Umuwi rin kami agad sa bahay ni Steven dahil tumawag ang sekretarya nito na nagka problema daw sa kompanya. Hindi ako umimik dahil nawalan ako ng gana. Dahil wala si Steven sa buong linggo ay hindi niya alam ang pagkadismaya ko sa nangyayari. Hindi pa niya gustong magka anak so I think hindi niya matatanggap ang anak namin. Bumalik na rin si aleng Lourdes kaya dalawa na kami sa bahay. Hindi na rin ako stay in dito kaya umuuwi ako sa amin at ako na ang kasamang matulog ng supling ko. "Ria anak, may problema ba?" Napatingin ako kay aleng Lourdes na nag-aalalang nakatingin sa'kin. "Wala po manang," pilit kong ngumiti para makampamte siya. Mukhang hindi kumbinsido si manang na ayos lang ako kaya para maka iwas ay sinabi kong lilinisin ko muna ang pool. Pero bago paman ako maka kilos ay b

