2

1012 Words
ATHENA'S P.O.V. "s**t" sigaw ko nang huminto ang minamaneho kong sasakyan sa gitna ng daan, malapit lang naman ito sa Hacienda ng aking lolo at lola ngunit ayaw kong mag lakad at iwan ang sasakyan ko dito. "Ang malas ko talaga" reklamo ko sa sarili, kakauwi ko lamang galing italya ay ito na agad ang nangyari sa akin, nagtungo muna ako kanina sa aking condo sa maynila bago magtungo dito sa Aurora upang may magagamit akong sasakyan. Bumaba ako upang humingi ng tulong. Nakita ko ang isang matipunong lalaki na nakatayo sa gilid ng kalsada. Sinuri ko ito mula ulo hanggang paa. mukhang mayaman ito, ngunit anong ginagawa nito sa gilid ng kalsada? tanong ko a aking isip. Napatingin ito sa direksyon ko. Ngumiti ako dito. first time na ginawa ko ito. hinding hindi ako ngumingiti o nakikipagkaibigan sa ibang tao dahil sa takot na baka iwan din nila ako, tulad sa nangyari sa aking mga magulang, nawala sila dahil sa isang aksidente, napaka sakit iyon sa akin. nawala rin ang matalik kong kaibigan na si Laura dahil sa sakit na cancer. ngayon ay takot na akong magkaroon ng ugnayan sa kahit na sinong tao. tinatarayan ko ang sino mang magtangkang kaibiganin ako. Wala akong makikitang emosyon sa mukha nito. Napaka suplado ng dating ng lalaki. "Aahhmm. hindi kasi umaandar ang sasakyan ko" sabi ko sa kanya habang naka ngiti. umaasa na tutulongan ng estranghero. Ngayon ko napagtanto na kaylangan kong maging mabuti sa kapwa nang masuklian din ako ng kabutihan mula sa kanila. Lord please, tulungan sana ako ng gwapong lalaking ito. kahit ngayon lang. Nanalangin ako. "Akin na ang susi ng sasakyan mo. titingnan natin kung anong problema" Malamig na Sabi nito. nakahinga ako ng maluwang ng sinabi niya ito. Sinunod ko kaagad ang sinabi nito. sinubukan nitong pa andarin ang sasakyan ngunit ayaw talagang umandar. may tinawagan itong tao gamit ang kanyang telepono. "mukhang naubusan ka yata ng baterya, may extra akong baterya sa aking sasakyan" sabi nito sa akin. Agad naman na dumating ang sasakyan nito. Isang kulay grey na sports car ang dumating. kung gayon ay mayaman ang lalaking ito. sabi ko sa aking isip. Agad nitong pinalitan ng baterya ang aking sasakyan. Sinubukan niya pa itong paandarin, at nang umadar ay lumabas na ito sa sasakyan. "Ok na. maaari mo nang gamitin" sabi nito at mabilis na tumalikod at sumakay sa sasakyan nito. hindi man lang nito hinintay ang pasasalamat ko. ang sungit niya. ano kayang pangalan non? ang gwapo. kilig na sabi ko sa aking sarili. Nang makarating ako sa mansyon ay agad akong sinalubong ng mga katulong. "Nasaan si lolo at lola" tanong ko sa kanila. "Nasa baler po senyorita" sagot ng isang katulong. agad akong nakaramdam ng lungkot nang marinig ang sinabi nito. Alam ng nina lolo at lola ang pagdating ko, ngunit hindi man lamang ako nila sinalubong at mas piniling unahin ang pag tungo sa baler. masama ang loob ko habang paakyat sa aking silid. Nang makapasok ay sinuri ko ang akong silid. walang nagbago kahit konti dito. kung ano ang itsura nito noong iniwan ko limang taon na ang nakakalipas ay ganoon padin at walang pinagbago. Bumaba upang magtungo sa paboritonkong lugar na ako, si ate loisa, ang aking mga magulang at si manang Lucia lamang ang nakakaalamn. pumunta ako sa likurang bahagi ng mansyon. dumikit ako sa dingding ng bakod at kinapa ang pintuan na puno na ng damo. at dahan dahang itinulak ang isang pinto. Nang mabuksan ito ay namangha ako ng makita ang klase klaseng wild flower na tumubo sa buong kalupaan. napaka ganda nitong tingnan. kung dati ay red roses lamang ang naka tanim sa buong kalupaan ngayon ay mga wild flower na. halatang napapabayaan na at walang nag aalaga, ngunit napaka ganda parin nitong tingnan. dahan dahang isinara ang pintoan. dahandahan akong naglakad patungo sa aking bahay kubo. wala na ang trace ng daan, napuno na ito ng mga halaman. Dumampi sa akin ang malamig na hangin, hindi masyadong mainit dito dahil puno ito nang naglalakihang puno. Ang lugar na ito ay napalibutan nang naglalakihan bakod, ginawa ito nang aking ama noong binata pa lamang siya. Malapad ang lugar na ito, meron din itong batis na makikita sa malapit sa kubo. dito ako palaging pumupunta kapag masama ang aking loob sa aking lolo at lola, palagi kasi nilang nakakalimutan ang kaarawan ko, minsan ay wala silang pakialam sa akin, tanging si ate Loisa lamang ang gusto nila. Dahan dahan akong umakyat sa kubo. wala parin itong pinag bago mula nang iniwan ko ito limang taon na ang nakaraan. una itong pinatayo nang aking ama, ngunit sa tagal ng panahon ay naging marupok na ito at di na pwedeng tirahan kayat pina ayos ko ito at pinalitan ang buong kubo bago ako umalis papuntang Italya. ngunit wala akong pinabago sa desenyo na gawa ng aking ama. sinuri ko ang loob ng kubo. puno ito ng alikabok at may mga lawa na mula sa gagamba. Napagdisisyunan kong linisan ang buong kubo. madali lang naman itong linisan dahil maliit lang ang kubo na ito. Sinimulan ko ang paglilinis sa sala ng kubo, naubo ako sa alikabok na nagkalat sa buong bahay. Ang matapos ako sa paglilinis ay nagtungo sa gilid nang batis. Hanggan dito sa tabi ng batis ay puno rin ng mga wild flowers. naupo ako sa malaki at malapad na bato at ipinikit ang akong mga mata. biglang sumagi sa aking isip ang mukha ng supladlong lalaki na tumulong sa akon kanina. ano kayang pangalan niya? tanong ko sa aking isip, gusto ko sanang makita ito ulit upang makapagpasalamat man lang ako dito. ngunit saan ko naman siya hahanapin? tanong ko sa aking isip. Ano ba yan? bakit ko ba iniisip ang lalaking iyon? reklamo ko sa sarili. malamang ay hindi nun tatanggapin ang aking pasasalamat dahil halata naman sa kanya ang pagiging mapag mataas. kalimutan ko nalang yun, at kung sakaling magkikita kami ulit ay malamang hindi ako papansinin ng lalaking iyon. pero in fairness ang gwapo niya. kinikilig na sabi ko sa aking sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD