Janna POV Wala akong idea kung saan kami papunta ni Adrian. Hindi niya sinabi kung saan niya ako dadalhin kung saan sigurado daw na mag-e-enjoy ako. Wala man lang ngang clue eh. Kaya kanina ko pa iniisip kung saan kami pupunta. Hindi naman siguro sa mall. Sawang-sawa na ako don. Haha. "Inip ka na ba? Malapit na tayo." Sabi ni Adrian habang nagmamaneho. "A-Ah, hindi naman. Ayos lang." "Two hours nalang naman naroon na tayo." Akala ko ba malapit na?! Tapos two hours pa? Asdfghjkl. Seriously?! "Just kidding. In ten minutes makakarating na tayo don." Huminga ako ng malalim. Akala ko two hours pa talaga. Kase sa totoo lang, malapit na akong matuyuan ng laway dito. Hindi kaya kami nag-uusap mula kanina. Ngayon lang. Tiningnan ko ang paligid. Para kaming nasa gubat. Haha. Di ko ma-ex

