Chapter 2

1193 Words
DIVINE'S POV "Pay up, or your life will be like h*ll." Tinitigan ko siya nang matagal kung seryoso ba 'yong sinasabi. "A-aray!" Napahiyaw ako nang maramdaman ko 'yong kuko niya sa braso ko. "Don't make me repeat my word." Ramdam ko 'yong galit niya sa boses niya at sa higpit ng hawak niya sa braso ko. "B-bitawan mo nga ako!" Nagpupumiglas na ako pero itong lalaking 'to mas lalong hinigpitan. "I'm talking to you. Don't you dare to close your eyes." Naramdaman ko na unti-unti niyang binitawan ang braso ko. Nakahinga ako ng maluwag akala ko katapusan ko na! "Pay me, NOW." Lah? Hindi ba 'to makakatulog kung hindi ko agad siya mababayaran? Staka ang mahal naman sobra ng suot niya! Lokohan na lang ata 'to! Staka base sa itsura niya mukha naman siyang mayaman! "Don't give me a look like that, id*ot." Masyado na ako naiinsulto nitong lalaking 'to. Napatingin ako mula sa likod niya nang may tatlong lalaking nakaitim palapit sa kan'ya. Habang 'yong isa may binulong sa kan'ya. Biglang nag bago 'yong mukha nitong mukhang pera at binalik sakin 'yong tingin niya. "We're not done yet." Binigyan niya ako ng nakakamatay na tingin bago niya ako iniwan mag-isa. Parang nangangatog tuhod ko ngayon sa sobrang kamalasan ko! Hindi ko alam kung matatakot ba ako sa kan'ya o matutuwa kasi umalis na siya? Nakatitig ako sa dalawang iced americano na natapon. Ayokong gamitin itong card ni sir para bumili ulit ng bago kahit pa sinabi niya kanina na bumili ako ng kahit anong gusto ko hindi ako susunod! Tumingin ako sa phone ko nang may tumawag. Ceo na manyak Isa pa 'to. Mag-sasalita pa lang ako nang bigla na siyang na-una nag-salita. "Where are you? Why are you taking so long?" Sunod-sunod niyang tanong sa akin. Ano idadahilan ko rito sabihin ko na lang na maraming tao sa Starbucks. Sorry sir pero kailangan ko mag-sinungaling. "Marami lang pong tao sir pero pabalik na rin po ako." Hindi pa naman ako magaling mag-sinungaling sana hindi niya ako mahuli. Ilang segundo lumipas bago siya nag-salita. "alright, make it faster." In-end niya na 'yong call habang ako bumalik ulit sa Starbucks para bumili ulit gamit ang pera ko. Tulala akong bumalik sa building habang iniisip 'yong nangyari kanina. "We're not done yet." "We're not done yet." "We're not done yet." Paulit-ulit kong naririnig 'yong boses niya sa utak ko!! Hindi ko maiwasang hindi matakot! Akala ko ba naman sa manyak na ceo na si Dmitri lang ako mababadtrip mukhang may mas lalala pa ata. "Lumilipad na naman ang isip ko." Nagulat ako nang biglang nag-salita si Jammy habang sinabayan ako pumasok sa elevator. "Anong nangyari sayo? Mukha kang gumulong sa kanal." Ngiwi siyang tumingin mula ulo hanggang paa ko. Oa naman nito. "Seryoso? Babalik ka sa building na gan'yan?" Umakyat ang tingin ni Jammy sa mata ko n parang hindi makapaniwala. "Natapon ko kasi 'yong binili kong kape." Mahina kong sabi sa kan'ya. Tumitig siya sa akin ng limang segundo bago siya nag-salita. "Liar, tell me what happened?" Huminga ako ng malalim bago ko sabihin sa kan'ya lahat. "ANO?!" Siniko ko siya nang sumigaw siya nang sobrang lakas saktong bumukas pa naman 'yong elevator. "Yung boses mo!" Mahina kong bulong sa kan'ya pero may diin. "Sorry sorry." "Hindi lang ako makapaniwala na 3 million hinihingi sayo?" Hindi siya makapaniwala at napapaisip pa siya. Bagsak balikat akong nag-lalakad papasok sa office work namin. "Pero teka? Kaninong pera ginamit mo para bumuli ulit?" Hindi ko na siya sinagot at tumingin lang ako sa kan'ya na parang sinasabi ko na 'wag ka na mag-tanong.' "Ok fine, I won't ask ba't ganon? I mean, he's kinda weird hah." Napailing na lang si Jammy sa akin at bumalik na sa table niya. "Divine!" Lumingon ako sa likod ko at hinagisan ako ng jacket ni Jammy. Na gets ko naman kung ano ang point ni Jammy. Sinuot ko muna 'yong jacket bago ako pumunta sa office ni sir. Hindi pa ako kumakatok nang biglang bumukas ang pinto. "You're here." Nagulat ako nang bumungad sa akin ang pag-mumukuha na ayaw kong makita. Inabot ko agad sa kan'ya 'yong dalawabg iced americano at ang black card niya. "Thank you." Binigyan niya na naman ako ng nakakainis na ngiti! Nakakabadtrip talaga 'to! Nasa table na ako ngayon habang chinecheck ang sales rate ng product namin if bumababa nitong buwan o tumaas kumpara nitong nakaraang buwan. "Wala ka bang balak kumain?" Umiling lang ako kay Jammy. Pinilit niya pa ako na kumain muna kami tutal dinner break kaso tinanggihan ko siya. Mas maganda kung sa bahay na lang ako kakain ayoko talaga gumastos ng pera. Dalawang oras lang naman kailangan kong hintayin bago ako umuwi. Kung hindi ako uutusan ng isa diyan. Ako na lang ang natira rito halos lahat sila ay umalis para bumili ng kape at kumain. Mabilis lang lumipas ang oras at oras na para umuwi. "Nakakapagod na araw!" "Agree!" "Ano? Shot na ba?" "Let's go!" Nag tinginan silang lahat sa akin. Tinignan ko sila isa-isa. Bakit bigla sila tumingin sa akin? "Hindi ka na naman sasam-" "She's going to stay here." Natahimik silang lahat at sabay-sabay kami lumingon kay sir. "Good evening chief! Ano shot na rin ba?" Nagtawanan silang lahat sa hirit ni Duke. Siya lang may lakas na loob na biruin si sir ng gan'yan. Natawa na lang si sir sa kan'ya at umuling. "Not now, Duke. I have a lot of things I need to do. But I promise I will join next time." Nag-pissed bump sila. "Eyy hihintayin ko 'yan chief ha?" Natawa silang lahat sa pag 'eyy' ni Duke. Pareho kaming tumingin ni sir sa mga ka-trabaho ko habang kumakaway sa amin hanggang sa mawala na sila sa paningin namin. Kaming dalawa na lang ni sir ang natira rito, napatingin ako sa kan'ya nang bigla siyang tumalikod at nag-lakad papunta sa office niya. "Come with me." Bigla akong nataranta nang bigla siya naging seryoso agad kong kinuha 'yong laptop ko at nag-mamadaling sumunod sa kan'ya. Isang oras na ako na nasa loob ng office niya habang sinasabi niya sa akin lahat-lahat na pwedeng mangyari in just a three months. "Don't forget these documents. I need them tomorrow." Tumango ako sa kan'ya habang inaayos ko na ang gamit ko. Napatingin ako sa kanya na seryosong nakatingin sa computer niya habang nilalaro ang ballpen. "And." Nagtama ang mata naming dalawa. "Nothing." Napailing siya sa sarili niya at nag-focus ulit sa computer niya. "Sir aalis na po ako." Tumango siya sa akin at nag-bow muna ako. "Take care." Nakahinga na ako nang maluwag nang nakalabas na ako ng office ni sir. Kung assumera lang ako iisipin ko may gusto sa akin si sir kaso ganon talaga siya kaharot kahit kanino ang pag-kakaiba lang 'yong sa akin parang may galit. Laging napapa OT inuutusan as if na ako 'yong secretary niya. Pumasok na agad ako sa elavator at pinindot ang first floor. Sumandal muna ako sa gilid at pumikit biglang nag-sitayuan ang balahibo ko nang may narinig akong boses sa likod ko. "Small world." Dahan-dahan ako dumilat at tumingala. Y-yong lalaking hindi makatulog sa 3 million?! Bakit nandito 'to?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD