First day of school karamihan ay masaya, Isa na dito ang first year colleges students na si Kimy Tamayo. Taking BS Tourism Management pangarap niyang maging isang flight attendant at makapunta sa Ibat Ibang lugar at bansa. Isa sa mga pangarap niya ang makapasok at makapag tapos sa kilalang unibersidad na eto dahil kapag daw naka graduate ka sa school na 'to ay madali ka daw makakapasok sa trabaho at sa mga kilalang Company.
Sa unang araw niya ay naging maayos naman ang lahat, mayruon na siyang naging kaibigan, eto ang katabi niya sa upuan na si Farah Sanchez ayon dito may kuya din siyang nag-aaral ng architecture at nasa ika - apat na taon na eto. Parehas silang dalawa na may Kuya kaso nga lamang ang kaniyang Kuya ay hindi na nag-aaral. High school Graduate lamang ang tinapos nito.
Maaga kasi silang naulila na mag kapatid. Dalawang buwan na lamang Sana ay gragraduate na ang Kuya Tomy niya sa High school nang mamatay ng sabay ang kanilang mga magulang. Ang sinasakyan nilang Bus na galing Manila ay nahulog sa bangin dahil sa lakas ng Ulan dahil sa Bagyo. Ang Kuya TOMY niya ay 18 years old at siya naman ay 9 years old pa lamang ng mga panahon na iyon. At mula nuon ay tumira sila sa bahay ng kanilang Uncle Luis kapatid ng papa nila na isang sundalo. Kaso nga lamang kapag wala ang kanilang Uncle Luis sa bahay nasa destino eto ginagawa silang katulong ng asawa nito.
Hindi sila kakain kapag hindi sila nag trabaho, at kapag naiinis sa kanila ang kanilang Auntie. Lalo na kapag hindi nagpapadala at kulang ang ipinadadalang Pera ng kanilang Uncle Luis sa buwanang sahod nito hindi sila pinapakain sa buong mag-hapon.
Nagpapakain sila ng baboy, naglilinis ng mga kulungan at nagpapaligo sa mga eto. May negosyong baboyan ang Asawa ng Uncle Luis nila at malakas kumita kesa sa Uncle ng dalawa. Bukod pa sa madalas nadedestino ang Uncle nila sa Mindanao ay taunan eto kong umuwi. Ang sabi pa nga ng kanilang Auntie Mirna may kabit daw eto sa Mindanao kaya pasalamat daw silang mag kapatid dahil kinopkop sila nito. Kaya kahit pinapagawa sa halos lahat ng gawaing bahay ay wala silang magawa dahil wala naman silang ibang mapupuntahan na mag kapatid ay tinitiis nila lalong Lalo na ang kaniyang Kuya Tomy.
At kahit madalas silang sinasaktan katulad ng hampas, kinukurot, pinipingot, sinasampal at binabatukan kahit may ibang taong kaharap at minumura ay tinitiis na lamang nilang dalawa.
Minsan dahil sa sama ng loob ng Kuya Tomy niya ay sumali eto sa palarong boxing sa plaza ng minsan may palaro dahil sa piesta. Kahit walang alam sa boxing at tamang training ay sumali parin eto. Gusto niya kasing mailabas ang galit niya na iniipon sa dibdib. Ang kaso nang siya ay isinalang na second round Palang knock out na ang kalaban. Naka dalawang laban ang Kuya niya ng gabing iyon at katulad ng nauna Knock Out din. Nakitaan ng husay sa pag boboxing ang Kuya niya at senewerte pa dahil bukod sa premyong 12 thousands pesos na panalo ay may nag offer pa sa Kuya niya na maging alaga ng isang boxer manager sa Manila. Isa etong naging hurado sa patimpalak na iyon.
Kaagad naman pumayag ang Kuya ni Kimy dahil sa wakas makakaalis na silang mag kapatid sa kamay ng Auntie Nila. Sinabi ng Kuya ni Kimy sa talent scout manager na may kapatid siya at Kong asan siya ay naruon din dapat eto. Dahil sila na lamang dalawa sa buhay ang natitira at kong hindi si Kimy isasama ay hindi din siya papayag. Sinabi din niya ang naging karanasan nilang mag-kapatid sa kamay ng kanilang Auntie, at pumayag naman eto na isama s'ya sa Manila mabuti na lamang ay mabait ang naging talent manager ng Kuya Tomy niya at hindi isang Scammer, At sa wakas after five years na pagtitiis sa kamay ng Auntie Mirna nila ay nakaalis din sila dito. Hindi sila nag-paalam dahil alam ng Kuya TOMY niya na seguradong hindi sila papayagan ng kanilang Auntie Mirna dahil malaki ang pakinabang nilang dalawa sa kan'ya. Kaya tumakas silang dalawang mag kapatid at sumama pa Manila sa naging Manager ng Kuya Tomy ni Kimy.
Dinala silang mag kapatid sa Manila at hinanapan sila ng maliit na matitirhan malapit sa training place ng naging manager ng Kuya niya. Simula nuon ng dahil sa pagboboxing ay nakapag-patuloy ng pag-aaral si Kimy at nakaka Renta ng bahay, nakakain ng maayos at namumuhay ng masaya at tahimik. Naging Kargador din sa palengke sa Umaga ang kaniyang Kuya Tomy at kahit anong pwedeng pasukan ay tinatatrabaho nito. May pangarap ang kuya niya na balang araw ay makabili ng sarili nilang bahay Kaya nagiipon eto. Nagtratraining eto kapag walang laban na sinasalihan. Minsan kinausap niya ang kaniyang Kuya Tomy.
"Kuya, bakit hindi ka magpatuloy mag-aral kahit naman papano may ipon ka na hindi ba? Para maging magaling ka sa Ingles paano kong dumating ang panahon na ang next mong laban ay pang International na. Mapapasabak ka sa englisan Kuya."
"Kimy, Hindi pa ako pwedeng pumasok sa colleges habang nagtratrabaho pa ako. Hindi din ako makakapag pokus dahil sa trabaho ko. Ano papasok ako sa school na Maga at putok ang mukha ko. At aabsent ako kasi may laban ako at masakit ang katawan ko. Kaya malabo pa sa ngayon sapat na sa akin ang makita kang maayos na nakakapag-aral hang-gang sa makapag tapos ka at maging titulado si Kuya ang bahala sayo. "Ang madam daming wika ng kuya Tomy niya kaya napayakap ng mahigpit si Kimy sa kaniyang Kuya habang tumutulo ang luha.
" Kuyaaa!!!.. Mahal na mahal kita Kuya! Ikaw ang pinaka da best Kuya sa buong mundo para sa akin. Hayaan mo Kuya lahat ng pagod at pagsasakripisyo mo ay susuklian ko. Oras na Maka graduate at makapag trabaho ako ikaw naman ang pag-aaralin ko. At kapag marami na tayong pera ipapasyal kita sa kahit anong lugar o bansa na gusto mong puntahan at makita. Magsisikap ako Kuya at hinding hindi kita bibigyan ng ano mang sakit ng ulo dahil talagang magpapakabait ako para sa'yo Kuya." Ang masayang wika ni Kimy na puno ng magagandang pangarap sa kaniyang mga mata Para sa minamahal at nererespetong Kuya Tomy niya.
" Naku! Wag ka nang umiyak ang panget mo kaya kapag umiiyak ka. Kapag naging panget ka itatakwil kita."
"Kuya naman ang harsh mo."
"Sige na matulog na tayo huwag ka nang umiyak baka dalawin ako ni Papa at mama mamaya sa aking panaginip. Pipingutin na naman ako Nila at sasabihing salbahe akong Kuya pinapaiyak kita. Baka biglang magpakita sa akin ang mga iyon may dalang pamalong dospordos."
" Hahahaha!!! " Ang sabay na masayang pagtawa ng mag-kapatid na malayong malayo na sa buhay nila nuon sa probinsiya sa kamay ng kanilang Auntie Mirna..
" Halika sa Canteen Kimy sabi ng Kuya ko masarap daw ang halo halo dito bago tayo umuwi mag Halo-halo mona tayo libre ko."
"Aba'y OO ako d'yan libre pala e tara na."
Nasa canteen na ang dalawang bagong magka-ibigan na sina Kimy at Farah at marami din ang kumakain na mga estudyante duon. Pumunta silang dalawa sa counter upang omorder ng dalawang special Halo-halo para sa kanilang dalawa. At pagkatapos mabayaran at makuha ang order nila ay saka naman sila naghanap ng mauupuan. Nakakita naman sila na bakanteng pwesto kaya madali silang naupo dito. Habang kumakain naririnig nilang dalawa ang usapan ng isang grupo ng mga babae at lalaki sa Kaharap nilang mesa. Pinag-uusapan nila si Jaguar.
"Kahit namamaga ang mukha ni Jaguar napaka Hot parin niya. Kahit saang tingnan na ang-gulo lalaking lalaki talaga siya." Ang kinikilig na sabi ng isang babaeng maarte na mukhang yayamanin sa hawak nitong mamahalin cellphone at sa mga suot nitong gold sa katawan.
" Hindi talaga nagpapabaya sa kaniyang throne sa number one Spotlight yang si Jaguar after vacation and first day of class nakipagbasagan na naman ng mukha. Sino naman kaya ang loser na nakabang-ga niya I'm so pity on him."
"Hahahaha!!!!!" Ang malakas na tawanan nila. Si Kimy naman ay nakikinig sa usapan ng grupo dahil curious s'ya sino ba ang Jaguar na 'yon at mukhang sikat sa Campus.
"Farah narinig mo' yon? Sino kaya 'yong pinag-usapan nilang Jaguar mukhang famous Dito sa Campus. "
" Hindi ko pa s'ya nakikita pero madalas ko siyang naririnig kay Kuya James sa lahat daw ng mga tao dito sa University si Jaguar daw ang pakaiiwasan ko. Number one na basagulero, Mayabang, at isang leader ng Gang dito. Nakakatakot daw si Jaguar at ang mga galamay nito kaya kapag kinalaban mo sila at pinagtripan ka nila humanda ka na daw. It's either you drop out or go to hospital."
"Aba'y grabe naman pala yang lalaki na 'yan. Ay! sila pala kasama ng mga ka tropa niya. Naku Farah kailangan natin makilala siya o sila I mean makita ang mga pagmumukha para naman makaiwas tayo. Mahirap na baka hindi natin alam makasalubong natin sa daan tapos mabangga natin o baka mapagtripan pa tayo mahirap na. Kailangan malayo palang umiwas na tayo sa kanila. "
" OO nga Kimy, kailangan talaga natin silang mamukhaan. ".....
After school sa gabi ay nag-pa partime job si Kimy sa isang Chinese fast food upang makatulong sa kaniyang Kuya Tomy. Hindi na kasi eto nakakapasok sa palengke bilang kargador dahil tinututukan nito ang kaniyang training sa na lalapit nitong international na Laban na gaganapin sa Okada Japan. May tittle belt na mapapanalunan bukod sa malaking cash prize na matatanggap ng Kuya niya kapag nanalo eto sa laban. Kong mananalo siya ay dito na siya makikilala bilang Isa sa mga mahusay na boxers sa pilipinas. Kaya ganun na lamang ang pag-tutok ng Kuya niya sa kanyang training ayon na rin sa utos ng manager at trainor ng Kuya Tomy ni Kimy.
Pag-kapasok niya sa restaurant minarites agad siya ng kaniyang kasamahan may naganap daw na riot o gulpihan ng dalawang grupo sa tapat ng Star lights Club (Malapit sa pinapasukang Chinese Fast food Restaurant ni Kimy) At halos duguan daw ang mga eto ng iwanan ng grupo ni Jaguar.
"Jaguar? Tama ba ang narinig ko Jaguar ang sabi mo Ate Daisy?"
"Oo Jaguar nga, Ayon duon sa mga nakakita ng bugbogan kagabi."
"Jaguar? Hindi kaya iisang tao lang ang tinutukoy na basagulero sa school at dito sa Star Lights Club? Hmmmp! Maaari nga seguro hay naku! Kawawa naman ang mga magulang ng Jaguar na 'yon at Ang magiging asawa niya in the future sakit ng ulo niya malamang iiyak ng dugo' yon tssskkk!!! ."....... (NGAYON PA LAMANG AY NATATAWA NA AKO SA'YO KIMY BAKA HINDI MO ALAM IKAW ANG MAGIGING ASAWA NIYA...HA!HA!HA!)
"Ano kamo Kimy? Lakasan mo naman hindi kita marinig?"
" Ang sabi ko Grabe naman nag day off lang ako kagabi may nangyari nang ganyan. Hindi ba't may mga security guards at bouncers ang Club na iyon bakit hindi ba sila umawat?"