Leigh Risha Howthorn Lumingon ako sa dinaanan naming street foods ni Jhon. Natakam ako sa mga isaw at dugo na nakita ko kaya hindi ko namalayan na naiwan na pala ko ng kasama ko. "Babe! May problema ba?" Lumingon ako sa direksiyon ni Jhon na nauna nang ilang pagitan sa akin. Umiling ako sa kaniya at naglakad palapit sa kaniyang kinalalagyan. "Wala naman. Naisip ko lang na bumili ng isaw at dugo pagkauwi na 'tin." Ngumiti ako sa kaniya at humawak sa kaniyang braso pagkalapit ko. "Sure. 'Yon lang pala." Ngumiti si Jhon sa 'kin at nakita ko na naman ang dimple niya sa kaniyang magkabilang pisngi. Ilang buwan na ba ang lumipas? I mean, ilang buwan na ba ang lumipas simula ng magbakasyon kami ng buong pamilya? Hanggang ngayon ay may mabigat pa rin akong dala-dala sa kalooban ko. Pa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


