Chapter 73 Nang makarating kami ng bahay nila ay agad kong narinig ang konting boses sa loob. Tila parang may umiiyak na babae sa loob ng bahay nila Gav. Kaya nang tignan ako ni Gav ay dali-dali kaming pumasok, dahil sa pagkakaala naming ang kaniyang ina ang naiyak. “Gav! Anak! Buti at nakauwi ka na..” humina ang boses ni Tita Luna nang makita niya ako sa tabi ni Gav. Ang kunot sa noo ko, dahil sa pag-aalala ay nawala nang makita ko, kung sino ang naiyak mula sa gilid ng malaking sofa. “Why are you here?” maraang tanong ni Gav kay Danica. “Gav, she’s sensitive right now. Stop shouting at her!” saway ni Tita Luna at agad na lumapit kay Danica. Umiyak si Danica sa dibdib ng ina ni Gav na ikinatamik ko lamang, habang pinagmamasdan sila. “I’m so sorry.. I know, I know that I’m n

