CHAPTER 5

1840 Words
"Kilala ko siya." "Teka Sabi mo nuon hindi mo siya kilala tapos ngayon kilala mo Pala, So nagsisinungaling ka lang that time na tinatanong kita about sa kanya ganun ba Kimy?" "H-hindi! Kasi hindi ko naman talaga siya kilala." "Ang gulo mo Kimy ako ba'y jinojoke mo ha?" "Hindi! Kasi ganito 'yon nagkita na kami pero hindi ko naman alam na siya pala si Jaguar. Kasi ano e tinulungan ko kaya siya nuong nakita ko siyang nakahandusay sa gilid ng daan nong hinold up siya at binogbog. Alam mo bang duguan siya putok ang kilay niya at labi. Naku kong nakita mo lang talaga pati katawan niya pulang pula dahil binogbog talaga siya ng mga holdaper. " " Haler, Are you kidding me Kimy? Hindi naman seguro ako maniniwala sa'yo si Jaguar?... mabobogbog that's impossible. " " At bakit naman imposible Farah? " " It's because Jaguar is a very good fighter he's a Famous for being a ruthless fighter. Kaya nga sikat siya at maraming takot sa kan'ya dito. Hindi siya basta basta napapatumba ng mga kalaban kahit sampo pa sila. "Ang buong pagmamalaking kwento ni Farah kay Kimy. " Nakainom siya nuon at lasing na lasing kaya seguro hindi siya nakalaban. Oo tama ganun nga yon. " " Hmm! Maybe, But I can't believe na nakita mo siya sa ganong sitwasyon at until now unharm ka parin. " "Wait, Anong ibig mong sabihin?" "Well, Ang sabi ng Kuya ko oras daw na matuklasan mo ang kahinaan niya ay malalagot ka dahil ayaw na ayaw daw ni Jaguar ang nakikita siyang talunan at mahina." "Ganun ba? Pero okay naman ako wala namang nangyaring masama sa akin chismis lang seguro iyon hindi totoo at sa tingin ko din na mabait na tao si Jaguar. Mali ang mga ipinapakalat nilang balita tungkol sa kan'ya may pagka Mayabang lang 'yong tao pero alam ko mabait' yon. " Ang pagtatanggol ni Kimy kay Jaguar. Subalit ang kausap niyang si Farah ay biglang nanahimik at tila may tinitingnan sa likuran ni Kimy. Paglingon niya laking gulat niya ng makita si Jaguar sa likuran. Hindi pa siya nakakabawi sa pagkagulat ng akbayan siya ni Jaguar sa kaniyang balikat. "Pahiram mona sa kan'ya pwede?" Ang paalam ni Jaguar kay Farah na hindi makasagot dahil sa subrang nerbyos. Kaharap niya ngayon si Jaguar ang famous na si Jaguar. Matangkad na lalaki hanggang kilikili lang siya nito at higit sa lahat napaka gwapo pala niya sa personal. Ang dating bukang bibig lang ng kaniyang Kuya ngayon ay kaharap na niya at totoo ding nakakatakot ang dating nito lalo na sa kaniyang mga mata at sa malalim na boses. Sapilitang kinuha ni Jaguar si Kimy habang akbay akbay eto na wala naman nagawa siya kong hindi ang mapasunod. "Bitawan mo nga ako? Saan mo ako dadalhin at Alisin mo nga 'yang kamay mo sa balikat ko? Bibilang ako ng lima kapag hindi mo' yan inalis tatamaan ka talaga sa'kin baka akala mo porket babae ako at mas malaki ka kesa sa akin ay hindi kita kayang labanan. Sinasabi ko talaga sa'yo masasaktan ka talaga sa'kin bitawan moko sabi? " Ang singhal ni Kimy dito na pilit kumakawala sa mga kamay ni Jaguar. " Ang ingay mo, tumahimik ka? lalo tuloy tayong pinagtitinginan nila baka akalain Nila nag lolovers Quarrel. " " Oy! magtigil ka? Anong Lovers quarrel ka d'yan. " Na patingin si Kimy sa mga estudyanteng nasa paligid nila at nagkakasalubong, lahat sila ay nakatingin sa kanilang dalawa ni Jaguar na parang mga sikat na artistang tinitingnan ng mga eto. Napilitan tuloy siyang manahimik at sumunod na lamang. " Naku Jaguar, nananahimik ang buhay ko tingnan mo ang ginawa mo halos lahat nakatingin sa'kin ano nang gagawin ko ngayon. Tingnan mo sila bakit ganyan sila makatingin ha?" "Hayaan mo sila from now on ganito na ang magiging buhay mo kilala ka na nila at kabilang ka na sa mga sikat na tao dito sa Campus. Masanay ka na bakit ba nagrereklamo ka? halos lahat gusto maging sikat." "At bakit ako masasanay? Hindi ko kailangan maging sikat dahil tahimik akong tao. Anong mapapala ko bilang sikat na tao pagkakaperahan ba 'Yan?" Napahinto sa paglalakad si Jaguar at iniharap si Kimy sa kanya nakatitigan sila. Ang mga taong nakakakita sa kanila ay kinukuhanan silang dalawa ng video at pictures sa kanilang mga cellphones. " Bakit ba? Wala naman akong ginagawang masama ah, at wala naman akong inaaway." " Wala nga, pero may ginawa ka at malaking kasalanan ang iyong nagawa kaya be responsible for what have you done." "Huh! Kasalanan? At anong nagawa kong kasalanan? At bakit naman ako magiging responsible sa ano?" Muli siya nitong hinila at hindi na eto nagsalita hanggang sa makarating sila sa canteen pagkakita sa kanilang dalawa ng mga taong naruruon lahat sila ay sa kanilang dereksyon nagsipagtinginan. Ang mga kumakain ay nagsipaghinto sa pagkain. " Anong ginagawa natin dito? Gusto mo lang palang kumain sana sinabi mo ng maayos hindi Yong basta basta ka na lang susulpot at manghihila. Papayag naman ako e basta libre mo." Hindi maintindihan ni Kimy ang gustong mangyari nito. Hinawakan sya sa magkabilang balikat at habang nakatayo sa gitna ng canteen ang lahat ng mga tao duon ay sa kanilang dalawa nakatingin. " ATTENTION... Lahat kayo ay makinig, Etong babaeng eto ay.......... hindi ko kilala, at walang kinalaman sa akin naiintindihan nyo ba. " Pagkasabi nuon ay basta basta na lamang siyang umalis at ako ay iniwan na parang estatwa na hindi alam kong ano ang nangyayari. Ang mga tao sa paligid lalo na ang mga kababaihan ay nagsisipagtawanan na hindi ko naman Alam kong ano ang kanilang pinagtatawanan. "Poor Girl, Tsssk!" " Kapal ng mukha niya para akitin si Jaguar." "Ano bang tingin niya sa sarili niya?" "She's just one of his toy's can't you see?" "Tama ka d'yan napagsawaan na yata ni Jaguar at sinusuka na hahahaha!!!" "Ha! Ha! Ha!" Ang malakas na tawanan ng isang grupo ng estudyante duon. Nagpalinga linga ng tingin si Kimy, hindi niya alam bakit tila nilalait at pinagtatawanan siya ng mga tao duon. Naguguluhan din siya sa sinabi ni Jaguar na hindi daw siya kilala nito at wala siyang kinalaman sa kanya. Nagpasya na lamang siyang lisanin ang lugar na iyon dahil baka kong magtagal pa siya baka matunaw siya na parang yelo sa mga kakaibang titig sa kanya ng mga taong naruruon sa canteen. "Pambihirang paaralan eto ang we weirdo, Ganito ba talaga dito? " Habang naglalakad ay pinagtitinginan parin siya ng mga nakakasalubong at nadadaanan niya at may mga nagbubungisngisan pa.Hanggang sa makabalik siya kay Farah na naghahantay at nagaalala sa kan'ya. " Hay naku! Farah mga sira ulo yata mga tao dito ang we weird nila." "Naku ateng hindi sila weird, sadyang mataas to the highest level lang ang pagiging marites nila about sa'yo. Dahil maraming babae dito este hindi lang babae kahit boy's like me ang patay na patay sa kan'ya. Nakita mo ba ang kagwapuhan niya at super Hot as Hell pa siya hindi ba? Halos mag kandarapa kami sa paghahabol at pag estalk sa kanya, pero hindi kami makalapit sa kanya kahit limang hakbang ang layo hindi namin magawa. Pero ikaw Ateng Who are You? Nakalapit ka na sa kan'ya nahawakan mo pa ang mukha niya at natitigan mo pa sa malapitan how lucky you are naman Ateng. " Napalingon ang dalawang mag kaibigan ng may magsalita buhat sa kanilang likuran. " HI! Sino ka? "Ang halos sabay na tanong nina Kimy at Farah. " Well, let me introduce my self, My real name is Jano Caparal. But you can call me Janice as you can see I'm a girl na na trapped sa body na eto. Second year student studying BS Journalism. " " OH! Nice to meet you Janice!" Ang magkasabay na Aniya ng dalawa na matamis ang pagkakangiti sa bagong kakilala. " And you Whats your name? " " I'm Farah Sanchez, first year student taking BS Tourism same kami ni Kimy at magkaklase kami. " " Ako naman si Ki.. " " Kimy Tamayo 18 years of age tama?" "Yes, tama nga kilala mo ako?" "Yeah of course, at hindi lang ako halos lahat ng estudyante dito kilala ka na at baka inuumpisahan na nilang kalkalin ang buong profiles mo kong pwede nga lang na pati sinapupunan mo ay kalkalin gagawin nila." "Huh? Ay grabe naman ang mga fersons mukha palang ni Jaguar ang nahawakan ko nagkakaganyan na silang lahat sa akin e paano kong malaman nilang hindi lang mukha ng lalaking iyon ang nahawakan at nakita ko." "HUH! ANO?" Ang sabay ding wika nina Farah at Janice na talagang nagulat. " Sus! Makapag react naman kayo over to the moon naman." "Hoy acla ituloy mo 'yan kong hindi sasabunutan kita?" Ang pananakot ni Janice na sabik na sabik Malaman ang buong detalye. "OO nga, totoo talaga hindi lang mukha ang nakita at nahawakan mo?" Ang naniniguro namang tanong ni Farah. Ang dalawa ay excited sa isasagot ni Kimy parehas pa silang nakahawak sa magkabilang braso niya habang nakatingin sa kanya. "OO nga totoo nahawakan ko din at nakita ang katawan niya alam ko nga na maraming pandesal sya." Sa sinabing iyon ni Kimy mas lalong namilog ang mga mata ng dalawa. " Maniwala naman kami sayo? Baka naman nag Da-day dreaming ka lang." "Totoo ang sinabi ko, hindi ba sinabi ko na sa'yo Farah na nakilala ko si Jaguar dahil tinulungan ko siya nakalimutan mo ba?" "Ay oo nga pala no." "Okay, Ganito kasi 'yon Janice nong nag out ako from my work nagtratrabaho kasi ako sa isang fast food ng chinese that time pang gabi ako nuon. Nong naglalakad ako papuntang sakayan nakarinig ako ng ungol syempre inusisa ko kong saan ba galing iyong ungol na naririnig ko e' di hinanap ko hang-gang sa makita ko isang lalaki nakahandusay sa sahig e nilapitan ko tinulungan ko ayon nakita ko mukhang binogbog putok ang kilay, putok ang bibig, dumudugo ilong ayon ginamot ko. Always naman kasi akong may dala dalang medecal kit sa bag ko mga panggamot sa sugat sa bogbog ng katawan at pain killer. At ayon na nga pati katawan niya syempre cheneck ko na rin malay ko ba baka nasaksak din siya hindi ba? Kaya ayon nakita ko ang katawan niya ang mga muscles niya at nahawakan ko pa syempre pinapahiran ko ng gamot e." " Anong kulay ng u***g nya acla? " Ang biglang tanong ni Janice na namimilog parin ang mga mata amaze na amaze sa nalalaman niya. " Kulay ng u***g niya? Ay naku pati ba naman 'yon aalamin mo pa grabe ka ah? ". "Ayyyieeeeyie!!! Bonga! ang lucky lucky mo Acla Sana oll!" Ang malanding tili ni Janice na tila kinikiliti sa singit.. "But...." Ang biglang sabi nito. "Anong But?" " Hindi mo pwedeng sabihin iyan sa iba dahil baka sila ang tuluyang sumabunot sa'yo. Sa dami ng mga nagpapantasya kay Jaguar. Kaya ngayon alam mona kong bakit ka naging sikat at mainit ang mga mata nila sa'yo Yan ay DAHIL SA SELOS".
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD