RYLAN POV "W-Wala po akong sinasabing ganyan!!" sigaw naman ni Adrian at umiyak pa ng malakas habang itinatanggi ang sinabi ng anak ko. "Ma'am, tunay po ang sinasabi ng anak ko kita nyo po ba ang mga galos at pasa ng anak ko dahil sa batang yan!!" nagwawalang pahayag pa ni Mrs. Ramirez habang pilit ipinagtatanggol ang anak. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Dylan sa bewang ko ng marinig ang turan ng aming anak alam kong galit ito at pilit lang kinakalma ang sarili nya. Kahit ako ay di makapaniwala na may mga taong ganito hindi na ako nagtataka kung bakit ganyan si Adrian kung ganyan ba namang klaseng tao ang magulang nya ay kanino pa nga ba sya matututo at gagaya. "Mrs. Garcia ang totoo po nyan ay may napapansin akong kakaiba sa kilos ng aking anak, akala ko lang po noon ay kay

