Janna POV Hindi mawala sa isip ko ang ginawang confession ni Ace. Bakit ba kase ang bait ko para iwasang makasakit ng iba? Hindi ko nga masagot ang tanong niya kung mahal ko siya. Kase alam ko naman sa sarili ko na si Adrian talaga ang mahal ko. "Little sister." Napatingin ako sa gawi ng kapatid ko. Si Raven. "Nakauwi ka na pala?" Tanong ko. Galing kase siya sa Canada. May kinailangang ayusin don. "Hindi pa ako nakakauwi Janna. Anino ko lang 'tong nakikita mo." Sarkastiko nyang sabi. Aish. Pilosopo. "Oh bakit ganyan itsura mo?" "I hate this family." "Hala? Bakit Raven? Ayaw mo saken bilang kapatid? Bakit?" Jolly na tao si Raven at bihira ko syang makita ng ganito ka-seryoso. Ano kayang problema? "Sa Canada.." Kinakabahan ako kapag ganitong binibitin pa ang sasabihin. "Anong

