Janna POV Burung-buro na ako dito sa mansyon. Hindi ako lumalabas dahil wala akong kasama. Si Ace, tumawag siya kanina. May lakad daw siya--na sigurado kong about 'yun sa gangster thingy niya. Si Raven naman nasa kompanya pa. Trainee na din siya don eh. Anong gagawin ko? Bukod sa magbasa, manood at kumain, wala na akong ibang magawa. Parang mas gusto ko pang pumasok para naman hindi ako ma-bored. "Ma'am, may bisita po kayo." Sabi ng katulong. Nandito kasi ako sa living room. "Sino?" "Si Sir Adrian po." Dug, dug.. Shocks naman. Ang hirap hirap na ngang mag-act tapos pupunta pa siya. "Sige papasukin mo." Sabi ko nalang. May galit pa ako sa kanya pero ewan, di ko naman siya matanggihan. Isa pa, parang gusto ko din kasi siyang makita. Maya-maya ay pumasok na nga si Adrian. Naka

