“Ilang taon ka na?” tanong ni Yeshua kay Dylan na halatang nagtataka kung bakit siya nandito at tinatanong nitong magaling kong pinsan. “21?” sagot ni Dylan. Tumingin naman ako rito sa kaharap ko na may ginagawang kung ano-ano sa kamay ko at Oo, wala pa rin akong maramdaman sa kanang kamay ko. “May trabaho?” tanong na naman ni Yeshua, tumingin sa akin si Dylan habang nakakunot ang noo. Sinenyasan ko siya na sagutin na lang ang mga tanong ni Yeshua. “Wala pa pero may kumpanya ang pamilya namin na bumubuhay sa amin,” sagot ni Dylan. Napatango naman si Yeshua bago tumingin sa akin na may masasamang tingin. “Grade?” “2nd year college.” “Course?” “Architecture.” “Ilang anak ang kaya mong buhayin?” “Ano!?/What!?” Halos sabay kaming nag-react ni Dylan dahil sa tanong ni Yeshua. Ikaw

