3RD PERSON POV Isang buwan ang nakalipas mula ng ilibing si Rylan. Marami ang mga nangyari at nagbago pagkatapos ng pangyayaring iyon. Lahat ay nagulat sa biglaang pagkamatay ni Rylan. Galit na galit ang kanyang mga magulang at pati na rin ang mga magulang ni Rylan sa kanya. Halos isumpa sya ng mga ito, hindi lamang isang suntok at sampal ang nakuha nya ng magkita-kita sila sa libing ng asawa. Ang anak na si Ryden ay kinuha ng kanyang mga magulang at dinala sa britain para alagaan ito. Naiwan syang wasak na wasak. Hindi na nya alam kung anong nangyayari sa labas, pagkatapos kasi ng libing ay nagkulong na sya loob ng kanyang bahay. Hindi na sya nakain, natutulog. Sirang sira at sobrang gulo na ng kanyang bahay dahil sa araw at gabi-gabi nyang pag wawala. Higit sa lahat ng tao ay sya a

