Chapter 8
“Hindi na niya na kailangan pang malaman, tapos na iyon at wala nang magagawa pa.” kumunot ang kaniyang noo. “Bakit hindi mo sinabi sa kaniya?”
“Balak kong sabihin, pero.. siguro huli na ang lahat.” ngumiti na lamang ako ng tila hindi na pinansin ang kaniyang sinabi. “Wensy, hanggang ngayon ay wala siyang alam? Paano kung malaman niya?”
“Bakit? Sasabihin mo ba sa kaniya?” tumaas ang kilay ko sa kaniya, “Satingin mo may magagawa pa ‘yan? Kahit sabihin mo pa ‘yan nang ilang beses, hindi na mababago ang lahat, Jacob.” manginginig ang mga kamay ko, gusto kong maiyak sa sakit.
“Walang mangyayari, kahit sabihin ko.” doon na tumulo ang mga tinatago kong luha, “Kasi kahit ano pang gawin ko, hindi na ako ang mahal niya.” pinilit kong maging matapang sa loob ng ilang taon, pinilit kong magtiis sa sakit, makita lang sila na hindi nahihirapan.
“Ginawa ko na ang gusto mo, Lola.” umiiyak akong tignan siya. Nakaupo lamang ito sa kaniyang swivel chair, habang may hinihithit na sigarilyo, “Paano ako nakakasiguro?” humarap siya sa akin, nakadekwatro pa ito.
“Hindi pa ba sapat na iniwan ko na siya? Ngayon ay hinihingian mo pa ako ng katunayan?” hindi ako mabait na bata, lumaki akong palasagot ngunit may respeto pa rin naman ako sa mga taong karespe-respeto. “Sisiguraduhin kong hindi mo siya mababalikan, Wensy! Hindi ka nababagay sa mga lalaking mas mayaman pa ang babae! Hindi kita naging apo, para magkagusto sa lalaking pabagsak ang negosyo!” lalong nadurog ang puso ko.
“Hindi nabibili ng pera ang pagmamahal,” diin kong sambit, “Kung ikaw, pera lang ang mahal mo at doon ka masaya. Ako, hindi!” tumulo nang tumulo ang mga luha ko, turo-turo ko ang tiles sa ibaba.
“Napaka-walang kwenta mo talagang bata! Kaya nababalitaan kong sobrang tanga mo sa isang lalaki na hindi ka naman pinapansin, iyon pala ay dahil tanga ka talaga!”
“Ma! ‘Wag mong pagsabihan ng ganiyan ang anak ko!” rinig na rinig ko ang sigaw ni mommy at mabilis akong niyakap. “Hindi pa ba naging sapat na nagawa mo na iyan sa akin?” umiyak ako sa dibdib ni mommy, hindi ko na kaya ang sakit.
Hindi ko kaya maisip ang mga luhang ibinuhos ni Gav, ‘wag ko lamang siyang iwan.
“Hindi pa ba sapat na nasaktan mo na ang anak mo at sinunod mo pa ang apo mo? Ma, may pakiramdam ka pa ba?” mas lalong dumiin ang yakap sa akin ni mommy, “Ang pagmamahal ay walang kwenta! Pera na lamang ang tunay na tumatakbo sa mundo, Wendy! Hindi ang pagmamahal!” sigaw ni lola kay mommy.
“Wala ka na talagang balak pang sabihin sa kaniya?” yumuko ako nang tanungin nanaman ako ni Jacob. Sa tuwing naalala ko ang mga sinabi ni lola, minsan ay napapaisip na rin ako na baka tama nga siya.
Ano ba magagawa ng pagmamahal? Nalulugi na nga ang kumpanya namin, tapos wala ka pang jowa.
“Uulitin ko, hindi ko na kailangan pang sabihin sa kaniya.” suminghap siya at tumungo, “Hindi na kita pipilitin,”
“Ano ba ang ginagawa mo dito? Hindi ko inaasahan ang pagdating mo.” kinamot niya ang kaniyang batok, ano ba ang kailangan niya? Hindi naman siya ganito. “Sa totoo n’yan, gusto ko lang magpatulong. Napadaan lang ako, kaya inisip ko na rin na dalawin ka.”
Naningkit ang mga mata ko.
“Anong tulong ba ‘yan? ‘Wag kang mangutang sa akin, Jacob at wala na akong pera.” kilala kita, masyado kang mukhang pera. “Hindi! Hindi!” pag-iling niya pa, “Hindi ako manghihiram!”
“Alam ko, mayaman ka na, Jacob. Nakuha mo na ang pera mo sa pamilya mo, kaya ano ba’ng hinihingi mong tulong sa akin?”
“Ano ba gusto ng mga babae?” hindi ko matago ang aking ngiti. May nililigawan na ba siya? “Ay sus! May nililigawan ka na, ‘no!” turo ko sa kaniya, saka ako natawa. “Sino naman kaya ang malas na babae na ‘yan?”
“Maka-malas ka! Pasalamat nga ako at hindi talaga natuloy ang engagem-”
“Subukan mong ituloy!” itinutok ko sa kaniya ang aking ballpen, ayokong marinig ang salitang engagement! “Fine! Pero, kailangan ko ng tulong mo.”
“Ikaw lang babaeng kilala ko na babaeng-babae, wala na akong kilala at medyo malapit sa akin. Ayoko naman kay Vessai, dahil aasarin niya lang ako.” kamot niya sa kaniyang ulo, “So, sino nga?”
“Hindi mo kilala.”
“Kailangan kong makilala! Paano ko malalaman kung ano ang gusto niya, kung hindi ko nakikita? Baka mamaya ay hindi pala bagay sa kaniya!” kinamot niya nanaman muli ang kaniyang ulo, “Fine! Sumama ka na lang, busy ka ba ngayon?”
“Medyo, may kailangan akong I-file at nagwawala na ang mga trabahante ko dito. Hindi pa raw sila napapasahuran.” nanlaki ang kaniyang mga mata. “Totoo ba ang mga nabalitaan ko? Totoong magsasara na ‘to?” kinabahan ako agad, hindi pwede.
“Hindi! Hindi magsasara ang Shore Corp, gagawin ko ang lahat, para hindi ito magsara.” kahit gastusin ko pa ang buong ipon ko para dito. Ayokong masayang lamang ang pinaghirapan ng nanay ko.
“Kung gano’n ay sige, anong oras ka pwede?”
“Saglit lang ba? As in ngayon?” kumurap-kurap siya, “Pero kung hindi ka naman pwede ngayon, ayos lang. Kailangan ko lang talaga ng tulong mo.” nagmahal na rin sa wakas ang lalaking ito.
“Siya ba ‘yung tinutukoy mong may sakit?” kita ko ang gulat sa kaniyang mga mata. “M-matagal na siyang wala, Wensy.” natakpan ko ang aking bibig ng palad ko. “S-sorry! Hindi ko alam!”
“Ayos lang, alam ko naman na mangyayari iyon. Tinanggap ko na lang,” hindi na rin nagtagal pa si Jacob sa office ko, umalis na rin siya kaagad.
Kaya’t ako na lamang ang naiwan mag-isa muli, tinignan ko kung magkano ang ilalabas kong pera para sa kabuuan ng sahod nila.
“Merde!” f**k! Sigaw ko, ganito kalaki? Mukhang hindi nga aabot ang pera ko! Sinabunutan ko ang sarili ko, hindi pwedeng gastusin ko ang pera ko, paano si mommy? “Merde! Merde!” f**k! f**k! Gusto ko nang umiyak, saan ako kukuha ng ganitong kalaki na pera!
“Ma’am President? Ayos lang po ba kayo?” inangat ko ang aking ulo nang buksan ng aking secretary ang pinto. “Okay lang naman, sige na.” ayoko ng may tao akong nakikita sa tuwing ganito ang sitwasyon, hindi ko lang gusto. “O-opo!” rinig ko ang pagsara niya ng pinto.
“Kausapin ko kaya si Shone?” balak kong manghiram ng pera, sigurado naman akong may ganitong kalaki na pera si Shone. “Sh-t! Si Trix nga pala!” agad akong napanghinaan ng loob, hindi pwede at naroon si Trix. Ayoko namang magselos siya sa akin.
“Bahala na!” sigaw ko sa loob ng office ko, “Ma’am President? Tawag nito ako?” bumukas nanaman ang pinto at sumilit ang aking secretary, “No! Please!”
“Opo! Opo!” isinara niya nanaman ang pinto.
“Ano ba kasi ang nangyari, paano naging gano’n? paano nawala?” tinawagan ko na lamang si Vessai, hindi ko kaya na sarilihin ang isang ito. Kung iyong problema namin ni Gav noon, kung bakit ko siya iniwan ay si Jacob lang ang nakakaalam.
Itong problema ko naman na ito ay si Vessai ang nakakaalam.
“Ninakaw nga ng sira-ulo na Ryo na iyon!” simula kasi nang magkasakit si mommy ay pinagkatiwala niya ito kay Ryo. Siguro ay nakuha ng lalaking iyon ang tiwala ni mommy, kaya nagawa niyang nakawin ng gano’n kabilis ang pera namin.
“Paano na iyan? So, you’re broke?”
“Va te faire foutre!” f**k you!, hindi ako mahirap! Hindi ako naghihirap at mas lalong hindi ako maghihirap. Gagawin ko ang lahat para hindi lang ito malugi. “Ang haba naman nang sinabi mo, hindi ko naman alam ‘yon. Hindi ko na-gets, D’zai!” na-miss ko ang babaeng ito, “Ang sabi ko ay ang ganda mo.”
“Parang hindi ako naniniwala, D’zai! May pakiramdam ako na ginagago mo ako!” humalakhak pa siya mula sa kabilang linya. “Kung kailan mo ng pera ay pwede naman kitang pahiramin, Wens. Hindi nga lang sobrang laki, pero alam kong makakatulong.”
Hindi na, alam kong para iyon sa anak niya.
“May pera pa ako, saka ayos lang naman ako. Nakita naman ako sa S. Cervantes, medyo mahirap nga lang at kulang na rin kami ng tao at wala pa ako sa France.”
“So, babalik ka pa?”
“Kailangan, may aasikasuhin lang naman ako. Babalik rin naman ako ng Pinas, palipat-lipat lang.” bumuntonghininga si Vessai. Bakit parang ayaw niya ako na bumalik ng France? “Hindi pa nga tayo nagkaka-bonding, after mo mawala ng ilang taon.”
“Magkaka-bonding pa tayo, ‘wag kang mag-alala!” kahit sa telepono ay madamdamin pa rin siya talaga. “Ewan ko sa iyo. Ang sama ng ugali mo, hindi ka man lang nagpaalam! Hindi nga namin alam na umalis ka na lang bigla!”
“Magkekwento ako sa ‘yo, soon. ‘Wag lang muna ngayon at.. at hindi ko pa kaya, dahil marami pa akong problema.” inisandal ko ang aking likod sa sandalan ng upuan.
“Ay talagang magkekwento ka sa akin, gaga ka! Nararamdaman ko kung bakit mo iniwan si Gav, kahit hindi mo sa akin sinabi ang totoo mong dahilan.” ngumuso akong nakikinig sa kaniyang mga sinasabi. “Wensy, ‘wag mo ako lokohin, matagal na kitang naging kaibigan.”
“Alam kong hindi totoo ang sinabi mo sa akin noon na hindi mo na mahal si Gav, tama ba ako?”