"Hoy! Tulala ka na naman!" Pambungad ni Vios na kakapasok lang ng bahay. Hindi ko siya pinansin at tahimik na nanonood ng palabas. "Nakita kitang pumasok ulit kanina. Bakit? Akala ko magtatago ka lang sa bahay mo." "Wala. Gusto ko lang makita sila dahil anytime, papaalisin na ako ng boss mo." Tumahimik siya sa sinabi ko at nanood nalang ng palabas na pinapanood ko. "Vios, bakit mo ito ginagawa? Bakit mo 'ko tinutulungan? Hindi ba kanang kamay ka ni Lia?" "She's a lost girl, Amanda. I can't disclose any information to you dahil baka mas manganib ang buhay mo. Ang magagawa ko nalang ay siguraduhing ilayo ka sa kamatayan na binabalak niya." Balak nga akong patayin ng boss niya. How odd. Sinasabi ito ni Vios na parang wala lang. Hindi ko alam kung anong dapat ko naisin. Mabuhay pero tak

