Chapter 4

1863 Words
"Pa, magpalit ka na po ng bedsheet nyo" "Eh." gulat kong reaksyon dahil sa sinabi ng anak ko habang kumakain sya ng agahan dito sa kusina. Wala pa si Dylan dito ngayon dahil bumalik sya sa kwarto para kunin yung naiwan nya. "Nak, bakit naman?" naguguluhang tanong ko pa dito at napatigil ako sa ginagawa. "Kasi po mapula ang leeg nyo kagat po siguro yan ng surot" kunot kilay pang sagot nito sabay turo sa leeg ko. Dahil naman sa sinabi nya napatakip agad ako sa leeg ko. 'Gagong Dylan yan!! sya may gawa nito kagabi eh', inis na sabi ko pa sa isip ko at napahawak din ako sa balakang ko dahil ramdam ko parin ang sakit dito. "Hehe Sige anak, papaltan ko mamaya ang bedsheet" sabi ko na lang sabay pilit na tawa. Sinabihan ko din ito na wag na sya mag alala pa dahil ako na ang bahala doon. Napabuntong hininga naman ako dahil sa pangyayari, buti na lang at Sabado ngayon at walang pasok si Ryden kung nagkataong meron ay talagang nakakahiya na pumunta sa school na may bug repellant (Term ni Dylan sa love bite ) sa leeg. "Mahal ko, Nandito na ako~" bulong pa ni Dylan sa tenga ko habang nakayakap sakin. Napangiwi naman ako at siniko sya sa tiyan. "Arayy naman Mahal ko, Bakit?" ito habang nakahawak sa tiyan nya. Hindi ko sya sinagot at tinuro na lang ang leeg ko kita ko naman na napangisi sya at napakamot sa batok dahil sa hiya. "Hehe Sorry, Ry ko" "Sige na Dylan, umupo kana at kumain." sabay abot ng platong may laman na sinangag, tapa at itlog = Tapsilog. "Salamat, Ry ko" sagot pa naman nito. Tinapos ko naman ang paghahanda ng baon nya at umupo na ako sa tapat nya para makapag agahan na rin. Makalipas ng ilang minuto at natapos na kaming kumain ay ginawa ko na ang lagi kong ginagawa. Ibigay ang baon ni Dylan, goodbye kiss at ipag bukas sya ng gate sa garahe. Kumaway pa ako habang sinusundan ng tingin ang pag alis ng kotse nya. Pumasok ako pabalik sa bahay at nadatnan na tapos na rin palang kumain si deden kaya naglinis na ako ng kusina. Si deden naman ay abalang nanunuod ng Cartoons sa sala. Nang maipatas ko na lahat ng mga hinugasan kong plato ay nagtungo ako sa ref para tingnan kung sapat pa ang laman nito sanay ako na Linggo naggo-grocery pero sabi ni Dylan ay bonding time daw namin bukas kaya di ko na iyon magagawa pa. Napailing na lang ako dahil sa iniisip ko, nagulat naman ako ng biglang narinig ang doorbell. Ding!!! Dong!!! Mabilis akong lumabas at nakitang nakatayo si ate prezy sa labas ng gate. Si ate Prezy ay yung labandera na tinutukoy ko, pag weekend lamang syang pumupunta dito para maglaba at maglinis ng bahay ng kaunti. "Ate, pasok po kayo," atsaka ko nilakihan ang pagkakabukas ng gate para makapasok ito. "Salamat po, Sir." Ito at sinagot ko na lang ng ngiti. Nang makabalik ako sa loob ng bahay ay nadaanan ko si deden na prenteng nakaupo sa sofa. Dahil sa pagdating ni ate ay bigla akong may naisip na ideya. "Nak, may sasabihin ako sayo" sabi ko pa dito sabay upo sa tabi nito. "Ano po yun Papa?" tanong nito na mababakas sa mukha ang pagiging interesado. "Sabi di ba ni Daddy ay magbobonding tayo bukas?" "Ibig sabihin noon ay hindi ako makakapag-grocery bukas, gusto mo bang sumamang sa supermarket sakin ngayon para mag-grocery?" tanong ko pa dito. Ayaw ko kasi syang iwan dito sa bahay. Buti na lang at dumating si ate Prezy, medyo matagal na rin naman samin ito halos isang taon na rin kaya may tiwala na ako dito para bantayan ang bahay. "Opo!!" masiglang sigaw pa nito sakin kaya napangiti ako. 'Buti na lang laging Game ang anak ko' Mabilis ko itong binihisan at nag ayos na rin ako ng aking sarili. Nang makababa ako ay nakasalubong ko si ate kaya ibinilin ko na sa kanya ang bahay . "Ate Prezy, ikaw na po ang bahala sa bahay aalis lang kami ni deden" "Opo sir," sagot nito kaya naman nagpunta na kami ni deden sa garahe para makaalis. Makalipas ang kalahating oras ay nakarating na rin kami sa supermarket. "Nak, ako na bahala dyan." sabay hawak sa cart. "Papa, gusto ko pong ako ang magtulak," makulit na sabi pa nito kaya napangiti ako at nakurot ko ang pisngi nito dahil sa panggi-gigil. 'Kyut talaga ng anak ko' "Pero anak hindi mo nga abot ang hawakan eh," sabi ko pa dito para inisin sya. Nakita ko naman na kumunot ang kilay nito at nagpalabi. Napabuntong hininga naman ako dahil sa kakulitan nya. Tiningnan pa nya ako ng parang nagpapa-awa kaya naman napa-payag nya ako. "Sya sige na, pero pagmabigat na ay ako na ang bahala," turan ko na lang sa kanya. Tumango naman ito ng sunod-sunod at masayang sumigaw. "Yehey!!" sigaw pa nito sabay tulak sa Cart. Nandito na kami sa Supermarket at handa ng bumili ng mga kailangan. Inilabas ko ang papel na listahan mula sa aking bulsa. "Buti na lang at hindi ganun kadami ang kailangan nating bilhin," sabi ko pa sa anak ko na nasa aking tabi. Palinga- linga pa ito sa paligid at tinitingnan ang mga pagkain na aming nadadaanan. Sabi sa listahan ko ay kailangan daw namin ng bacon kaya nagtungo muna kami sa lugar kung san nakukuha iyon. Dahil maliit pa si deden ay nahihirapan niyang iliko ang cart kaya tinutulungan ko pa ito. Nang makakuha kami ng bacon ay nagpunta naman kami sa sunod na kailangang bilhin. Makalipas ng ilang minutong paglilibot sa loob ng supermarket ay halos nabili na namin lahat ng kailangan. "Nak, ako na ang magtutulak ng cart mabigat na kasi" "Okay po, Papa!" masiglang sagot nito at sinamahan pa nya ng tango kaya naman napangiti ako.'Bibong bata talaga ang anak ko' Makalipas ng ilang minutong paglilibot sa loob ng supermarket ay halos nabili na namin lahat ng kailangan, maliban na lamang sa Nutella na poborito ng mag-ama ko. Palinga-linga ako sa paligid at hinahanap kung saan nga bang aisles ito nakalagay. Si deden naman ay nasa tabi ko lang ..... 'T-Teka?? Saan na yun?' tanong ko pa sa aking sarili habang hinahanap sya. Bigla na namang nawala ang batang iyon saglit lang itong nawala sa paningin ko ay naglaho na agad. Iniwan ko muna sa isang tabi ang cart para mahanap syabaka mamaya ay madala pa yun ng mga nangunguha ng bata. Mabilis ang naging pagtakbo ko para hanapin ito, linga dito, linga doon ang ginawa ko, nag tanong na rin ako sa mga nakakasalubong kong mga mamimili rin. "A-Ate may nakita po ba kayong bata?" natataranta ko pang tanong dito. "Sorry po, pero wala eh." kaya tatakbo na sana ako sa entrance para magtanong sa guards ng bigla akong nakarinig ng sigaw.. "Ahhh Arayy ko!!!" Bigla akong napalingon sa dereksyon ng sigaw at mabilis na tumakbo papunta doon. Naabutan ko ang isang lalaki na hawak ang kanyang paa at halatang nasaktan. Nagkalat din sa paligid ang mga bote ng Nutella. 'Mukhang yun ang nahulog sa paa nya, masakit nga iyon.' napapangiwi ko pang sabi saking isipan. Lalapitan ko na sana ito para tanungin kung anong nangyari ng bigla na mang lumabas si deden mula sa likuran nito. "Papa!!" sigaw pa nya sabay yakap sa binti ko. "Teka, ano bang nangyari?" naguguluhang tanong ko pa sa kanila. Humarap ang lalaki sakin saka sumagot. "Ah umakyat kasi ang anak mo sa estante kaya naglaglagan ang mga paninda. Pati paa ko nalaglagan huhu." parang batang sabi pa nito sakin. Pansin ko rin ang pamamasa ng mata nya na parang kaunti na lang ay iiyak na ito. "G-Ganun ba, ako na po ang humihingi ng pasensya sa ginawa ng anak ko, Sorry po talaga hindi nya sinasadya," magalang na paghingi ko ng pasensya dito. Napakamot naman ito sa batok nya at matipid na ngumiti bago nagsalita. "Okay lang yun, Cute naman sya siguro paborito din nya si elsa at barney," natatawa na nitong sabi sabay turo kay deden. Hindi ko naman alam ang isasagot ko kaya ngumiti na lamang ako. "Oo nga pala Deden, magsorry ka ng maayos kay..." ah di ko matuloy ang sasabihin ko di ko kasi alam ang pangalan nya. "Ike Luis Hermano," sagot naman nito kaya napatango ako. "Deden, magsorry ka kay kuya Ike." utos ko pa sa anak ko habang yakap-yakap nito ang isang boteng nutella. "S-Sorry po, kuya Ike," nahihiyang turan naman ng anak ko. Yumuko naman si ike para magpantay ang tangkad nila, ngumiti ito at ginulo ang buhok ng anak ko. "Wala yun baby napakacute mo talaga, na-aalala ko sayo ang pamangkin kong si Eric," sabi pa nito bago tumayo ng maayos. "Pasensya na di agad kami nakapagpakilala, ako si Rylan at eto naman ang anak kong si Ryden" Magiliw naman itong kumaway at binati kami pabalik. "Hm, masakit pa ba ang paa mo?gusto mo bang samahan ka namin sa clinic?" tanong ko pa dito. Medyo malaking bote kasi ang nahulog sa paa nya baka pumaga ito. "Naku hindi na, Okay na ako atsaka hindi na rin naman masakit" Habang nag uusap kami ay hindi ko mapigilang mapangiti para kasing bata ang kausap ko eh. 'Hmm.. Baka gusto din nya ng dessert' "Ike, gusto mo ba ng desserts? compensation manlang sa nagawa ng anak ko." alok ko pa sa kanya Mukhang nagustuhan naman nito ang ideya dahil sa biglang pagkislap ng mga mata nito. "Desserts? gusto ko yan!!" Napatango naman ako at sinabing pwedeng pakihintay kami ng kaunti dahil babayaran pa namin ang mga pinamili . "Sige, hintayin ko kayo sa labas ng supermarket" sagot pa nito at kumaway. "Nagustuhan mo ba?" tanong ko pa may Ike habang tinitikman nya ang Black forest graham cake na galing sa shop ko. "Oo!! super sarap nito, The best!!" mahanghang sabi pa nito habang nakangit ng malapad sakin. "Buti nagustuhan mo" "Oo naman, sasabihin ko sa kakambal ko at kay mama na bumili lagi ng dessert dito," masigla na nyang sabi. "Talaga, maraming salamat" "Teka, iyo bang shop ito?" takang tanong pa nya kaya tumango ako bilang sagot. Napa-Wow naman sya at bakas talaga sa mukha nya ang pagkagulat kaya di ko napigilang mapatawa dahil sa kyut na reaksyon nito. 'Haha para syang ka-edad lang ni deden kung umasta' "Lyn, bigyan mo nga ako ng isang box na brownies at macaroon." utos ko kay Lyn habang nasa labas ako ng shop. "Ah eto Rylan." Si lyn sabay abot sakin ang mga hinihingi ko. "Ike, ito pa oh" "Babayaran ko ba ito? Rylan," inosente pa nyang tanong. Napakagat labi naman ako para di mapangiti.'Ang kyut talaga nito' "Hindi na libre lahat yan," sagot ko naman sa kanya. Binigyan ko din ng tubig ang aking anak na nakaupo sa tabi ko. "Talaga!! salamat talaga Rylan!" sigaw nito at nagulat pa ako ng bigla syang yumakap sakin. Marahan ko namang hinaplos ang likod nito at tinapik ng kaunti para sabihing okay lang. 'Hehe baka may makakita pa samin at sabihin pa kay Dylan na may kayakapan pa akong lalaki sa mall, naku patay ako dun' Nang maka agwat na ito sakin ay binigyan nya ako ng isang matamis na ngiti, tapos napatalon pa sya sa gulat ng biglang magring ang CP nya. Krinnnnggg!!! Mabilis nyang kinuha ang CP sa bulsa at sinagot ito. "Opo mama, pauwi na po ako" "Sige po, babye love you!!!" Rinig ko pang pag uusap nila at humarap ito sakin ng maibaba na nya ang tawag. "Rylan salamat talaga dito ah, aalis na ako" pagpapaalam pa nito. Lumapit pa ito kay deden at nakipag apir. "Sige Ike, babye din ingat ka." ako atsaka kinawayan sya habang paalis ito. Bago pa ito makalayo ay narinig ko pa itong sumigaw ng... "Sana magkita ulit tayo, Rylan!!!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD