THIRTY-NINE

2012 Words

“Oh, Alice, bakit nandito ka? May kailangan ka ba?” Bungad ni nanay Siling. Bahagya pa itong nagulat nang makita akong nasa bukana ng canteen. Wala pang mga estudyante dahil hindi pa naman oras ng pananghalian.     “Hindi na po ako magpapaligoy-ligoy pa, gusto ko pa sanang bumalik sa pagtatrabaho rito,” diretsong sagot ko.     Ilang araw pa lang ba simula noong magpakita ako rito at magpaalam sa kaniya na pansamantala ko munang ititigil ang trabaho rito. At ngayon nga ay muli akong susulpot dito para sabihin na babalik na ako. Minsan ay natatakot na rin ako sa pabago-bagong desisyon na nagaganap sa utak ko. Ang hirap ng mayroong tinatakasan.     Kulang ang sabihing nagulat ang matanda sa narinig sa akin. “Bakit, hija? Nagkaroon ba ng problema? Hindi naman sa ayaw kitang pabalikin

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD