Kabanata 12 [Alexa] Naupo ako sa damuhan katabi ni Kyle. Hinaplos ko ang nakangiting imahe niya na nasa isang frame na may kulay silver sa gilid. Sumisikip na naman ang dibdib ko. Parang may matagal ng sugat sa puso ko ang masakit hanggang ngayon at unti unting bumabalik ang hapdi mula noong unang araw na nagmarka ito sa buong pagkatao ko. Hinalikan ko ang frame habang pinipigilan ang mga luhang pilit na lumalandas sa mga mata ko. Oo frame lang siya. He died from brain cancer. Hindi ko kaagad nalaman na may sakit siya dahil hindi niya pinaalam sa akin. I was so angry when I knew about it dahil mukhang ako lang ang nag-iisang walang kamuwang muwang sa kalagayan niya. Baka nga nalaman ko na lang na patay na siya kung hindi pa kami nag-away a month before siya bawian ng buhay. "Alexandria

