Nang makarating kami sa bahay ay sinamahan ako ni Parsha na bumaba, habang si Tristan naman ay nasa sasakyan. Hindi pa man namin nararating ang pinto ay dinig nanamin ang sigawan ni Mama at Lilian. “E anong gagawin ko?! bakit kasi nag aya aya ka pa ng bisita alam mo namang wala tayong pera!” sigaw ni mama, at may biglang parang nabasag sa sahig. “Ikaw naman kasi! imbis makipagplastikan ka na muna kay ate para sakin hindi mo magawa!” sigaw ni Lilian. Napakuyom ako habang si Parsha naman ay hinawakan ako sa braso at tinapik tapik iyon. “E malay ko bang mag riribelde iyong mang mang na ‘yon! wala na ngang kwenta wala pang silbi!” sigaw ni mama. Nagulat ako ng biglang buksan ni Parsha ng malakas ang pinto at napahinto nama ang dalawa sa bangayan nila. Hinila lang ako ni Parsha, parang w

