EVE’s POV “Sh*t!” napamura ako dahil sa sinabi ni Jacen. Ano na naman kaya ang kailangan ng isang ’yon? Kapag hindi ako sumulpot sa kaniya ngayon ay baka totohanin niya ang sinabi niya sa akin na magsusumbong siya kay Kuya Van. Ang isa pa naman na ’yon ay hindi na sisindak agad. “Kapatid ni Eve?” takang tanong ni Jade kaya naman sa kaniya ako napatingin. Alam kong nalilito siya kung sinong kapatid ang naghahanap sa akin. “Yes, my little sister,” sagot ni Jacen. Oo nga pala, magkapatid nga pala ang dalawang ’to. “LITTLE SISTER!?” Sabay-sabay na tanong nila Dylan kaya naman nalipat sa kaniya ang paningin ko. Gusto kong sumama sa kaniya pero mas kailangan kong siputin ang kapatid ko kung hindi ay baka hindi ko na siya makita kahit kailan. “Yes, she’s my little sister. Jade Madrigal

