Chapter 4

1436 Words
DIVINE'S POV WARNING: Some scenes in this content are not suitable for minors. Proceed at your own risk. "B*SET!!" Bagsak kong hiniga ang sarili ko sa kama habang nakatitig sa kisame. Hindi ako makapaniwala sa nangyari kanina! Nakakainis talaga! FLASHBACK Sobrang bilis ng pangyayari nakita ko na lang 'yong sarili ko na nakatali 'yong kamay ko pero ang gamit belt niya. Habang nakapalibot sa bibig ko 'yong neck tie niya para hindi ako makagawa ng kahit anong ingay. Literal na bal*w siya!! Paano ako makakaalis sa puny*ta niyang kotse. Tumingin ako sa bintana para silipin siya kung ano 'yong ginagawa niya. May lalaki siyang kausap na nakatalikod habang siya nakaharap sa kotse. Nakikipag-usap siya pero 'yong tingin niya nasa kotse. Tinignan ko siya ng masama kahit alam kong hindi niya ako nakikita sa loob. Tumingin ako sa kaliwa ko at sinubukan kong buksan ang rear door. Parang nakakita ako ng liwanag nang hindi niya man lang ni lock. Sino satin ang id*ot? Napa-atras ako nang biglang bumukas 'yong pinto at bumungad siya sa akin. "I told you, you can't escape from me, id*ot." Napapikit ako nang pitikin niya 'yong noo ko. Tinignan ko siya ng masama sa ginawa niya at pumasok siya sa loob ng kotse at sinara. Tinignan ko lang siya habang tinatanggal 'yong belt sa kamay ko pati ang neck tie na nakapalibot sa bibig ko. Nakahinga ako ng maluwag nang tinanggal niya ang neck tie sa bibig ko. Nang matapos na niya tanggalin 'yong belt sa kamay ko pati na rin 'yong neck tie. Tinignan ko siya ng masama at hindi ako nag-dalawang isip na duraan siya sa mukha. Kitang-kita ko sa mukha niya na wala man lang expresyon at bahagyang pumikit. Ito na 'yong chance ko para makatakas sa kan'ya. Buong lakas ko siyang sinipa at rinig ko 'yong pag-tama ng likod niya sa rear door. Tumalikod ako sa kan'ya at binuksan nang mabilis 'yong pintuan ng kotse niya at tumakbo palayo sa kan'ya. "Run." Natigilan ako sa narinig ko mula sa kan'ya. Hindi ko alam pero kumusa 'yong sarili ko na lingunin siya. Nanigas ako sa kinakatayuan ko nang makita ko siya na nakasandal sa kotse niya habang 'yong kanang kamay niya ay may hawak na b*ril. Mas lalo akong nagulat nang itutok niya sa akin 'yong b*ril niya. "I like this game of yours. Let me count for you." "Buti nakauwi ako ng buhay." Humiga ako sa kama at huminga ng malalim. Anong kamalasan ang dumikit sayo Divine?! Ginulo ko 'yong buhok ko sa sobrang inis. Napag-desisyunan ko muna na maligo para 'yong utak ko guminhawa man lang. Habang na nasa bathtub ako hindi ko maiwasang hindi isipin 'yong lalaking 'yon. Ang weird niya hindi lang siya basta bal*w tang*na nanunutok ng b*ril. Parang kaya niya talagang pum*tay. Hindi ko maiwasang hindi kabahan pakiramdam ko delikado talaga buhay ko kapag hindi ko siya nabayaran ng 3 million. Grabi 'yong kaba ko habang nagbibiling siya. Parang nakikipag habulan ako kay kamat*yan. Subukan ko kaya mag-sumbong sa pulis? Napailing ako sa kat*ngahan kong suggestion. Anong laban ko? Mukhang mayaman 'yon tapos ako mukhang hampas lupa hindi lang basta mukha, literal na hampas lupa. Hinayaan ko muna 'yong sarili ko sa bathtub. Mapapabuntong hininga na lang ako sa puny*tang buhay 'to. Napatingin ako sa braso ko, nandito pa rin 'yong bakas ng kuko niya pati na rin 'yong bakas ng belt niya. Hindi ako makapaniwalang tinali ako pero gamit belt. Anong klaseng utak meron siya? Ang weird niya talaga hindi ko kinakaya kung ano man takbo ng isip niya! Natapos na ako maligo at nilagyan ko muna ng oitment itong naiwang sugat sa braso ko. Parang kinakabahan tuloy ako lumabas ng bahay parang kada hakbang ko umiikli buhay ko. Pinagtataka ko narinig ko lang kinasa niya 'yong b*ril niya pero hindi man lang siya nag-paputok. Baka gustong-gusto niyang nakikita akong nahihirapan at natatakot sa kanya? "Argh! Kainis!" Nilibot ko ang tingin ko sa maliit na kwarto ko. Sa loob ng dalawang taon kong pagtatrabaho parang ni hindi ko nababawasan 'yong utang ng magulang ko. Humiga ako sa kama habang nakatingin sa maliit na papel. "Ano kaya ginawa ng magulang ko pera?" Titig na titig ako sa hawak kong papel. 100 Billion. Magkaiba pa 'yong isa na inutangan nila sa isang gang. Anong kat*ngahan pumasok sa isip ng magulang ko at umutang sa isang gang? Ang hindi ko matanggap sabi nilang dalawa mag trabaho lang sila sa malayo para makabayad sa puny*tang utang nila. Kapag talaga sinabi ng magulang na mag trabaho lang sa malayo scam 'yon. Pero halos tumanda na ako hindi na nila ako binalikan tapos ako tuloy binabalikan ng mga gang na inutangan nila. Tapos nadagdagan pa ng 3 million. Grabing buhay 'to. ———— Lumipas ng isang linggo hindi na nagparamdam sakin 'yong lalaking 'yon. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako kasi wala siya sa paligid ko o lalong matatakot kung ano binabalak niya. "Divine!" "H-hah?" Nagulat ako nang biglang sumigaw si Jammy at tinignan ako na parang naiinis na siya sa akin. "Kanina pa kita kinakausap!" Napabuntong hininga ako habang sumandal sa inuupuan ko. "Ano ba kasi iniisip mo?" Tanong ni Jammy. "Baka si chief." Nagtawanan silang lahat sa hirit ni Duke. Napairap ako sa hangin sa sinabi niya. Sinapian na naman siya ng pagiging papansin niya. Hindi ko sila pinansin at inayos ko na lang 'yong documents na pinapasuyo sa akin ni sir kanina. "Ayos ka lang ba?" Tanong ni Jammy at tumango na lang ako sa kan'ya. "Sure?" Natigilan silang lahat sa ginagawa nila at tumingin sa akin. Ni isa sa kanila walang nakakaalam kung anong buhay meron ako lalo sa kapag usapang utang. "Ayos lang ako!" Ngiti kong sabi sa kanila. "Una na muna ako kailangan ko pa 'to ibigay kay sir." Hindi ko na sila hinintay mag-salita at umalis na para pumunta sa office ni sir. Habang nasa loob na ako ng office ni sir inisa-isa na niya 'yong papel at napapatango. "Alright." Nilapag niya 'yong documents sa gilid at nag thank you sa akin. Nag bow muna ako bago umalis. Hindi pa ako nakakalabas nang may sinabi siya. "Tell them we're having a simple shot party at my house tonight at 9 PM." "Copy, sir." "And don't you dare not to be there later. I want you to join us, no more 'buts', just say yes." Nakita ko na naman ang nakakainis niyang ngiti at kinindatan ako. Hindi na lang ako sumagot tanging tango na lang at lumabas sa office niya at inannounce sa mga co-worker ko kung ano sinabi ni sir kanina. "YES! FINALLY!" Natawa silang lahat nang biglang tumayo si Duke habang nakataas 'yong dalawang kamay niya na parang natuwa siya sa narinig niya. -------- Nandito na kami ngayon sa mansion ni sir Dmitri. Ang taray ng mansion niya may bar room siya ang angas tignan. "Don't tell me Divine hindi ka iinom? Chief oh! si Divine hindi raw iinom!" Tinignan ko ng masama si Duke. Papansin talaga 'tong batang 'to nagsusumbong pa. Lumingon samin si sir habang may bitbit na wine at palapit sa amin. Tinignan ako ni sir at ngumiti. "Come on Divine! just for this moment." Ayokong uminom pero sa nakikita kong mukha ni Jammy, Duke, at pati na rin ang iba pa naming co-worker. Bumuntong hininga ako at tumango. "Yes! Let me pour you!" Excited na sabi ni Duke. "Divine!" "Divine!" "Divine!" Napailing na lang ako nang icheer nila ako. Habang umiinom kami walang ibang usapan kundi rin sa business which is itong company na pinapasukan namin. Tenzo Cheers Company. "Thank you for your hard work, guys! I'll give a bonus to all of you!" Naghiyawan silang lahat sa sinabi ni sir habang ako ngumiti na lang. Ilang oras lang kami nag stay sa mansion ni sir hanggang sa napagpasyahan na namin umuwi. "Take care!" "Thank you ulit chief!" "Thank you!" Sabay-sabay na kami umuwing lahat tutal sa iisang direction lang naman 'yong uuwian namin. Bali ako ang unang bababa sa amin. "Ingat Divine!" "Ingat din kayo!" Medyo malayo pa 'yong bahay ko mula sa binaba ko. Napapikit ako habang hinihimas 'yong batok ko. Nakaramdam na ako ng antok kaya binilisan ko na 'yong pag-lalakad ko. Nang nakarating na ako sa bahay agad kong kinuha 'yong susi para makapagpahinga na. Nabitawan ko 'yong susi nang may nakita akong nakaupo sa couch at naka dekwatro siya habang may baril sa gilid niya. Napalunok ako sa nakikita ko ngayon. Katapusan ko na ba? Kita ko sa mata niya 'yong walang emosyon pero halatadong lasing siya. Paano nakapasok 'to sa bahay ko? Anong ginagawa nito rito? "You're late."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD