Adrian POV Hindi ko alam kung dapat ko bang sundan ngayon si Janna. Nagsisi ako bigla na tanggihan sya. Pero hindi ko naman siya mapagbibigyan sa gusto nya. Sa ngayon, hindi ko pwedeng iwan si Shaina. Kailangan nya ako. Krrinnggg.. Umupo ulit ako sa sofa. Saka tiningnan kung sinong tumawag. Shaina calling.. I answered her call. "Yes?" "Adrian, samahan mo ako dito sa unit ko please.." Tch. Ano pa nga bang magagawa ko. Di ko naman siya matatanggihan. "Okay." *toot toot* Kinuha ko lang ang susi ng kotse ko saka umalis na. Baka pala mamaya hindi nun iniinom ang gamot non. Pagbaba ko ng lobby napansin ko ang mga staff dito na parang nagkaka-ingay. "What's the commotion here?" Ma-awtoridad kong tanong. Ako naman ang tinuturing nilang boss dahil pag-aari ng pamilya ko ang building

