Chapter 16

1603 Words
Chapter 16   “Ang angas mo, ah!” hindi pa rin ako makapaniwala, habang tinitignan ko ang singsing sa aking daliri. “Isangla ko kaya ‘to?”   “Isangla mo kung tapos na ang contract mo.” saka ako napanguso, habang nagda-drive siya pabalik sa Shore Corp. Kukunin ko lamang ang ibang files at uuwi na rin ako, naroon rin kasi ang aking kotse. “Oh!” nabigla ako nang may maalala ako.   “Duke? May kakilala ka ‘bang Duke ang pangalan?” tanong ko sa kaniya, doon ko lang kasi napagtanto na ang may ari no’n ay si Duke. Pero naisip ko na baka niloloko niya lang ako, bakit siya magtitiis sa pagbabanda, kung mayaman naman pala siya?   “Duke? Alfe?” hindi ko pa naalala ang kaniyang apelido, hindi ko na rin naman na maalala ang iba pang kabanda niya. “H-hindi ko sure.” pinaikot ko ang singsing sa daliri ko, habang kagat-kagat ang aking labi. Baka naman mamaya ay kaniya pala talaga ang shop na iyon, mukhang mapapahiya pa ako sa kaniya.   “Inilabas kanina sa Wonder Tabloids ang nangyari sa Shore Corp.” kumunot ang noo ko, gano’n kabilis? Bakit nakalabas iyon? “What? God.” nasapo ko ang aking ulo, ang dami ko nanamang problemang iintindihin.   “Bakit hindi ka tumulong kay Shone? Alam kong tutulungan ka n’ya-”   “Paano naman si Trix? Kahit pa mag-invest siya sa Shore Corp, ay alam mong hindi matutuwa si Trix.”   “Bakit ba lagi mo na lang inaalala ang ibang tao, Wensy? Hindi mo inaalala ang sarili mo, handa kang mahirapan para sa ibang tao.”   “Dahil mahal ko sila at ayaw ko silang masaktan.” tumingin na lamang ako sa kaniyang bintana. Saka ko pinagmasdan ang mga sasakyan na aking harapan. “Minsan ay intindihin mo rin ang sarili mo, Wensy.”   “Hindi habang panahon ay kaya ng sarili mo ang masaktan.”   “Feeling ko nga patay na ako, e.” siguro sa sobrang sakit na nararamdaman ko. Parang ang hirap nang mabuhay sa ganitong istado na pera na ang lahat. “Don’t say that.”   “Iyon ‘yung napi-feel ko, hindi na ako ‘yung babaeng masiyahin, maarte at maligalig. ‘Yung babaeng kaya kang ipaglaban, kahit mali, kahit sa masamang paraan.” hindi na siya sumagot sa sinabi ko, siguro ay naintindihan niya na ang mga punto ko.   “Kung sana sinabi mo na lang sa kaniy-”   “Bakit ikaw? Bakit hindi mo sinabi sa kaniya?” ibinalik ko ang tanong sa kaniya, “Kasi ako ang pinipilit mong sabihin ko sa kaniya ang totoo, pero bakit ikaw? Kaibigan mo siya, ‘di ba? Best friend, Cob.” pagtatama ko, gusto kong maiyak ngunit walang luha ang gustong tumulo, dahil parang nagiging manhid na ito.   “Naroon ka rin naman, bakit hindi mo sinabi sa kaniya-”   “I don’t want him to get hurt, just like you.” kita ko ang pagpikit niya ng mariin, “Nakokonsensiya ako, kasi siya dapat ‘yon, pero ano ang magagawa ko? Nakatali rin ako, Wensy! Hindi ko kaya sabihin sa kaniya, dahil natatakot ako!”   “Parehas lang tayo, kaya sinasabi ko sa ‘yo ‘to at ‘wag mo nang ipilit pa sa akin ang gusto mo. Hindi ko masasabi sa kaniya ang totoo, dahil wala na nga iyong silbi. Nasaktan ko siya, nagmahal siya ng iba. End.” pinunto ko ang lahat nang naiisip ko.   “Sorry, hanggang ngayon kasi ay nanghihinayang ako. Ang akala ko kasi ay ‘ayos na kayong dalawa. Hindi ko alam na.. iba na pala ang tinutukoy niya.” nakarating kami ng Shore Corp, saka siya umalis. Ngayon ay ako na lamang ang naiwan at pumanik sa taas.   “Ma’am, hindi pa po ako makauwi kasi wala pa po kayo. Baka kasi hanapin niyo sa aking ang mga ibang files na pinapahanap niy-”   “Romi, ayos lang. Dapat ay umuwi ka na lang at tinawagan mo ako. Maiintindihan ko, pagod ka kaya dapat kang magpahinga.” ngumiti siya sa akin at tumungo, “Tama, Ma’am President! Magpapahinga ako para matulungan kita sa lahat!” ayos lang ba siya talaga? Feeling ko ay may sayad na ang babaeng ito, sorry for the word..   “G-go on..” tumungo-tungo siya saka mabilis na umalis sa harapan ko. Pagod akong tinignan ang mga papel, mukhang hindi ako makakauwi ngayon at kailangan kong asikasuhin ang lahat.   Paano ko mapapataas ito? Paano ko ulit maibabalik ang Shore Corp sa itaas.   Nagpaiwan ako sa loob ng office, baka nga ay wala na ring tao mula sa ibang floor at lahat ay umalis na, maliban sa akin at sa guard.   “Ay! Sorry, Ma’am!” nabigla ako nang may pumasok na isang janitor sa loob ng aking office. Kita kong madilim na sa labas mula sa aking glass window sa likod. “Sorry, Ma’am! Babalik na lang po ak-”   “No! No! Its okay, sige para makauwi ka na rin agad.”   “Salamat, Ma’am! Birthday rin po kasi ng anak ko ngayon, hindi po ako nakapag-off kasi may meeting daw po kanina.” kamot niya pa sa kaniyang batok. Tila nanikip ang aking dibdib, kawawa naman ang batang iyon at hindi niya nakasama ang kaniyang tatay sa kaarawan nito.   Iyon ay dahil sa Shore Corp.   “Kuya, halika.” tawag ko sa kaniya, kinuha ko ang bag ko at agad binuksan ang aking wallet. “Bilhan mo ng regalo ang anak mo. Alam kong hindi naman iyan malaki, pero sana ay makatulong iyan.” iniabot ko sa kaniya ang dalawang libo na nagpalaki ng kaniyang mga mata.   “Nako! Ma’am! Hindi ko po ito matatanggap! Nakakahiya po-”   “Hindi, Kuya! Sige na, puntahan mo ang anak mo. Alam kong late na ang celebration, dahil ala-sais na. Pero sana maging masaya ang anak mo sa napili mong regalo para sa kaniya.” kita ko kung paano maluha ang kaniyang mga mata, saka niya ito agad pinunasan.   “Pagpalain ka ng panginoon, Ma’am! Nakapa-bait niyo po, maraming-maraming salamat, Ma’am!” tumungo ako, hindi ko na siya pinaglinis pa. Mabuti na lamang at sinunod niya ako, ayaw niya pa kasing umalis at maglilinis daw siya.   “Ah!” pag-inat ko sa aking braso, saka ko pinaikot ang aking leeg sa kabila’t kanan. Gusto ko nang matulog at magpahinga, ngunit para akong nag-aaral sa mga papel na ito.   Kada basa ko ay nahihirapan rin ako kung paano ito iintindihin. Wala akong alam sa ganitong business, hindi ko alam kung paano ko papatakbuhin sa presyong natitira ang mga project na ito.   Isa akong designer!   Isinandal ko ang aking likod sa upuan ko, tinignan ko lamang ang labas mula sa glass window.   “Ano naman kaya ang ginagawa nila? Nag-s-x na kaya sila?” tanong ko sa aking isipan. Simula nu’ng maghiwalay kami ay hindi pa napapasok ang monay ko ng kahit anong coke bottle.   “Ano? Buhay ka pa ba d’yan? Baka inaamag ka na, kumapit ka lang at baka sa susunod malanta ka, kasi wala kang dilig.” natawa na lamang ako sa aking sarili nang sabihin ko iyon sa alaga kong p***y.   Napalingon ako sa aking mesa nang makita kong umilaw iyon.   “Huh?” sino naman kaya ang nag-text sa akin? Saan niya rin nakuha ang number ko? ‘Where are you?’ iyon ang text sa akin. Hindi ko rin kilala kung sino.   “Who the f-ck are you?” nagtipa ako saka ko iyon ini-send sa kaniya. Kung sino ka man, t-ngina mo.. “What the f-ck?” nang magulat, dahil may reply ulit.   ‘I’m asking, where are you?’ kumunot agad ang aking noo, ano naman ang pakialam niya? Sino ba siya?   Hindi na ako nag-reply, baka magpalit na lang ako ng number. Saan naman niya nakuha kasi ang number ko?   Nang mapag-isipan kong mag-chill ay agad akong sumakay sa aking kotse. Gusto kong uminom, ngunit ayoko sa bahay at baka maisipan ko lang mag-suicide dahil sa kalasingan ko. Nakakatakot at ayoko iyong mangyari.   ‘You’re not going on that f-cking bar again.’ nakakainis! Bakit ba siya chat nang chat! Saka bakit niya nalaman na papunta ako ng bar? Agad akong kinabahan, baka mamaya ay sinusundan niya ako, kung sino man siya!   Oh, god!   Mabilis kong tinawagan ang kaniyang numero, mabuti na lamang at sinagot niya iyon agad.   “Who the hell are you? At paano mo nalaman na pupunta ako ng bar? Sinusundan mo ba ako?” marami akong itinanong sa kaniya at sa sobrang inis ko ay gusto ko na siyang murahin. “’Wag ka lang magpapahuli sa akin kung sino ka man, dahil sisiguraduhin kong ipapakulong kita!”   Saka ko tinapos ang tawag na iyon, nakakainis siya. Hindi ko gusto na tinatawagan ako nang kung sino, kinakabahan tuloy ako at ayoko munang umuwi. Baka mamaya ay sundan niya rin ako sa Villion Tower.   Nang makababa ako sa isang resto bar, sinadya kong hindi doon sa resto bar ni Gav. Dito naman ako sa isang resto bar na hindi rin kalayuan sa Villion Tower.   Gusto ko lang mag-chill, iba pa rin kasi ang nag-iisa at umiinom.   Umawang ang labi ko nang makita kong kakababa lamang ni Gav sa kaniyang kotse mula sa likod ko ng sasakyan ko. Siya ba ang nag-text sa akin?   Agad kumabog ang dibdib ko, siya ba ang tinawagan ko? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD