“Patingin nga.” Kinuha ni Sky ang kamay ko at tiningnan ito. “Pasma ’to.” Binatukan siya ni Clarence dahil sa sinabi niya. “T*nga, ang pasma ay nanginginig ang kamay!” singhal sa kaniya ni Clarence. “Sa susunod kasi ay makikinig ka na sa professor mo, nursing pa man din ang kinukuha mo!” Napatingin ako kay Sky dahil sa sinabi ni Clarence. Sa hitsura niyang ’yan, nursing pala ang kinukuha niya? Nakakagulat at nakakatakot, baka kasi mamaya ay mas lalo pang lumala ang lagay nang kaniyang mga pasyente kung siya ang magbabantay. “Na injurde na ba ’to dati?” tanong sa akin ni Axe kaya naman tumango ako sa kaniya. “Oo, no’ng bata pa ako ay na-injured na ’yan at kung nabalitaan niyo ang nangyaring gulo sa pagitan namin ni Third ay na injured ulit ang kamay kong ’yan,” ani ko at nagkatinginan

