Ilang araw ng hindi umuuwi si papa? Napabuntong hininga ako. Hindi ko na alam kung saan siya hahanapin ngayon. Bumaba ang paningin ko sa notes ko at nagbasa ng reviewer. Wala akong tulog kakaantay kay papa kagabi kaya heto at hindi pa ako nakapag review. “What are you doing?” halos mapatalon ako sa gulat nang may biglang bumulong sa tenga ko. Inis kong binalingan nang tingin si Yenro. Ano bang ginagawa niya dito? “What are you doing here?” Tumaas ang sulok ng labi niya. “You’re calling me Yenro?” naaaliw na aniya. Tumaas ang kilay niya. Anong meron kung tawagin ko siya sa pangalan niya? Is he nuts? “It’s your name. Natural!” Pabalang na sagot ko. “Okay.” Malambing na aniya. Kinuha ko ang gamit ko at inirapan siya. “It would be better kung aalis nalang ako. Nandidisturbo ka e.” Sab

