Ilang metro ang layo mula dito sa sasakyan kung saan naka park si Kendrick. Kitang-kita niya ang pagbaba ni Rayleen mula sa mamahaling sasakyan ni Diego. Napakuyom siya nang kamao, kung wala lang si Diego baka kanina pa niya tinakbohan ang dalaga. Sa ilang buwan hindi niya nakita si Rayleen, lalong gumanda sa paningin niya ang dalaga. Naiinis siya dahil halata sa mukha ng dalaga ang saya, mukhang nakalimutan na siya nito. Hindi siya kumurap o gumalaw, sinundan niya ng tingin ang dalawa hanggang sa mawala ito sa paningin niya. “Betino nasaan ka? Huwag ka muna pumasok hayaan mo sila ang mauna.” Ani Kendrick. “Mabuti na lang wala si Vincent kaya isa lang ang babantayan ko. I’m sorry Diego, masyado kang maramot hindi mo ako binigyan ng pagkakataon para makasama si Rayleen.” Wika pa ni Kend

