Jyle Aizen Martins
Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang biglang malaglag ni Leigh ang hawak niyang libro.
What's wrong with her? Since earlier, I noticed that she kept bubbling to herself. I can't hear her words, but I am sure that it has something to do with what happened between us before.
A smile form to my lips again. I take a deep breath. Why do I keep smiling these past few days? I don't know what happened to me, and I decided to invite her to come to my favorite library.
"E-Eh, paano mo ba nalaman na mahilig ako sa mga libro? Stalker ka no?" Nauutal siya sa pananalita nang una, pero pagkatapos ay bigla siyang tumawa.
Natigilan naman ako sa sinabi niya. Stalker? I glared to her direction.
"Never cross in my mind to stalk someone especially you." Pagkatapos ay umiwas ako ng tingin sa kaniya.
I did check her social media account, but I'm not a stalker. I'm not.
Natigil ang pag-uusap naming dalawa nang makakita kami ng usok at makaamoy na parang may nasusunog. Nagtinginan kaming dalawa.
"Maybe, we need to see what's going on from outside."
Tumango sa akin si Leigh. Naunang naglakad si Leigh para silipin kung anong nangyayari sa labas. Pinagmasdan ko lang siya dahil hindi ko naman kayang pagulungin ang wheelchair ko pataas.
Pagbukas niya ng pinto ay pareho kaming nagulat. Puro usok at apoy kaya sinirado na lang ulit ni Leigh ang pinto. Pagkatapos ay naglakad siya pabalik sa direksiyon ko.
"Aizen, may sunog! Anong gagawin na 'tin?"
Hindi na maipinta ang mukha ni Leigh dahil sa takot. Nanatili akong kalmado para hindi siya mas'yadong mag-alala kahit na hindi ko na rin alam ang gagawin ko.
How can we get out especially if I can't use my two feet?
May idea na biglang nabuo sa isipan ko. Tumingin ako kay Leigh at seryoso ko siyang tinitigan.
"You need to get out of here and ask for help," I commanded.
Nagsalubong ang dalawang kilay niya at tinitigan din ako ng nagtataka.
"Paano ka? Hindi ka agad makakalabas kung wala kang kasama."
Bumuntong hininga ako ng malalim. "Don't worry about me. Save yourself."
"No! What are you talking about? Did you invite me just to see you dying by yourself? No. I can't do that."
Natigilan ako bigla. This is the first time I see her in tears, shouting and speaking in english? Whatever.
Parang bigla akong natauhan dahil sa sigaw niya. Gano'n pa man ay wala pa rin pinagbago ang sitwasyon naming dalawa. Umiwas ako ng tingin sa kaniya at inilibot ang aking paningin sa paligid.
"Then, let's look if we can see other way to go outside." Umubo na ko dahil med'yo kumakapal na ang usok sa loob.
"May dala ka bang panyo? Wear it to your mouth and nose." Tumango siya sa 'kin.
Kinuha ko rin ang panyo sa bulsa ko at tinakpan ang aking ilong at bibig.
Naglakad kami sa paligid ng kuwarto. Puro book shelf lang ang nakikita namin at kahit anong kapa o dapa na gawin namin ay wala kaming makitang bintana o lagusan.
Ibinalik ko ang aking paningin sa direksiyon ni Leigh.
"We have no choice, but to use the door."
Tumango lang sa 'kin si Leigh. Kalmado siya ngayon, pero alam kong nakakaramdam na rin siya ng kaba at takot.
Pinagulong ko ang aking wheelchair at lumapit ako sa kaniya. Pagkatapos ay hinawakan ko ang kaniyang kamay.
"Do not worry. We will both go outside alive."
Malawak siyang ngumiti sa akin at saka tumango. Naglakad siya papunta sa likod ko at saka pinagulong ang aking wheelchair paakyat.
Kumakapal na ang usok sa loob at pareho na rin kaming panay ang ubo, pero inuna naming inisip kung paano kami makakalabas.
Binuksan namin ang pinto at bumungad sa amin ang napaka kapal na usok. Mabilis kumalat ang apoy dahil puro libro ang nasa paligid ng library.
Nakakita kami ng maliit na daan patungo sa labas, pero maliit lang ito dahil may nakaharang na umaapoy na kahoy. Nagtinginan pa kaming dalawa ni Leigh kahit pareho kaming malapit nang maubusan ng oxygen dahil sa usok.
"Go outside, Leigh."
We both know that my wheelchair doesn't fit to the only way outside in front of us.
"No. Akala ko ba sabay tayong lalabas?"
"We can't." Humina na ang boses ko. Pakiramdam ko, ano mang oras ay mawawalan na ko ng malay dahil sa amoy ng usok na nalanghap ko.
"We. . . We can. Hahanap tayo ng ibang daan."
Hindi na rin klaro sa pandinig ko ang mga sinasabi ni Leigh.
"There's no other way. Listen to me, Leigh Risha. Save yourself. It's okay for me to die since half of my body die a long time ago. Go!"
"No! It's not true."
Hindi ako makatingin sa direksiyon ni Leigh. Ayaw kong makita ang umiiyak niyang mga mata. Ayaw kong makitang naglaho na ang ngiti sa labi niya. Ayaw ko siyang nakikitang umiiyak dahil sa akin.
Why is she crying? We're not even know each other for a long time. We just known each other this summer.
Bumalik sa kasalukuyan ang utak ko nang maramdaman ko ang pag-angat ng katawan ko. Inilagay ni Leigh ang kaliwang kamay ko sa balikat niya at tinulungan niya kong makapunta sa maliit na daan na nakita namin.
Hindi ako makapagsalita dahil hindi ko inasahan ang ginawa niya. Sigurado akong nahihirapan na siya kahit na hindi ko nakikita ang mukha niya.
Nauna siyang lumusot sa nakita naming daan, pero hindi niya ko iniwan. Magkadikit ang kamay ko at balikat niya hanggang sa tuluyan na kaming nakalusot.
Muntikan pa kaming maipit sa gitna ng kahoy na umaapoy. Habang akay-akay niya ko ay nararamdam kong unti-onting bumabagal at bumibigat ang paghinga niya.
Maingat kaming naglalakad habang iniiwasan ang apoy na nasa paligid namin.
Habang naglalakad kami ay palakas din nang palakas ang t***k ng puso ko.
Narating namin ang gate na nabukas lang at sa wakas ay nakalabas kami. May bumbero na sumalubong sa amin. Nasa labas din ang mga tao na nasa loob kanina kasama na ang mga staff.
Pagkalapit ng bumbero sa amin ay bigla akong natigilan dahil bumagsak si Leigh Risha sa sahig. Nanghihina akong napaupo sa tabi niya at hinawakan ang kaniyang ulo. Pagkatapos ay lumapit ako sa kaniya at bumulong sa kaniyang tainga.
"Don't die. I still have something to tell you."