Janna POV
Ang saya ko lang kagabi dahil na rin sa pagko-comfort sa'kin ni Jerome. Na-realize ko din kung gaano sya kasarap kasama at kausap. Ang light light ng personality nya.
Papasok nako dito sa room namin. Kumusta na pala kaya si Yumiko. Sina James, pumasok na kaya?
Pagpasok ko..
Dug, dug..
Dug, dug..
Si Adrian nakaupo sa katabi ng upuan ko. Hinihintay ba nya ako? Never ko na kasing sinagot ang tawag nya kagabi. Kahit text message 'di ko sya pinadalahan.
Saka sabi ko naman, iiwasan ko na siya. Hari siya ng insensitive eh. Bakit 'pag sa ibang tao, ang bait nya, ang galing nya mag-advise. Bakit sa sarili nya, 'di niya magawa? Aish!
"Bakit 'di mo man lang sinasagot ang tawag ko kagabi?" Tanong nya agad nang makalapit ako sa upuan ko. Hindi ko siya sinagot. Tahimik akong naupo saka umub-ob sa desk.
"I'm talking to you Janna." Matigas nyang sabi. Diko pa rin sya pinansin.
"Damn it!" Sigaw nya saka sinipa yung upuan na nasa harap namin. Napatunghay tuloy ako.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.
"I'm talking to you pero 'di mo ako pinapansin. The heck! What's your problem huh? I'm about to apologize last night pero 'di mo man lang sinagot ang tawag ko kahit isag beses!"
Sh*t. He's mad. Pero hindi ako takot. Naiinis pa nga ako kasi sa sobrang insensitive nya, sya pa ang nagagalit ngayon. "Iniwan mo'ko kagabi sa restaurant 'diba? What do you expect from me? Matuwa? Na pagkatapos ng ginawa mo, i-e-entertain pa kita? That's impossible Adrian!" Sigaw ko.
"Damn! Tapos malalaman ko na kasama mo si Jerome? Ano mo sya ha? Sino sya sa buhay mo!?"
Konti nalang magwo-walk-out na'ko dahil sa sobrang inis. "Siya? Siya lang naman ang nagmalasakit na i-comfort ako kagabi!"
"He's an ultimate playboy!" Diin nya.
"But he's deserving to be trusted. Unlike you Adrian. You're not a playboy but you don't deserve my trust." I said seriously then walks out the door. Kung gaganyan lang si Adrian, 'di nalang ako papasok.
Naglalakad na'ko sa may hallway nang may magsalita.
"Di bagay sa'yo ang nakasimangot."
"Jerome?" Gulat na sabi ko. Ba't sya andito sa building namin? Iba yung course nyan eh.
"Bak--"
"WHAT ARE YOU DOING HERE LEE!?" Seryosong sigaw ni Adrian na lumabas na pala ng room.
"Dinadalaw si Janna." Natatawang sagot ni Jerome.
"Janna 'wag kang lumapit sa kumag na 'yan. Iwasan mo ding makipag-usap dyan." Utos nya. Aba, aba. Like a boss?
"Why do I have to do that?" Tanong ko.
"Dahil ultimate playboy 'yan. Baka paglaruan ka nyan. Fvck!" Sagot nya saka tumingin kay Jerome. "Umalis ka nga dito Lee!"
"Aray Adrian. Wag mo naman akong paalisin. Masama bang dalawin si Janna? Eh sa pagkakaalam ko single naman sya kaya pwede." Sabi ni Jerome na napapakamot pa sa ulo nya.
"Sh*t. Sinabi ng umalis kana dito!" Sigaw ni Adrian. Nasa itsura nya ang pagka-irita.
"Pwede ba tumigil kana?" Panimula ko. Di ko na mapigilan mag-react sa ikinikilos ni Adrian. Di na ako natutuwa. "Bakit kailangan mo syang paalisin? Dinadalaw nya 'ko. Tapos ano? Paaalisin mo? Sino ka ba sa akala mo? Malaki ang utang na loob ko kay Jerome dahil siya! Siya ang nagcomfort sa'kin kagabi n'ung iniwan mo'kong parang tanga sa bar. I was hurt dahil sa sinabi mo. Sinabi mo na walang tayo? Oo nga naman. Wala naman talagang tayo eh. Kaya ngayon, 'wag kang umasta na may something sa'ting dalawa dahil ikaw na mismo ang nagpa-mukha sa'kin na walang tayo! Walang tayo Adrian!" Sigaw ko saka tumalikod na. Naiiyak na'ko. Napaka-insensitive nya.
"Oo sinabi ko ngang walang tayo pero hindi ibig sabihin n'on..wala akong nararamdaman para sa'yo. Mahal kita Janna. I love you at nagseselos ako 'pag may ibang lalaking dumidikit sa'yo!"
What the..
Bigla akong nanginig sa narinig ko. He loves me. Sh*t. What to do? Kinakabahan ako na ewan. Diko malaman gagawin ko. Bigla akong nataranta.
"Now what Janna? Kulang pa ba? Wait for more dahil ipaparamdam ko na sa'yo kung gaano kita kamahal."
Dug, dug..
Dug, dug..
Ang puso ko. Hala, hala. Gusto ng kumawala sa lakas ng t***k. Adrian why so.....arghhh!
Nag-martsa pa din ako dahil 'di ko naman alam ang ire-react pero hindi ko inaasahan na sobrang pagka-tarabta ko, diko napansin na nasa may hagdan na'ko at..
"Aaaahhhhhhh!"
"JANNA!"
"JANNA!"