Chapter 2

1728 Words
"Hey buddy, wag kang matulog dito, kailangan mo ng kumain" Rinig kong sabi pa ni Dylan. Kita ko pa habang inaalog nito ang balikat ng anak namin na nakaupo sa harap ng mesa para mag agahan. Si Dylan naman ay naka-apron habang gumagawa ng fruit juice. Ako naman ay nagluluto ng Chocoberry pancake at naghahanda ng baon nila. 'Hays, mukhang napasobra na naman ang pagvivideo game ng batang yan kaya laging kulang sa tulog' isip-isip ko pa habang napapailing. Ilang beses ko ng sinabi kay Dylan na wag bilhan ng bilhan ng game si deden dahil baka ma-aaddict ito pero away nyang makinig sakin kaya ayan ang resulta. Tsk tsk!! "Dylan ako na bahala dito, kumain ka na at baka ma-late ka pa sa trabaho" sabi ko pa sa kanya at tinulungan itong tanggalin ang apron na suot. Umupo naman ito sa harap ng mesa at ipinaghanda ko na ito ng pagkain nya habang sinusubuan naman nya ako. Mula ng ikasal kami ni Dylan ay pinilit nyang matutong magluto para matulungan ako sa kusina. Natutuwa naman ako dahil super effort nya para lang iparamdam na gagawin nya lahat para sakin. Kahit sobra kong busy dahil sa negosyo, kay deden at sa bahay ay okay lang sakin, Basta ang mahalaga ay nagagampanan ko naman ng maayos lahat ang aking dapat gawin. Sobra ang pag ta-time management ko para lang magawa ko ang lahat, may schedule na nga rin ang dapat kong gawin sa isang linggo. Napapabuntong hininga na lang ako pag iniisip ko iyon pero kahit gaano ako kapagod ay makita ko lang na masaya ang aking anak at asawa ay nawawalang parang bula lahat ng pagod ko. Pagkalipas ng ilang sandali ay natapos nang kumain si Dylan kaya naman inihatid ko muna ito sa garahe para ipagbukas ng gate at ibigay ang baon nya. "Bye, Mahal ko, Dalhan ko kayo ulit ng pasalubong mamaya" sabi pa ni Dylan sabay halik sakin. "Babye din Dylan, Mag iingat ka lagi" sagot ko naman sa kanya. Kumaway pa ako habang pinagmamasdan ang pag alis ng kotseng kanyang sinasakyan. Pagbalik ko sa loob ng bahay ay tapos na si deden kumain kaya naman binihisan ko na ito at inayos ang mga dadalhin sa school. ------------------------- "Bye anak, susunduin kita mamaya" "Bye Papa!!" masiglang sigaw pa ng anak ko sabay takbo papasok sa room nya. Napangiti naman ako habang tinitingnan si deden na makipaglaro sa mga kaklase nya. Nang tumingin ulit ito sa dereksyon ko habang nakangisi ay kinawayan ko ito. "Uii!! Saya mo ah" "Ahh" napasigaw ako sa gulat dahil sa lokang babae na sumundot sa tagiliran ko. "Syempre naman lily, makita ko lang na masaya ang anak ko ay masaya na rin ako" "Haha I feel you Cutiee" sagot naman nya habang nakatingin sa anak na si Bryce. Magkaedad lamang sina Ryden at Bryce kaya nga magkaklase sila at magbestfriend din. "Pano lily, mauuna na ako kelangan ko pang pumunta sa mall para bisitahan ang shop dun" pamaalam ko pa sa kanya. "Sige lang, iba na talaga ang mga asensado" sabi pa nito habang tumatawa at may kasamang pang aasar. "Punta ka mamaya sa bahay!!, pag di ka busy" rinig ko pang pahabol na sigaw ni Lily. Napailing na lang ako sa kanya at naglakad na papunta sa parking lot ng school para sumakay sa kotseng dala ko kanina, mula ng ikasal kami ni Dylan ay tinuruan na nya akong magdrive ng motor muna para sana hindi ko na daw kailangan na magcommunte pag nagdedeliver. Tapos tinuruan na rin nya ako ng magdrive ng kotse nitong nakaraang taon lang para daw sa paghahatid ko kay deden kapag pumasok na ito sa school. Bale dalawa na ang kotse sa garahe namin ngayon, bumili pa kasi si Dylan ng isa para sakin. At masasabi kong napakagandang ideya talaga nun dahil hindi na ako nahihirapang magcommunte kapag may kailangan akong puntahan. Makalipas ng ilang minutong pagdadrive pa punta sa mall ay nakarating na rin ako. Pumunta ako sa second floor ng mall kung nasaan ang maliit naming shop na may tindang mga dessert tulad ng: Cupcake, brownies , macaroons , cookies at iba't ibang flavor ng graham Cakes. Gusto sana na lagyan din ito ng mga table para sana pwede na rin itong dining pero medyo busy pa ako sa iba pang bagay kaya di ko ito magawa. "Kayo po pala sir Rylan" magalang na sabi ni lyn. Sya ang crew ko dito sa shop. "Haha ikaw talaga lyn, Rylan na lang" nakangiti ko pang sabi dito kaya napansin kong namula pa ang pisngi nito. "A-Ah Okay Rylan" nahihiyang sagot nito. Bago ko lang kasing Crew ito si Lyn, Umalis kasi yung dati dahil manganganak. "Hm, musta ang stock?" tanong ko pa habang tinitingnan ang mga freezer a glass shelves. "Ah ito po ang listahan ng mga ubus na dessert" sagot naman nito sabay abot sakin ng isang papel. Habang tinitingnan ko ng mabuti ang papel ay ramdam kong nakatingin ito sakin kaya bigla akong lumingon at nahuli ko syang nakatitig sakin. Tumaas ang kilay ko bago nagsalita. "Haha may dumi ba ang mukha ko lyn? " natatawa ko pang tanong, baka kasi di ko lang alam eh may dungis na pala ang mukha ko. "W-Wala po sir --Ah Rylan" gulat na sagot pa nito sabay yuko dahil hindi nya inaasahan na kita ko ang pagtitig nya. "Ganun ba, sure ka?" pag kukumpirma ko pa. "Ang cute nyo po kasi" rinig ko pang bulong nito bago tumalikod sakin kaya napangiti ako. 'Haha Cute pala ako ah' "Okay, Salamat lyn, babalik na lang ako next week" sabi ko pa dito nang macheck ko na kung ano pang kulang at kailangan dito. Kahit busy ako ay mas gusto ko kung hands on ako sa negosyo at lalo na sa anak ko. Matagal na akong sinabihan ni Dylan noon na kumuha ng yaya para may deden pero ayaw ko, dahil anak ko si deden kaya dapat ako nag aalaga sa kanya at hindi ang ibang tao. Medyo nahihirapan na ako sa paglilinis ng bahay at paglalaba kaya pag weekend ay may dumadating na labandera sa bahay para linisin ang bahay at maglaba. . . . . Ding !!!   Dong !!! " Oh Cutiee, baby deden!! buti na ka punta kayo" Magiliw na sa sabi pa ni Lily ng makita nya kami sa labas ng bahay nila. Ngumiti naman ako at pumasok ng buksan nya ng maluwag ang pinto ng bahay nila habang hawak hawak si deden sa kaliwang kamay. 3:00 pm na ng hapon at kanina ko pang nasundo si deden sa school, half day lang naman ang pasok ng kindergarten. Nang makapasok kami ay sumalubong kaagad samin ang anak ni lily na si Bryce, tahimik na bata ito kaugaling kaugali ng amang si Brandon. Buti na lang dahil hindi ito nagmana kay lily, kundi baka kasing ingay din nya ito. "Hello po Tito Rylan" nahihiya pang sabi nito. Binati ko naman ito babalik. "Pa, maglalaro lang po kami ni Bryce!!" malakas na sigaw naman ni deden sabay hawak sa kamay ni Bryce. Masaya naman akong tumango bilang sagot, ngumiti naman silang dalawa at nagtatakbo na para maglaro. Ako naman ay umupo sa sofa habang inililibot ko ang aking patingin sa buong paligid habang naghahanda naman ng meryenda si lily sa kusina nila. Hm, Nang magpakasal sina Lily at Brandon ay bumukod na sila ng tirahan, pero dahil ayaw ni lily na mapalayo sa ina at kay Gab ay pinili nilang tumira pa rin dito sa subdivision. Nakakatawa mang isipin pero ang bahay na binili nila ay katapat lamang ng bahay na pink ng kanyang ina. Ito namang bagong bahay nila ay pinapinturahan nya ng light violet, sunod sa paborito nyang kulay. "Buti at napunta ka, alam ko busy ka ngayon" sabi ni Lily sabay patong ng meryendang dala sa center table. " Oo nga eh, buti na lang at magaling yung bago kong crew sa shop, pagdating ko dun ay nakasulat na lahat ng kulang at kailangan" sagot ko naman. "Buti at nakahanap ka ng maayos na crew", Sabi ni lily sabay upo sa tabi ko. Tumango naman ako bilang pagsang ayon sa kanya. "Hayss, Na-aalala ko pa yung panahon na lagi tayong nakakapagbonding " natatawa pangsabi nito habang nagbabalik tanaw. "Tunay, namiss ko nga din yun lily lalo na yung panahon na libangan ko lamang ang paggawa ng dessert, parang di parin ako makapaniwala na halos 9 na taon na ang nakalipas mula ng lumuwas ako dito sa maynila" Napapailing pa ako habang na-aalala ang nakaraan. Minsan nagigising ako isang araw na di pa rin ako makapaniwala na ganito na ang buhay ko, nung una akong pumunta dito sa maynila ay nagbabakasakali lamang na makahanap ng trabaho. Yun lamang ang hiniling ko kay God noon, pero mas malaki ang ipinag kaloob nya sakin. Nagkaroon ako ng Gwapo, napakabait at mapagmahal na asawa at syempre ang aking anak. Wala na akong ihihiling pa dahil pakiramdam ko ay sobra-sobra na ang aking mga natanggap na biyaya. At dahil din sa negosyo namin na ipinagkaloob din ni God ay napagawa na rin ang bahay ng pamilya ko sa probinsya, nabili na rin namin ang lupang tinitirikan ng bahay doon. Nabigyan ko na rin si Nanay ng pera pang simula ng isang tindahan para naman may dadagdag silang kita doon. Pagkatapos ng senti-mode namin ni Lily ay nagkwentuhan pa kami ng ibang bagay. Ang mga bata naman ay nag iingay habang naglalaro, kahit ang tahimik at mahiyain na si Bryce ay napapasigaw sa pakikipag habulan may deden. Habang nagkakatuwaan pa kami ay napatingin ako sa orasan. 'Oh, hapon na rin pala kailangan na naming umuwi parating na si Dylan mamaya' "Ay Lily, kailangan na naming um--" Ding !! Dong!!! Napatigil ako sa pagsasalita ng biglang tumunog yung doorbell kaya nagkatinginan naman kami ni lily sa isa't isa. "Buksan ko lang ah" si lily sabay alis papunta sa pinto. Tumango naman ako sa kanya at nagulat naman ako ng biglang tumakbo palapit sakin si deden. "Papa, pauwi na ba tayo?" tanong pa nito sabay hawak sa kamay ko. Napangiti naman ako dahil sa kakulitan nya. "Oo, pauwi na kasi si Da--" "Mahal ko, Buddy!! " malakas na sigaw na nakapagpatigil sa pagsasalita ko. Mabilis namang tumakbo si deden palapit sa Daddy nya. "Namiss mo si Daddy?" "Opo!! super po!" Rinig ko pang usapan nila habang buhat-buhat ni Dylan ang anak namin. "Pano Lily, mauuna na kami ah, salamat sa pagpapatuloy mo samin," pagpapaalam ko pa kay lily at sinagot naman nya ako ng tango. "Naku, walang problema yun Cutiee welcome kayo lagi dito," sabi pa nito. Ngumiti naman ako at nagpasalamat sa kanya. Kumaway pa ako at humalik sa pisngi ni Bryce bago umalis. Nang makalapit ako sa kinatatayuan ni Dylan at deden ay bumulong pa ito sa tenga ko. "Mahal kong Asawa, uwi na tayo sa bahay natin"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD