Gisingin ang Puso Liezel Garcia Nadarama ko pa Ang iyong mga Halik na hindi ko mabura Madilim ang aking paligid, hindi ko alam kung saan nanggagaling ang musikang iyon. Sa isip at diwa, tila naririto ka pa Naririnig mo ba... mga patak ng aking luha Mahirap huminga at wala akong maaninag sa paligid ko. Mananatili nang sugatan ang damdamin sinta Sa bawat araw, bawat t***k ng puso Ikaw ang nasa isip ko 'Nasaan ba ako?, Patay na ba ako?', yan ang mga katanungan sa aking isip habang naglalakad ako sa isang madilim na lugar. Kahit saan ako tumingin ay purong kadiliman lamang ang aking nakikita, Ang musika ay pahina ng pahina sa aking pandinig kaya naman naisip ko na sundan ito. Napatakip ako ng mata dahil sa sobrang liwanag ng makarating ako sa dulo.

