◆MARCUS GAVIN POV◆ PAGPASOK KO sa room na kinaroroonan ngayon ng nanay ng girlfriend ko, nakita ko agad si tita na nakaratay sa higaan. Habang ang girlfriend ko naman ay nakaupo sa stool chair at nakayuko. Nakahawak rin siya sa kamay ni tita. I think tulog siya dahil hindi manlang nito napansin ang pagpasok ko. Dito agad ako kanina dumeretso pagkarating sa airport ng malaman kong isinugod sa hospital ang nanay niya. Lumapit ako, sinuri ko ang buong mukha ni Elle ko. Hilam ng luha ang mukha niya. Sa totoo lang kaya ko namang operahan si Tita. Ang problema lang ay hindi pa kami nakakahanap ng heart donor. Iyon din ang isa mga pinag-kakaabalan ko ngangyon, ang tulungan ang girlfriend ko na makahanap ng donor para sa nanay niya. Nakita ko siyang gumalaw. “Hey, baby. Are you okay?”

