NAGLULUTO ng agahan si hera nang biglang makarinig sya ng malakas na sigaw ni Rafael ang kanyang anak,napatakbo sya sa kinaroroonan nito,
"bakit anak"?agad na bungad nya
mommy"gising na po sya,"anito na tinuturo ang kinahihigaan nang pasyente nya,
napabuntong hinginga sya akala nya Kung napano na ito,lagi kasi itong nakabantay sa kwarto na kinahihigaan ng lalaki,gusto kasi nitong magising na ang lalaki at para May kalaro na raw ito,naawa sya sa anak Kung hindi sana sya napunta sa ganitong sitwasyon May normal na buhay sana ito,nag aaral at nakikipaglaro sa ibang bata,pero ngayon kailangan nyang itago sa sariling ama nito,
mommy"nakikinig kapo ba?sabe ko gising na po sya,"anito na kinalabit pa ako,hindi ko pinapansin ang sinabe nito dahil lagi nalang nitong sinasabe na gising naraw ang pasyente nya,pero sa tuwina ay hindi naman,
ok"wait lang po,"aniya bago kumuha ng gloves at isinuot pagkatapos ay lumapit sya sa kinaroronan ng lalaki pero nanlaki ang mga mata nya nang makita na gising na nga ito,
nilapitan nya ito at sinuri, OK naman ang mga vital sign nito,nakita nyang lumapit din ang anak nya,
hello po"ako po si Rafael,"ito naman ang mommy hera ko"turo ni Rafael sa akin,"sino po kayo?
nasaan ako?sino ako"?mahinang tanong nito na naguguluhan,
mommy"hindi nya alam ang pangalan nya"turan ni Rafael,
napangiti naman ako sa anak ko,napa inosente talaga nito,"hayaan mo baby ako na muna kakausap sa Kanya ha"tumango naman ito,
nandito ka sa bahay at nakita ka nang anak ko sa pangpang na walang malay at dinala ka namin dito at ginamot,"ako pala si doctora Hera castro at ito ang anak ko si Rafael,"aniya
naalala mo ba ang nangyari sayo?at ang pangalan mo?tanong nya dito
umiling iling lang ito,pagkatapos lumingon lingon at hinawakan ang ulo na sa palagay ko ay pilit inaalala ang mga bagay na hindi na nito maalala pa,
arghhhh"sigaw nito,hawak ang ulo,
ang sakit"bakit wala akong maalala Kung sino ako?anito na namimilipit,
"wag MO munang pilipitin ang sarili mo mag pahinga kana lang muna,"at kusa rin magbalik ang mga alala mo,"aniya dito,
tahimik naman itong tumango at pagkatapos ay tumingin ito sa anak ko at ngumiti,bago pumikit at natulog,
mommy"matutulog nanaman sya ulit?diba kagigising nya lang po?inosenting tanong ni Rafael,
Oo anak"kailangan nyang magpahinga para bumalik ang lakas nya,diba gusto mo syang makalaro kaya hayaan mo muna syang magkapagpahinga ha"tara na samahan mo ang mommy sa kusina at tulungan mo akong magluto ok,"yaya nya sa anak,baka mananatili ito sa silid at gisingin ang lalaki,
TANNER
bro"night out naman tayo,"lagi ka nalang nag mokmok dito sa opisina mo,"yaya ni Mark ang barkada nya,
Oo nga bro"maraming mga magagandang chiks sa bar na pag mamay ari ni chris,"turan naman ni Dennis
sure"libre ko lang yon sayo bro"kahit ilan pa,"anito na napahalakhak
umalis na nga lang kayo Kung wala rin naman kayong maitutulong,"pikon na sabe nya
hanggang ngayon ba hindi mo parin sya nakalimutan?ilang taon nang nawawala si phoenix bro at hanggang ngayon umaasa kaparin ba? inis na turan ni Mark,
bro"matagal na syang patay at baka pinag pyestahan na sya nang mga pating sa karagatan,"anito
bro"tama na"awat nina Dennis at chris sa Kanya,dahil Kung hindi baka mapatay nya na ito,pinagsusuntok nya ang mukha ni Mark dahil sa sinabi nito at di nya matanggap iyon,
umalis na kayo,"kapag kuwan wika nya na nakatalikod sa mga ito,ayaw nyang makita nang mga ito ang lungkot at takot sa mukha nya dahil sa sinabe ni Mark sa Kanya Kanina,
I'm sorry bro"turan ni Mark,
bro,"gusto lang naman namin na,bumalik ang dating ikaw na masayahin at na mimiss na namin ang kaibigan namin, bro"Anito bago nagpaalam sa Kanya ang mga ito,
nasaan kanaba phoenix,?ilang taon na akong nangungulila sayo,"ang sakit sakit
bakit" bakit diko Man lang nasabe sayo Kung gaano kita ka mahal,"please bumalik kana,handa Kung ipagpalit ang lahat nang kayamanang ito basta bumalik ka lang,"hinagpis nya,
ANONG balita sa paghahanap nyo sa anak ko?tanong nang don sa mga tauhan nya, "apat na taon na ang lumipas mula nang bumagsak ang eroplanong sinasakyan nang anak ko at hanggang ngayon ay hindi nyo parin sya nakikita?sayang lang ang malaking salapi ang ibinayad ko sa inyo mga tonto, "galit na bulyaw nya,
magsilayas kayo,at wag kayong bumalik dito hanggat di nyo nakikita ang anak ko,'"aniya
Papa "sinabe ko naman sa inyo na wag nyo nang hanapin ang bastardong iyon,"turan ni minerva nasa likuran pala ito,
tumigil ka minerva,"wag kang mangialam sa disisyon ko,yang asawa mo ang pagtuunan mo nang pansin at kung ano ano ang mga mga kalukuhang ginagawa,"aniya sa anak,nagtitimpi lang sya dito,
lolo Dad"wag napo kayo galit",turan ng maglilimang taon na apo nya si delvarah,ito lang ang nagpapalakas ng loob nya ngayon,sa pag alala sa nawawalang anak,
hindi hija"hindi galit Ang lolo,"halika ka nga rito at Gusto nang lolo mayakap ang prinsisa"lambing nya dito,
hmmmm"ang bango naman nang prinsisa namin,"napapangiti ako nang humagikhik ito,
senior telepono po"turan nang kasambahay,
sino daw"tanong nya na nanatiling kalaro ang apo, si minerva naman ay lumabas na ng silid,
babae po"at kilala nyo raw po siya,"turan nito,
hello"
hello senior si hera po ito,"tinanong ko lang po Kung dadalo po ba kayo sa kasal ko,?masayang turan nito,pero bakas parin Ang lungkot sa boses nito,kung hindi nya Lang alam ang buong katotohanan ay baka iisipin nya na masaya ito ngayon,.
Oo hija"dadalo ako"sa makalawa na yun diba? tanong nya dito
opo,napag usapan narin namin ni Phi na malalapit lang na kaibigan at kamag anak lang ang iimbitahan,,"turan nito,hindi nya pa na meet at nakita Ang sinasabe nitong phi,pero sa kwento nito ay mukhang mabuting tao ito,at Kung doon ito masaya ay susuportahan nya ito,
sige po salamat,"nagpaalam narin ito sa kabilang linya,
nalulungkot ako para sa anak mo herman,gabayan mo sana sya,piping hiling nya sa yumaong kaibigan at tauhan na si herman castro,
SAMANTALANG masaya si phoenix nakipag laro sa anak nya,nagsasabuyan sila nang tubig sa dagat,niyaya nya ito at sinabing maliligo sila,
"Papa phi"totoo po bang ikakasal na kayo ni mommy"tanong ng binatilyong si Rafael,
Oo anak"bakit parang ayaw mong maniwala?nakangiting wika nya dito,
e kasi parang panaginip lang na totoong maging Papa na talaga kita"masayang masaya po talaga ako,"anito
Oo anak"masaya din ako,"sagot nya. kung alam mo lang ang totoo Rafael hindi ko alam Kung maging masaya kapa kaya?aniya sa sarili na malungkot na pinagmasdan ang anak,
to be continued.....