Chapter 67 “Sino, Shore?” dumilim ang kaniyang mga matang tignan ako. Nanigas ako sa aking kinatatayuan, dagdag pa doon ang malaki niyang katawan na aking kaharap ngayon. Lalo na’t pwedeng-pwede niya akong daganan sa kung kailan niya gusto. “’Wag mo ‘ko piliting magtanong ulit, Shore. Kayang-kaya manuntok ngayon ng taong nabaril rin.” napalunok ako, hindi ko na alam ang pwede kong sabihin sa kaniya. Bakit ba kasi iyon ang nasabi ko? “H-hindi! Kasi nu’ng isang araw ay pumunta kami ni Sam kanina sa kwarto ni Duke, kaso natapon ‘yung pinapakain ni Sam kay Duke na noodles sa may ibabang parte niya kaya nu’ng dinakot ni Sam ‘yung noodles. Napansin niyang wala siyang brie-” Tuloy-tuloy ang aking pagpapaliwanag nang pigilan niya ang labi ko gamit ang kaniyang labi. “G-gav..” isang hawak

