“April, what happend? Bakit umiiyak si Scarlet?” Napatingin si Ken sa bata na halos namamaga na ang mata sa kakaiyak. “Come to Daddy, inaway ka ba nila? Isumbong mo kay Daddy kung sino ang nag paiyak sa’yo?” Inabot ni Ken ang maliit nitong kamay. Nang makita ni Scarlet ang mukha ni Ken agad itong tumigil sa pag-iyak. Binuhat ni Kendrick si baby Scarlet kaya napangiti ito, agad naman hinawakan ni baby ang mukha ni Ken na para bang kinikilala niya kung sino ang nasa harap niya ngayon. “Ikaw lang po pala ang hinintay ni baby Sir? Kanina pa po ito nagwawala pero hindi po namin mapatahan.” Malungkot na wika ni April. “Yaya, nasaan si ma’am Samantha? Bakit niya pinabayaan si Scarlet? Ibig mo bang sabihin kanina pa umiiyak ang bata?” Nagtataka nitong tanong. Yumuko si April bago ito nagsalit

