DYLAN’s POV Walang akong ginawa kung hindi ang tumitig sa kisame nang magising ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko at saan ako magsisimula. Dapat pala ay sinulit ko na ang oras ko na kasama si Eve, kung alam ko lang naaalis na siya dapat ay hindi ko na siya nasigawan. Kung alam ko lang na ’yon na ang huli naming pag-uusap dapat ay sinabi ko na ang lahat nang gusto kong sabihin. “Kung alam ko lang na ’yon na pala ang huling yakap ko sa’yo ay sana mas hinigpitan ko pa,” sabi ko sa aking sarili habang hawak-hawak ang isang papel na nakita ko sa aking tabi nang magising ako. “Hi? I’m Callista Everielle Xhion Valencia. Hindi ko alam kung saan magsisimulang magpasalamat. Ang dami, sobrang dami niyo kasing nagawang maganda sa akin, ang dami niyong pinaransa sa akin na no’n ko palang

