Maaga kaming pumasok ni Parsha pa ra makapagprepare para sa board meeting mamaya. Ewan ko ba, Marketing Assistant lang naman ang ganap ko rito pero parang sakin lahat nakabase ng mga kailangan gawin. By 9:45 AM, nasa boardroom na kami kasama ang team namin from Marketing. Lahat busy parin sa pagre-review ng campaign deck, may inaayos sa projector, at may nakapagkape narin ng tatlong beses dahil sa niyerbos, si Tristan. “PR team’s on their way,” Kalmadong sabi ni Ms. Heidy at naupo. “And I was informed that Mr. Vezqua will be joining in fifteen.” saad pa nito. Tumango lang ako at sinubukang mag-focus sa laptop ko. Pero kahit anong gawin ko, hindi mawala ‘yung kaba sa dibdib ko. Ewan ko ba kung anong pumasok sa utak ng taong ‘yon, di ko mga rin ma gets mood niya, parang nung isang gabi

