Chapter 81 “Nathan!” sigaw ko nang makababa ako sa sasakyan ni Gav. “Shore,” tawag pa sa akin ni Gav, ngunit hindi ko na iyon pinansin pa. “Bakit mo nanaman tinanggal ang tires ko?! may sayad ka ba talaga?” asar kong tanong sa kaniya at agad siyang tinulak. Hinawakan ako kaagad ni Gav sa braso, kaya’t medyo napalayo ako sa kaniya. “Bakit hindi ka bumalik kahapon? Baka nakakalimutan mong kailangan ko ng katulong sa trabahong ‘to, kung hindi dahil sa ‘yo ay kaya ako narito.” mas lalong kumulo ang dugo ko sa kaniya. “Hintayin mo lang! Sisipain kita pabalik ng Korea!” hamon ko. “Nasabi mo na ba sa boy friend mo?” kumunot ang aking noo sa kaniya. “Ano naman ang sasabihin ko sa kaniya?” ngumisi siya at tila inayos ang buhok patalikod. “Hindi ba’t secretary na muna kita sa ngayon? ‘Wag

