Chapter 65 “Asan.. asan si Shore?” nawala ang ngiti sa mukha ni Danica nang iyon ang isunod na sabihin ni Gav. “Baby!” lumapit ako at agad na sinundan niya ng tingin. Inangat niya ang kaniyang ulo, ngunit sumakit ang dibdib niya. “Gav! ‘Wag ka munang gumalaw!” parang si Danica talaga ang feeling girl friend dito! “A-alis, hindi ikaw ang kailangan ko.” ramdam ko ang tingin ni Tita Luna sa gilid ko. “Tapos gusto mo pang iwan ni Shore si Gav, Luna? Patay ka talaga sa anak mo.” bigkas ni Uncle Kevin, kaya agad siyang siniko ni Tita Luna. “Shore!” sigaw pa ni Gav. “Baby, andito ako.” hawak ko sa kaniyang kamay. Naawa akong tignan siya mula sa masakit na paglunok nito. “A-akala ko ay may nangyari s-sa ‘yo..” hirap na hirap pa siya sa pagsasalita, halatang hindi pa siya maayos

