi ba? Bakit-" Bumuntong hininga na lang ako ng malalim dahil tuluyan na siyang nawala sa aking paningin.
Sumunod ako sa kapatid ko. Nakita ko siyang pumasok sa kuwarto ni Mom and Dad. Napakunot ang noo ko dahil sa pagtataka. Pagkapasok niya sa loob ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa loob ng kuwarto.
Nagulat ako sa aking nakita at napahinto sa paglalakad. Totoo ba itong nakikita ko? Nagp-painting sila ng wala ako? Kasama ni Dad si Mom at Rhay?
"Dad!"
Sabay-sabay silang napalingon sa direksiyon ko nang sumigaw ako.
"Hey, Risha." Ngumiti lang sa akin si Dad at pinagpatuloy na niya ang kaniyang pagpipinta.
Mas lalo akong napasimangot. "Mom, bakit hindi n'yo ko sinali?"
Nagkabit-balikat sa akin si Mom habang hawak ang paint brush at palette. "You are outside. I thought you have something to do today with Aizen."
Napaiwas ako ng tingin sa kanila nang nabanggit ang pangalan ni Aizen. Bakit ba nakakaramdam na naman ako ng ilang sa tuwing nababanggit siya? Lumalala na yata ang sikreto kong sakit na hindi ko alam.
"Yeah. I saw Aizen talking to her. Maybe, they are going to date." My brother giggled and go beside our parents.
Natigilan sa kanilang ginagawa sina Mom at Dad dahil sa sinabi ng kapatid ko. Tumingin silang dalawa sa akin.
Bigla akong kinabahan dahil sa uri ng titig nila. Ibinaling ko ang aking paningin sa painting nila na malapit ng matapos. Isa itong family picture namin na nakatayo sa isang magandang garden na puno ng bulaklak at iba't ibang halaman.
Napakaganda nito, pero hindi ko maramdaman ang ganda nito ngayon dahil sa mga titig na binibigay sa akin nina Mom at Dad.
I know. Alam kong nasa bakasyon lang kami at pagkatapos ng lahat ay babalik na kami sa normal naming buhay sa city.
I know this life is just temporary. . .
"Walang nangyaring gano'n, Mom at Dad. We. . . We're just friends." Pinilit kong magbigay ng ngiti sa kanilang lahat kahit na tila nakaramdam ako ng kirot sa mga salitang binanggit ko.
Sabay na bumuntong hininga sina Dad at Mom.
"I hope hindi mo nakakalimutan na may iniwan kang tao sa city, Leigh Risha."
Tumango ako sa sinabi ni Mom. "Yes, Mom. I know."