Chapter 2

1239 Words
 ALEX "MR. HIDALGO!" masigla kong bati rito.  Si Mr. Hidalgo ay isa sa aking mga prospect investor. Nagpa-set ako ng appointment sa kaniyang sektarya upang magkaroon ako ng pagkakataong ipresenta sa kaniya ang aking proposal at maenganyo itong mag-invest sa aming kompanya. "I'm glad that you find some time to accommodate my request," turan ko rito. "So, formal." Mahina itong tumawa. "Of course, hija. Matagal na kaming magkaibigan ng tatay mo. Kaya paano naman kita tatanggihan," pabirong turan nito. I don't like the idea that he agrees to see me just because I'm the daughter of his friend. Pilit na lamang akong ngumiti at hindi na nagkumento sa huli nitong tinuran. "Then, shall we start?" pag-iiba ko sa paksa. "Of course," nakangiting turan nito bago nagpatiunang naglakad patungo sa mahabang lamesa na nasa may gilid nang malaki niyang opisina. "Have a seat," alok nito bago naunang naupo sa power seat habang ako naman ay mabilis na pumunta sa dulong bahagi ng lamesa. Matapos makalapit sa projector na nakahanda ay agad kong ikinabit iyon sa dala kong laptop at sinimulang i-flash doon ang aking powerpoint presentation. Nang maiayos ko na ang lahat ng aking kailangan ay humugot ako ng isang malalim na hininga. Saglit kong inayos ang suot kong itim na blazer at bahagyang sinuklay ang aking mahaba at kulot na buhok gamit ang aking mga daliri. Bagamat kinakabahan ay nagawa ko pa ring magsalita at umpisa ang aking presentasyon. Una kong ipinakita sa kaniya ang mga produkto ng aming kompaniya. "These are the products that we cater as of now—" Ngunit bago pa man ako matapos sa aking panimula ay agad niya akong pinutol. "I'm sorry, hija. I don't have much time. No need to tell me what products your company caters. I already know that," turan nito. Bakas naman na wala sa intensyon nito putulin ako. "Yes, yes, I understand, Mr. Hidalgo," turan ko. Halos nanginginig ang aking mga daliri habang pinipindot ang aking laptop upang dalhin patungo sa susunod na slide. "Then, shall I present to you our project proposal for our plan to penetrate the export market?" "Yes, please." Muli akong humugot ng isang malalim na hininga bago nagsimulang ipresenta ang aking ginawang proposal. Panaka-naka akong tumitigil sa pagsasalita upang bigyan ito ng pagkakataon na magbigay ng kaniyang opinyon ngunit nanatiling tahimik si Mr. Hidalgo. Kaya naman minabuti ko na lamang ipagpatuloy ang aking presentasyon. Makalipas ang halos labin-limang minuto ay natapos ko na ang lahat ng slides na mayroon ako sa aking powerpoint presentation. Pigil ko ang aking hininga habang hinihintay ang magiging reaksyon niya. "Hmmm..." umpisa nito na mas lalong nagpalakas sa aking kaba. "You're proposal is promising and has potential. I just had a bit of doubt when it comes to the product you choose to export," turan nito. "The products that I choose to initially introduce to our international market are highly profitable and have a lot of markets to cater to," depensa ko. "I choose?" ulit nito. Mukhang sa haba ng aking sinabi ay tanging iyon lamang ang kaniyang narinig. "Yes, I choose. Look, Mr. Hidalgo. I did a lot of research and put a lot of effort to make this proposal happen. I work hard for this," giit ko. "You did all of this by yourself?"  "Yes," maagap kong tugon. "Why, is there a problem?" usisa ko. "No, not at all," saad nito saka pilit na ngumiti. "By the way, I wonder if Klaus approved this proposal." "What does it have to do with Klaus?" mapakla kong turan. "As I said, the proposal is promising. But I'm a businessman, I moved with a calculated risk. The only reason I entertain your proposal is because I thought Klaus would be supervising it." Labis kong ikinagulat ang aking narinig. Hindi ko akalaing nakarating na rin pala sa kaniya ang balita tungkol sa pag-take over ni Klaus sa aming kompaniya. "I'm sorry to disappoint you, Mr. Hidalgo. But Klaus has no connection with our company," matapang kong sagot. Si Mr. Hidalgo naman ang saglit na natahimik. Marahan itong napailing bago bumuga ng isang malakas na hangin. "Pardon me with my unsolicited advice, Alexis. I believe you have great potential to be the next leader of Core International Corporation. But I don't think you are ready to take the position. You still have a lot of room for improvement. No offense meant, but I will only invest in your company if Klaus would be the one handling it," hingi nito ng paumanhin. "Have a little faith in me, Mr. Hidalgo," I told him desperately.  "I do, Alexis. I honestly do have faith in you. I saw you grow from the timid little girl into this fine strong independent woman. That's why I was so excited when I heard about you and Klaus working together. I firmly believe that you would learn a lot from him." "I don't need his help, Uncle Ross," I replied, dropping the formality. "As you said, I'm a strong independent woman. I don't need anybody's help. Especially coming from him." He chuckled, "That's the exact reason why I know that you still need to learn a lot of things. You see, hija. A strong woman is not the one who doesn't ask for help. They are the ones who are willing to let go of their pride and ask for help when they needed one." Bigla akong natigilan. Gusto kong sagutin ang kaniyang sinabi ngunit may bahagi ng aking utak ang sumasang-ayon sa kaniyang sinabi. All these years, I thought that my knowledge and efforts are enough for me to be worthy of that position. Marahang itinulak ni Uncle Ross ang kaniyang upuan sa humakbang papalapit sa akin. Nananatili akong nakatayo sa harap ng mahabang lamesa at tila walang lakas na igalaw ang aking katawan. "Don't be afraid to ask for help, hija. You'll be surprise to know about the things that you will learn from this experience," turan pa nito saka marahang tinapik ang aking balikat at akmang tatalikod. Ngunit bago pa ito tuluyang makalayo ay agad akong nagsalita. "Two months," saad ko dahilan upang matigilan si Uncle Ross sa paghakbang. Dahan-dahan itong umikot upang muli akong lingunin. "Two months?" ulit nito. "Yes, Uncle Ross. Give me another two months to fix my proposal. At kung hindi pa rin iyon papasa sa iyon, malugod kong tatanggapin." Humugot ito nang isang malalim na hininga bago sumagot. "Fine. I'm giving you two months to revise your proposal," wika nito. At bago pa ito tuluyang tumalikod ay may pahabol pa itong sinabi, "But please, take my advise." Napahilot na lamang ako sa aking sintido nang tuluyang nang makalabas si Uncle Ross ng kaniyang opisina. Ang buong akala ko ay magiging madali ang paghahanap ko ng investor. Lalo na't isa si Uncle Ross sa mga matalik na kaibigan ni Daddy. But I underestimated Klaus power over the business industry. Madikit pa lamang ang kaniyang pangalan sa aming kompanya at tila tiyak na agad ang aming pagbangon. Isa iyon marahil sa mga dahilan kung bakit pilit akong ipinagkakasundo ni Daddy sa kaniya. Wala naman sanang problema dahil bago pa nila iyon mapagdesisyonan ay matagal na kaming nakakapagpalagayan ng loob ni Klaus. Kung hindi nga lang dahil sana... Mabilis kong sinaway ang aking sarili. Hindi ito ang tamang panahon upang alalahanin ang nakaraan. Ang kailangan kong pag-isipan ngayon ay kung paano susolusyonan ang kinakaharap naming problema. Should I ask for his help? *********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD