Janna POV
Katatapos lang namin mag-dinner ni Ace dito sa VIP room dito sa Spade Bar. Narito nalang kami para magkwentuhan.
"So sa'yo 'tong bar?" Tanong ko.
He nodded. "Yes. And I'm proud to say that this is really mine. Hindi ko ginamit ang pera ng pamilya ko."
Wow. So he can stand on his own na? Handa na nga yata 'tong mag-asawa. Pero nakaka-curious naman na nakapagpagawa siya ng sariling bar with his own. Student lang siya diba?
"Uhm, how? I mean, you're a working student ba? Kaya ka nakapag-ipon at nakapag-pagawa ng bar?"
He paused for a second and stared at me. "Janna.."
Bakit bigla siyang nagseryoso? "Yes?"
"I have something to tell you."
Dug, dug..
Dug, dug..
Ayoko ng mga ganitong conversation. Parang kinakabahan ako eh. "What is it?"
"But before I tell you, can you promise me, hindi ka lalayo saken? I mean, hindi mo ako iiwasan at hindi mo ako aayawan? Can you promise me that?"
Bakit ko naman siya iiwasan at aayawan? Ano ba yung sasabihin niya? Tinanong ko lang naman kung working student siya.
Oh my god. Hindi kaya..
Macho dancer siya dati? Tapos nagte-table siya ng mga gay tapos babayaran siya ng malaki kaya naka-ipon na siya ng pagpapagawa ng ganito ka-classy na bar!? Oh my..
"Hey.."
Nawala ako sa pag-iisip nang hawakan ako ni Ace sa kamay. Bahagya niya iyong pinisil.
"Ace.." Naku naman, ano ba kaya kaseng nangyayari sa kanya? Baka nga totoo ang naisip ko. Kaya ba niya iniisip na baka layuan ko siya o iwasan, kase baka mandiri ako sa kanya kase pumatol siya dati sa bakla? Ganon ba yun? Naku, naku.
"Hey Janna?"
Natauhan na naman ako. Ano ba naman, lalim ng iniisip ko. "S-Sorry, ano nga yung sinasabi mo?"
"As what I've said earlier, maipapangako mo bang hindi mo ako iiwasan pagkatapos kong mag-confess?"
Confess? Emeged. Ito na nga yata talaga yun. Pero sige, everyone deserves a second chance, so bakit ko siya lalayuan diba?
"Yeah, I promise." Sabi ko.
Hindi na normal ang paghinga ko kase kinakabahan ako sa ibubulgar ni Ace tungkol sa pagkatao niya.
"Janna. I'm a gangster."
Kru, kru..
Kru, kru..
"O-Okay? It's funny. Ha-ha. Pinatawa mo talaga muna ako bago sabihin yung sasabihin mo. Ha-ha."
"W-Why?" Nagtataka 'ko kase yung itsura ni Ace parang na-disappoint na ewan.
"I'm damn serious Janna. That's what I want to tell you. I'm really a gangster."
Is it real, is it real? Dan dan dalandan. Kdot. Serious mode.
What was that? He's a gangster? Seriously? Maniniwala na ba ako? Totoong totoo na talaga? Peksman, mamatay man? Itaga ko man sa ABS ni James Abellano? Matangay man ng hangin ang mala-tingting na katawan ni Luke Palermo?
Napalunok ako bigla. Maybe it's real. Pero, parang ayaw ko pa rin maniwala. "Is it really, true?"
"Of course. Hindi ko kailangang magsinungaling sayo Janna. Gusto kong magpakatotoo sayo kaya sinasabi ko na sayo. Gangster ako. Isa ako sa myembro ng tinatawag na XBang--grupo ng mga gangster na nag-aaral sa East West University."
Natutuop ko ang bibig ko. So it's true! Shemay. Bigla naman akong natakot.
Akala ko yung mga gangster, sa story at palabas lang nag-e-exist. I didn't know na pati sa real life. Oh my siopao! Tapos fiance ko pa!? What's going on?
"See, you looks surprise. Baka mamaya, iwasan mo na ako."
Tumingin ako kay Ace. Kung susuriing mabuti ang itsura niya, ang pananamit niya, hindi talaga siya mukhang gangster. Baka isipin ko pang model siya. Pero gangster? Wala. Wala akong mapagkitaang sign sa kanya. "P-Paano nangyari yun..wala sa itsura mo." Tanong ko.
"This." Ipinakita niya sa akin yung tattoo sa wrist niya.
Ang itsura nung tattoo, letter "X" siya na may bilog. "X.." Basa ko.
"Means XBang."
So XBang yung sinasabi niyang pangalan ng grupo nila. Napalunok na naman ako. "A-Ah, nandito ba yung mga co-members mo? I mean, dito din sila sa bar mo nagtitigil?"
"No. May hideout kami. Pero, nandito sila sa bar? Oo. Drinking, smoking and flirting with girls. Gawain na nila yun. Since lahat kami, wala pang serious relationship. Ako palang ang may fiance sa aming anim."
"Anim?"
Tumango siya. "Yes, anim kaming lahat. At regarding sa tanong mo a while ago, paano ako nakapagpatayo nitong bar? Well actually, hindi talaga ako ang nagpatayo nito. Dati na'tong bar. Napanalunan ko 'to sa isa sa gang fights namin. Oly the bar name was change."
Gang fights? So tulad sa mga movie at story, nakikipagbugbugan sila? I cannot. Kinakabahan na ako sa mga nalalaman ko. "So it means, nakikipagbugbugan ba talaga kayo?"
Tumango ulit siya. "Hindi lang basta bugbugan, minsan, p*****n pa."
Dug, dug..
Dug, dug..
I can't imagine na si Ace, papatay ng tao? Hindi bagay sa kanya. Wala sa itsura nya na kaya niyang pumatay. Totoo ba talaga 'tong mga nalalaman ko? Shemay.
"But don't worry. Wag kang matatakot saken. Okay? Pumapatay man kami ng tao, pili naman."
Kahit na, kahit na. Waaa! Natakot ako bigla kay Ace. Baka mamaya bigla na lang niya ako i-chainsaw. Emeged!
He held my hand again. "Janna. Wag kang matakot sakin. I'm here to protect you, not to harm you."
Medyo gumaan yung pakiramdam ko sa sinabi niya pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Parang ayaw pa din mag-sink-in sa utak ko na gangster talaga siya, na pumapatay talaga siya ng tao, na..na..WAAAA! Parang maloloka ako.
Pinilit ko nalang na ngumiti. "Let's not talk about that. Ah, so how's your company? Sinong namamahala? Papa mo pa rin?"
Si Ace biglang tumayo at tumabi saken saka ako niyakap. "Please, don't be afraid of me. Trust me."
Napalunok na naman ako, for I think, third time mula nang malaman kong gangster si Ace. "Y-Yeah, I trust you."
Kelangan kong magtiwala kay Ace. Hindi naman niya siguro ako papatayin eh. Fiance niya ako.
"Good. Ihahatid na kita." Sabi niya. "Para makapagpahinga ka na."
"A-Ah, may kotse akong dala Ace. I can drive at my own naman." I smiled.
"No. I want to assure that you're safe. Kelangan kitang ihatid. Sa kotse ko nalang, okay? Ipapahatid ko nalang yung kotse mo sa mansyon nyo mamaya pagkahatid ko sayo. Is it okay?"
"Okay." As if naman, may magagawa pa ako, sa tingin ko mabait naman talaga si Ace. Gangster lang siya pero may side pa rin siya na normal na estudyante at hindi gangster.
"Good. Let's go." Inalalayan niya akong tumayo saka ikinawit yung braso ko sa braso niya.
Ang sweet lang. Napangiti nalang ako at saglit na nawala ang kaba dahil sa nalaman kong katauhan niya.
Naglakad na kami palabas ng VIP room, dumaan muna kami sa isa sa table sa loob ng bar.
There were five mens in black. Nag-iinom, nagyoyosi at ang dalawa ay may kakalong na babae. Ang awkward tingnan. Di naman kase ako ganon kasanay pumasok ng bar.
"Oh men. Ace with someone who's really gorgeous and sexy."
Pinuri pa ako nung isang lalaki. Ngumiti lang ako sa kanila. Mukhang sila yung mga ka-gangster ni Ace.
"My fiance, Janna Ruiz. Don't try to messed up with me. Dahil ako ang makakalaban niyo." Seyosong sabi ni Ace sa mga ka-grupo niya.
"Are you damn serious Ace? Wag kang masyadong mag-seryoso. Haha. By the way, I'm Seth. Nice meeting you."
Ngumiti lang ulit ako.
"I'm Kieffer."
"I'm Zaine."
"I'm Shawn."
"And I'm XKing."
Oh, naiba yung pangalan nung last. Ang weird ng name. Unique.
"Janna, sila yung mga co-gangster ko. He's XKing, our leader."
Tumango-tango lang ako. "Nice meeting you all." Nakangiti ko pa ring sabi kahit deep in side, natatakot ako sa kanila.
"We have to go." Paalam ni Ace saka niya ako hinila palabas ng Spade bar. Napunta kami dito sa parking kung saan narito ang kotse niya.
"Get in." Sabi nya saka ako inalalayang sumakay.
"Thanks." Sabi ko bago makasakay ng sasayan.
Then, nagpunta na sya sa driver's seat and started his car engine.
Tahimik lang kami sa byahe.
"Janna.."
Napatingin ako kay Ace na nagda-drive. "Yes?"
"Are you afraid of me?"
Takot nga ba ako? "Well, honetsly, oo natakot ako nang malaman ko na gangster ka, hindi naman maiiwasan yun. Sino bang hindi matatakot sa gangster diba? Pero, I realized na dapat di ako matakot. Kase nararamdaman kong mabuti kang tao. Isa pa, may tiwala ako sayo."
"Nice to hear that." He said.
Ilang minuto lang ang lumipas at narito na agad kami sa mansyon.
"Have a good night sleep."
Ngumiti ako saka nag-wave. "Yeah. Thanks."
Ilang minuto ng nakaalis si Ace pero nakatayo pa rin pala ako dito sa may labas ng mansyon. Natulala ako about sa gangster thingy.
Bigla kase ako napaisip. Totoo na talaga diba? Totoong gangster siya? As in. Totoong totoo at di ako nananaginip.
--
Adrian POV
Galit ako? Oo. Kanino? Sa gagong Ace na yun. Panira eh. Langya.
Porke fiance siya ni Janna, kung maka-asta akala mo pag-aari na nya. Baka nakakalimutan niya, mas nauna akong makilala ni Janna bago siya.
"Brad yupi na yung beer in can. Poor can." Puna ni Oliver.
"Tch." Napatingin ako sa hawak kong beer in can. At tama sila, yupi na nga. Na-yupi dahil sa inis ko sa Ace na yun.
"Problema brad?" Tanong ni Ken.
Andito ako sa bar niya eh. Saan pa ba ako tatambay? Kanina niyaya akong magdinner ni Shaina pero tinanggihan ko siya. Mas gusto kong magpakalulong sa alak ngayon. Damn it.
"Ace Xander Jung."
"Sino yun brad? Jowa mo? Pakyu brad, bakla ka na ba?"
Makakasapak ako ng tingting mamaya. "Shut the fvck up Palermo. Isa siya sa myembro ng XBang."
"Ow ma'men! XBang."
"Hindi ako natatakot sa kanila. Tch."
Mas lumapit saken sina Ken at Oliver. "Ano bang problema mo sa kanila brad?"
"Fiance nga ni Janna si Ace diba? Tang*nang yun. Akala niya ba basta-basta lang akong magpaparaya? Fvck them."
"Tch. Bad words na ang lumalabas sa bibig ni Adrian. Lasing na'to."
Oo. Lasing nako pero nasa katinuan pa ako. Tch. Malaki lang talaga ang galit ko ngayon sa XBang dahil sa Ace na yun.
"Tara brad hatid na kita pauwi sa condo mo." Sabi ni Luke.
"No need. Fvck. Di kita syota para ihatid ako. At hindi ako babae para magpahatid. Kaya kong umuwi mag-isa. Hayaan nyo lang akong uminom."
"Sige lang brad. Pakalunod ka sa alak."
Tch. Kung alam lang nila ang nararamdaman ko eh. Damn it. Can't help it, but I want to punch that damn ass ACE.