9

1000 Words
Janna POV Selos!? Si Adrian? So it means, mahal na nya ako, gano'n ba iyon? "Y-You're jealous...?" Alanganin kong tanong. "Yeah! And worst, sa Kuya mo pa! Tch. I really thought he was your fiance." Sabi nya. "Pasensya ka na talaga kay Raven." Sabi ko. "It's alright. Ang mahalaga, hindi mo talaga siya fiance." Nakangiting sabi niya then he looked me again. "So..can we date now?" Dug, dug.. Dug, dug.. Aish. Ayan na naman ang kaba ko. "S-Sure.." I answered. "Great! I'll pick you up later at..hm, maybe seven." Sabi nya. Tumango ako saka siya nginitian. "O-Okay." Jeez. Ito na talaga. Magde-date na talaga kami ni Adrian. Ngayon palang kinikilig na'ko, paano pa kaya mamaya 'pag nag-date na kami? Waaaaaa! Ako na mahaba ang hair. -- Bumaba na kami ni Adrian ng kotse niya. Kararating lang namin dito sa restaurant kung saan "daw" kami magde-date. I'm wearing my pink mini dress. Si Adrian naman ay naka-jeans and fitted shirt na tinernuhan ng sneakers. Ang gwapo talaga niya. Wala akong masabi. Kaya 'di na'ko magtataka kung ang ilan sa restaurant na ito ay napapatingin sa'min nang makapasok kami sa loob. "They're looking at you. Damn." Sabi ni Adrian. Looking at me? Sa kanya nga nakatingin ang mga babae eh. Ba't ako? "No Adrian, they are looking at you." "Tch. Wag na nga natin silang pansinin." Sabi nya. "Good evening Sir." Bati nung sumalubong sa'min. "Table for two." Sabi ni adrian. "Okay sir, this way." Sumunod na kami sa waiter ng restaurant na nag-guide sa'min sa mesa. Then naupo na din ako agad. Inabot ng waiter yung menu. "Anong order natin?" Tanong ko kay Adrian. Syempre gusto ko, yung i-order namin ay yung mga foods na gusto niya. Ako naman kasi, kahit ano. "Hm.." Namimili pa siya habang nakatingin sa menu. Krrrinnnggg.. Ang lakas naman ng ringtone ng phone ni Adrian. "Hello?" Bati ni Adrian sa tumawag sa kanya sa phone. "What!? Okay, okay. I'm coming. Stay there okay? Bye." Huh? Bakit parang may nangyari? "What's wrong?" Tanong ko. "Si Shaina, napilayan daw siya. I have to go to her condo. Let's go." Sabi niya saka walang anu-ano'y hinila na'ko palabas ng restaurant. Ganito ba talaga siya ka-taranta 'pag si Shaina na pinag-uusapan? So ganito, sira na naman ang date namin? At bakit pa'ko sasama sa condo nu'ng Shaina na 'yun? Hinigit ko kay Adrian ang kamay ko na hila-hila niya. "Magta-taxi nalang ako pauwi." Sabi ko. "Why!? Date kita kaya sagot kita. Pupunta lang tayo kina Shaina to check her then we'll go back here." "Hindi na Adrian, wag na nating ituloy ang date na'to. Uuwi na ako." Tiningnan nya ako ng masama. "What's your problem?" I heaved a sighed. "Nothing. Ang sa'kin lang, nagde-date tayo tapos ganito, ganyan. Nakakawalang-gana Adrian. Palagi nalang nang-iistorbo 'yang Shaina na 'yan. Baka nga uma-acting lang yun na napilayan para puntahan mo si--" "Shut up. Ganyan ka na ba talaga Janna? Napilayan na nga eh tapos sasabihin mo nag-a-acting lang siya? She's my childhood friend kaya natural lang na mag-alala ako sa kanya. Okay? Look, sorry kung nasira ang date na'to but I have to check her." Ewan ko pero uminit 'yung dugo ko. "Then fine Adrian. Go! Sinabi ko naman hindi na'ko sasama. I don't want to see that b***h either." Yeah, b***h. Totoo naman. "What did you say? b***h? Janna wala kang karapatang magsalita ng masama patungkol kay Shaina! Ano bang problema mo sa kanya ha? Porke ba 'di natuloy 'tong date na'to kaya ka nagkakaganyan?" Sige kampihan mo pa. "May karapatan akong magsalita dahil b***h naman talaga sya!" Totoo naman eh. Nagpapanggap lang na mabait 'pag sa harap niya. "Stop it! Ganyan ka pala Janna. Hindi ganyan ang pagkakakilala ko sa'yo eh. Hindi." He looks disappointed. Hindi ganito ang pagkakakilala niya sa'kin. Dahil yung Shaina na yun, siya ang naglabas ng pagka-bitchy ko. "E'di hindi. Sige na umalis ka na." Sabi ko. Inis na inis na'ko ngayon. "Palagi namang sira ang date natin dahil sa Shaina na yun." "Wala ka pa ring karapatang magalit kay Shaina dahil lang nasisira ang date natin. Because in the first place, hindi naman tayo." He said then sumakay na sya sa kotse nya. I was left dumbfounded. Because in the first place, hindi naman tayo.. Kailangan pa ipamukha? Okay. Siguro nga nag-over-react ako. Dapat 'di ako nagreklamo kung 'di man natuloy ang date dahil sabi nga niya, HINDI NAMAN KAMI. Wow lang. Tagos sa puso ko 'yun. Masyado ba akong nag-assume? Masama bang magreklamo dahil nasira nung Shaina na 'yun ang dapat na date namin? I don't know but I can't help myself to cry. Bakit ba ang insensitive ni Adrian? He's a nice guy pero..nasasaktan niya ako sa sinasabi niya. "I hate seeing girls who are crying." Napatingin ako sa nagsalita na nakatayo na sa harap ko. I know him. Nakatingin lang ako sa kanya. "Do you need a ride? Hayaan mo na 'yung si Adrian. If he can't treat you well, marami pa namang iba sa paligid." "W-What do you mean.." "Marami pang iba, tulad ko.." "Are you surprised? Matagal na kitang crush, alam mo naman 'yun. Nabanggit ko na 'yun dati nong mag-Batangas tayo. Diba?" Tumango lang ako. Yes I still remember that. Pero sa lahat ng lalaki, siya pa ang nakakita sa'kin ngayon na nagmumukhang tanga dahil kay Adrian. "Yeah. I know that." "Good to hear. So let's go? My car is hundred percent willing to take you a ride, anywhere." Mukha naman siyang mabait. Kung sabagay, mabait naman lahat ng Tigers. Iba-iba lang ang personality kaya walang masama kung sumama ako sa kanya. Alam kong wala syang gagawing masama sa'kin. "O-Okay.." I said saka pinahid na ang luha sa pisngi ko. He smiled at me. "While you're with me, don't even think of Adrian. Just think of me.." Bakit ganito sya.. "A-Ah.." "Wag kang mahihiya sa'kin. I'm harmless and easy to go with." Sabi niya saka ngumiti sa'kin. Napatitig lang ako sa kanya. Jerome Lee.. Why you're doing this to me?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD