Maaga akong tumayo kanina para maaga rin akong makapasok. Nang makaalis sila Parsha at Tristan kahapon ay ilang minuto lang sumunod rin si Liam dahil may urgent meeting raw ayon sa secretary niya. Gusto niya pa sana akong samahan sa unit pero ako na ang nagsabi sakaniyang kailanga siya a meeting na’yon. Pagpasok ko sa office, gano’n parin naman ang bungad. Busy ang team kahit maaga palang, maririnig mo ang tunog ng mga printer at paper crasher pagpasok mo palang kaya magugulat ka kapag tahimik ang buong department Unang hinanap ng mata ko si Parsha, hindi ko siya nakita sa cubicle niya pero naroon ang bag niya, baka bumili ng kape kasama si Tristan. Agad na akong naglakad papunta sa pwesto ko, at bago ako tuluyang makaupo ay napasin ko agad ang cup of coffee at maliit na box of blueberr

