“Xhion, kanina ka pa tulala,” sabi ni Axe at kumaway-kaway pa sa harap ko. Naririnig ko sila, hindi ko lang talaga maiwasang hindi matulala kapag naaalala ko ang nangyari kanina habang papunta ako rito. ‘Little i***t? Tss, lelang niya.’ “Simula nang dumating ka ay hindid ka nagsasalita,” ani Sky habang kumakain ng saging. “May nangyari ba?” tanong sa akin ni Hobi kaya naman umiling ako para matahimik sila, tinatanong kasi nila kung may plano raw ba ako? Napailing na lang ako bago tumayo at mag-stretch. ‘Wala namang nangyari, nakasalubong ko lang naman ang pinsan kong baliw, Yulo siraulo.’ “Coach ano po unang match namin?” tanong ko kay Coach na nakatingin lang sa cellphone at mukhang may hinihintay na kung ano. “Miyami Internation School ang unang laban niyo,” sagot niyo sa akin na

