Chapter 97 Malungkot akong tignan ang aking sarili. Dito na nga ba nagtatapos ang lahat para sa amin ni Gav? Ngayon lamang ako makakabawi sa kaniya at ito na iyon. Hindi ko gustong mapahamak pa siya muli nang dahil sa akin, lalo na ang kaniyang pamilya. Tila nakita ko sa aking isipan ang mga ngiti ng aking kaibigan. Si Vessai na hawak-hawak ang kaniyang anak, habang nakangiti na tinitignan si Den. Si Tita Luna na nagluluto, habang si Uncle Kevin na pasimpleng sinusulyapan si Tita Luna. Ang mommy kong nakikipagtalo sa lola noong buhay pa. Masakit makita na gano’n lang gugulo ang buhay nila, kapag hindi ko ginawa ang gusto niya. “Are you ready?” ngayon ay nakaayos na ako, para sa kaniyang ihinanda na event para sa aming dalawa. Gusto niyang sabihin ngayon sa maramin

